six | chance

5 2 0
                                    

"All they need is chance para magbago. Pasasaan ba't makikita din nila sa sarili ang kabutihan? People are innately good."
-Homer (2017), The Sinner's Heart

Kabanata 6

SHE WAS RIGHT. Homer was being bullied by a bunch of guys. Not to mention big guys. Homer was probably slammed into that screened wall.

Nag-isip siya kung dapat nga ba siyang makialam sa away ng mga ito. Pero ano ba ang magagawa niya? Alangan naman na makipag-away din siya? Which is not so smart considering how bully those guys are. Baka malagay pa siya sa alanganin. Paniguradong gagantihan lang siya.

Kaya hayun siya at bumalik sa pagkakahiga at pilit inignora ang mga ingay na gawa nang malamang ay pambubugbog ng mga ito kay Homer.

She felt a pang of guilt in her stomach. Pinilit na lamang niya iyong 'wag pansinin. But not until she felt a small jolt of electricity in her chest.

What the? Is she obliged to play hero too?

Huh!

Iignurahin na naman sana niya iyon nang magsunod-sunod ang boltahe ng kuryente sa puso niya. Doon na siya napatayo.

"Fine, fine!"

Padabog na lumapit siya sa kinaroroonan ng mga ito. "Geez!" usal pa niya.

She was practically standing in front of them when they turned to her.

Now what? She said in her mind.

Nag-isip siya ng paraan nang hindi mauuwi sa rambulan. Dahil kahit iligtas niya si Homer sa mga ito ay alam niyang makukuryrnte pa rin siya. Whatever the circumstances are, she was not allowed to hurt humans. Isa pa ay babalikan lang siya ng mga ito para gumanti. And the cycle will go on and on.

So she did the thing she thought was the best.

"Uhmm... Tigilan niyo na iyan kung ayaw niyong makarating ito sa Admin. Then you will be suspended or worse expelled." she sounded like she wasn't sure herself.

"Oh, yeah?" anang lalaking parang leader-leaderan ng mga ito.

"Sa tingin mo hindi ka namin kayang pigilan ngayon?" sabi ng isa na tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa. There was so much desire in his eyes she almost kick his nose.

Nakaramdam siya ng inis. But instead of breaking their noses, she just rolled her eyes. Hindi worth it ang mga ito para maparusahan na naman siya sa pamamagitan ng pagkakakuryente ng puso niya.

"If I were you, umalis na ako. Parating na dito ang mga security na kanina ko pa tinawag." she bluffed.

Mukha namang naapektuhan ang mga ito at dagling nagpaling-linga. Pagkatapos ay nagkatinginan ang tatlong hinyupak at umalis. Pero ang isa ay humabol pa ng kindat sabay nguso sa kanya na tila ba hinahalikan siya.

She just lifted his middle finger on him. Agad niyang naramdaman ang kaunting boltahe ng kuryente sa puso niya. Well, at least it was worth the pain.

Sunod niyang binalingan ang nakalugmok pa ring binata. She squatted in front of him.

"Can you stand up?" tanong niya. Hindi na siya nag-abalang tanungin ito kung okay lang ito dahil halata namang hindi. Napangiwi pa siya nang makitang dumudugo ang ilong ni Homer.

Inalalayan nalang niya itong makatayo. Nakapatong ang isa nitong braso sa balikat niya para maalalayan niya ito. In fairness, matangkad si Homer at mukha namang hindi patpatin ang pangangatawan. Kaya paanong nabugbog ito ng ganoon kung pwede naman itong lumaban?

Pero bago niya iyon isipin ay kailangan na muna niyang madala sa clinic ang binata. Problema lang, alam niyang hindi niya ito kaya. Hanggang balikat lang siya nito. He was definitely a big guy. Kaya naisipan na lamang niya paupuin muna ito sa inupuan niya kanina. Noon lang din siya nabigyan ng pagkakataon para eeksamin ang natamo nito.

Bleeding nose, busted lips, and a black eye. Malayo sa bituka pero nakonsensya pa rin siya. Hindi siguro ito mapupuruhan ng ganoon if she just rescued him earlier.

"Dito ka lang, tatawag lang ako ng iba pang tutulong sa atin. Hindi kita kayang mag-isa." aniya sabay tayo. Pero pinigilan siya nito.

"Okay lang ako."

Pinameywangan niya ang lalaking kandangiwi sa pagdama sa sariling mukha.

"Okay? Nakikita mo ba ang sarili mo? Halos hindi mo na nga maimulat iyang isa mong mata. You're not okay, Homer. We need to treat your wounds. Baka maimpeksyon iyan."

Naturingan siyang anak ng dalawang doktor pero wala siyang amor sa panggagamot. Kaya nga hindi siya kumuha ng medisina, di ba? Marunong siya ng first aid pero wala siyang dalang kit.

Nainis siya nang parang wala itong narinig. Kinuha niya ang salamin nito.

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Itong salamin mo, basag ang isa. Do you think you can still use this?"

Dinutdot naman niya ang noo nitong may bukol dahilan para mapaungol ito. Buti nga!

"Iyang bukol mo na iyan, baka may internal hemorrhage ka na."

Natigilan lang siya nang makitang parang nakatulala nalang ito sa lupa. Tiningnan niya ang tinitingnan nito. Wala naman.

Hala nabuwang na siguro!

"Ayos ka lang?"

Naupo siya sa tabi nito saka ito iniharap sa kanya sa pamamagitan ng paghawak sa baba nito. Napapailing nalang siya habang pinagmamasdan ang mukha nitong halos mangasul na sa pamamaga. Sana pala talaga ay binugbog din niya ang mga herodes na yun!

Naghintay siya ng kuryente. Kasalanan pa rin ang mag-isip o magbalak ng masama sa kapwa. Ngunit sa pagkamangha niya ay walang dumating na parusa.

Weird

"Why do people hurt each other?" wala sa sariling tanong nito.

Tinitigan niya ito nang mariin. Mukhang hindi ang mga sugat nito ang iniinda kundi ang rason kung bakit ito sinaktan ng mga nanakit dito.

Natagpuan na lang niya ang sarili na sinasabi ang sinabi ni Lucifer -este Lucero sa kanya noong nakaraan. "Because people are naturally evil. They were given the chance to decide for themselves and they chose to be evil. Mahihina sila kaya mas pipiliin nilang maging masama kaysa ipaglaban ang kabutihan."

No'n lang ito tumingin sa kanya. Kahit na isa lang ang kaya nitong idilat ay nagawa pa rin nitong ngumiti. With those busted lips, he still managed to give her a genuine smile she found it impossible given the situation he just had.

"Palagay ko ay mali ka. All they need is chance para magbago. Pasasaan ba't makikita din nila sa sarili ang kabutihan? People are innately good."

Napatulala nalang siya sa lalaking maga ang buong mukha, isang mata lang ang dilat, may duguang ilong, at putok na labi. All this and that yet he was still talking about the goodness in every human being. Is this guy for real?

"You know what? Bago ka mangaral ng kabutihan ng mga taong bumugbog sayo, ipagamot mo na muna iyang mukha mo." sabi nalang niya. Hindi kasi matanggap ng utak niya na may ganitong tao.

And yet she still felt happy. Mali si Lucero. May mga taong mabubuti maliban sa mga magulang niya. And this guy is one of them.

Dinukot niya ang panyo sa bulsa at siya na mismo ang nagpunas ng dugo na umagos mula sa ilong nito.

"Let's take care of your bleeding nose first." nakangiting sabi niya.

And she felt a warm liquid flowed inside her heart. Hindi niya alam kung ano but it felt good. Pagdating sa bahay ay saka lang niya nalaman kung bakit. May maliit na liwanag sa kanyang canopy of jar. Namangha pa siya noong una. Pero napangiti rin.

Hindi siya gumagawa ng paraan noon para mapuno ang kanyang canopy of jar dahil wala siyang makitang dahilan para tumulong sa isang tao. Iniisip niya parati na wala pa ring magagawa ang kanyang munting pagtulong dahil paulit-ulit din naman nangyayari iyon.

But that weird guy proved otherwise. Humans still have a chance. Kaya pa ng mga itong magbago.

The Sinner's HeartWhere stories live. Discover now