fifteen | unexpected

8 2 1
                                    

Clarification from the last chapter. Hindi ko sinabing nag-e-exist ang mga bampira at wolves dahil sa totoo lang, hindi pa rin ako nakakakita ng isa. But I do read myths and stories about them. Iba-iba ang pananaw. Even their legends and history varies in different countries. Kahit sa atin dito sa Pilipinas ay may mga 'myth' din tayo.

What I'm trying to say is everyone of us have its own share of stories and beliefs. Nasa sa atin na yun kung hanggang saan ang gusto nating paniwalaan.

Kabanata 15

     ISANG naiinis na tingin ang ibinigay ni Artemis sa nerd na lalaking kanina pa nakasunod sa kanya. Pagliko sa isang classroom ay inabangan niya ito saka hinablot.

     "Bakit mo 'ko sinusundan?"

     Halatang gulat sa ginawa niya. Gayunpaman ay nagawa nitong ayusin ang salaming nawala sa ayos.

     "Hindi sa pinakikialaman ko ang gusto mo but... itinuturing kitang kaibigan Artemis." anito habang hindi makatingin sa kanya ng diretso.

     Hindi siya nagkomento dahilan para magpatuloy ito. "Alam ko na ang sekreto mo."

     Noong una ay hindi niya maintindihan ang sinabi nito ngunit nang mag-sink in iyon sa kanyang utak ay nanlaki ang mga mata niya!

     "What are you saying?"

     "There's no point on denying, Artemis. I can keep secrets. Especially, that we're... f-friends." tila nahihiya pang sabihin nito ang salitang friends.

     Halos manlaki ang ulo niya. Ano ba naman ito? Hirap na nga siyang mag-adjust sa pagiging miyembro ng Order ay may dagdag pasakit na naman. Kailangan niyang maging maingat kay Homer. Hindi niya aakalain na malalaman nito yun!

     "Ano pa'ng nalalaman mo?"

     "Wala na maliban sa inyo ni Sir Lucero."

     "You know Lucero?"

     "Yes, I know Sir Lucero. Professor siya sa philosophy department. You don't know?" tila nagtatakang tanong nito. Hindi na niya pinansin ang pagdiriin nito sa ginamit na bansag sa djinn.

     "Of course, I knew!" Of course she lied. Hindi niya aakalain na propesor pala ang black djinn sa mismong university na pinapasukan. Akala niya ay pagala-gala lang ito sa paaralan nila o di kaya ay staff.

     "You need to keep this secret. Wala kang pagsasabihan kahit na sino kahit ang mga magulang mo, maliwanag?" she said while looking intently on his eyes. His eyes that seem so compelling and at the same time very expressive. Tila binabasa kahit ang kaluluwa niya. Na tila ba kinikilala nito pati ang kaloob-looban niya.

     Tumango ito saka ngumiti. "Oo. Kaibigan kita." tila natutuwa ito sa nangyayari na ikinainis niya.

     "Natutuwa kang makakilala ng gaya namin?"

     "Hindi sa natutuwa ako sa inyo pero iba-iba tayo. At nirerespeto ko ang bawat isa. Isa pa, wala akong karapatan na husgahan kayo."

     Muli siyang namangha sa lalaki. Mukha lang itong lampa pero sa mga sinabi nito noon at ngayon wala sa hitsura nito ang maging ganoon ka-wise at puno ng wisdom ang sinsabi. As a matter of fact, she is starting to like the guy. Kamangha-mangha ang taong ito. Akala niya ay wala na siyang makakatagpong nilalang, lalo na't tao, ang may ganoong kalawak na pananaw. Pero muli ay pinatunayan nitong mali siya.

     "Friends?" anito sabay lahad ng kamay sa kanya.

     Maluwang sa dibdib na tinaggap niya ang nakalahad nitong kamay. "Friends." aniya sabay ngiti.

The Sinner's HeartWhere stories live. Discover now