three | fallen

8 2 0
                                    

"Hope, dead lives nevermore,
No, not in heaven." - Christina Rosetti (1830-1894) Dead Hope

A/N: Artemis above :)

Kabanata 3

The Beginning

BIGLANG nagising ang diwa ni Artemis sa pesteng alarm clock. Naiinis na inihagis niya iyon sa dingding. Wasak ang kawawang orasan. Pero wala siyang pakialam at nagtalukbong uli ng kumot. Masarap pang matulog.

Malapit na siyang maidlip uli nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pinto.

"Sweetheart, ma-le-late ka na sa school." sigaw ng taong nasa kabilang panig ng pinto na si Mrs. Cielo Arcanghel, ang kanyang mommy.

She groaned at patamad na tumayo. Pumasok sa banyo, nagtanggal ng damit. Lahat iyon nagawa niyang nakapikit pa rin. Nang paandarin na niya ang shower ay isang malutong na mura ang lumabas sa bibig niya. Pero agad naman siyang natigil nang makaramdam ng munting boltahe ng kuryente sa may bandang puso niya. Hindi iyon malakas pero sapat para ipaalala sa kanya na hindi siya pwedeng gumawa ng kahit na anong maituturing na kasalanan.

Tinapos na niya ang paliligo at nagbihis, hindi kinakalimutan ang kwentas na kulay asul ang pendant. Dumulog na siya sa hapag. Naroon na ang kanyang daddy na si Enrique nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape.

"Good morning, dad." bati niya at humila na ng upuan.

"Good morning, too." anito.

Naghain na siya ng sariling pagkain at nagsimula nang mag-agahan. Ganoon ang morning routine niya mula ng magkamulat siya.

"Oh, nandito ka na, sweetheart. Akala ko ay kailangan pa kitang ipahila kay Juno." anito na ang tinutukoy ay ang kanilang Doberman.

"Si mommy, patawa." aniya.

"Kumain ka na rin, honey. Baka ma-late ka na sa Ospital niyan."

Parehong doktor ang mga magulang. Ang kaibahan lang ay may sariling clinic ang ama na once in a while ay binibista ng ina. Ang kanyang ina naman ay sa isang sikat na ospital nagtatrabaho bilang resident doctor.

"Sasabay ka sa amin, Artemis?" baling ng daddy niya.

"No, dad. Pahatid nalang siguro ako kay Manong Pilo." aniya habang ngumunguya ng itlog na isinubo. Si Mang Pilo ang matagal na nilang family driver. Ito ang naghahatid sa kanya sa University na pinapasukan kapag hindi siya sumasabay sa ama.

Wala siyang sasakyan. Not that her parents didn't offer. She's already twenty two. Pero wala siyang makitang dahilan kung bakit pa niya kailangan ng bagong sasakyan gayo'ng may sasakyan sila. Tatlo, tig-isa ang mga magulang at ang dating Van na ginagamit nila sa kanilang family outing. Iyon din ang sinasakyan niya papuntang university. As of driving, ipinauubaya nalang niya iyon kay Manong Pilo. Mas gusto niyang nakikinig ng music. She cannot multi -task.

"Artemis, don't talk when you're mouth is full." paalala ng mommy niya.

Ngumiti lang siya. May ganoon din sa kanya. Noong hindi pa siya tao.

"Mauna na kami, sweetheart. Be good and ingat sila sayo." biro ng kanyang daddy bago nagpatiunang lumabas ng kanilang bahay.

Iiling-iling lang siya habang kumakain pa rin. Kung ang ibang mga doktor ay seryoso, malayo ang parents niya sa pagiging seryoso. Palagi nalang siyang binibiro ng dalawa.

Nagpunta na siya sa garahe at isinalpak ang earphones pagkaupo sa kotse. Ilang sandali pa ay nagpasalamat na siya sa kanilang driver bago tuluyang pumasok ng gate. Hindi  na kasi niya pinatutuloy sa loob ng university ang sasakyan nila dahil hassle lang iyon gayon'ng alas siete trenta na pasado.

Diretso ang kanyang mga mata. Walang lingon-lingon. Hindi siya bumabati sa mga kaklaseng nakakasalubong at wala ring bumabati sa kanya. She just simply ignore the people around and was also ignored by the people around. Period.

Pumasok na siya sa classroom ng subject sa umagang iyon. She is taking up. AB History, napakalayo sa trabaho ng mga magulang. Pero hindi tumutol doon ang kanyang parents. Nagpapasalamat naman siya na despite everything, she was blessed with very good parents.

Iyon ang unang araw nila para sa sem na iyon. G-graduate na sila sa susunod na semester. At para maagapan ang anumang aberya ay sinimulan na nila ang kanilang Thesis. Wala pa siyang proposal but she has something in mind. Hindi lang siya sigurado kung maaaprubahan iyon.

Nasa may bintana siya banda nakaupo. Iyon ang paborito biyang pwesto dahil may pagkakataon siyang dumungaw sa labas. Hindi para mag-obserba sa mga tao kundi para tumingala. She loves staring at the sky. Weird siguro para sa iba. Pero wala siyang pakialam. Iyon ng paraan niya para hindi masyadong malumbay. Even the roof of her room. May parte sa bubong ng kuwarto niya na yari sa fiber glass para natatanaw niya ang kalangitan.

Tiningnan uli niya ang relo sa kanyang bisig. Malapit na ang takdang oras ng kalse kaya tinanggal na niya ang earphones. Ipapasok na sana niya ang earphone at cellphone sa kanyang bag, sa katamaran niyang kuhanin pa ang bag sa kanyang likuran ay tuluyan nang nahulog iyon sa likod.

Huminga siya ng malalim para hindi mainis. Kasalanan ng katamaran niya at nahulog ang pobreng bagpack kaya pulutin niya ng mahinahon. Iyon ang isa sa mga problema niya. Kinulang siya sa pasensya kaya mabilis siyang mapikon. Isa sa mga dahilan kung bakit mas gusto niyang mapag-isa. Makagagawa lang siya ng kasalanan kapag nakihalubilo siya dahil nga pakunin siyang tao.

Pipihit sana siya nang may lumilipad na white board eraser ang patungo sa kanya. Dahil likas na mabilis ang reflexes ay walang kahirap-hirap na nailagan niya iyon.

Hindi niya alam kung bakit pero natigilan ang kanyang mga kaklase habang nakatingin sa kanya. O sa kanya nga ba talaga.

Pero wala na siyang pakialam basta ligtas na siya sa mga immature niyang mga kaklse. Pupulutin nalang niya ang kanyang bag nang mapagtantong wala na sa sahig yun. Hawak ng isang lalaking tila na naestatwa. Sukat doon ay biglang nagtawanan ang buong klase.

Tiningala niya ang lalaking may hawak ng kanyang bag na nagkataon ding siyang nadisgrasya ng white board eraser. Tumabingi na ang salamin nito sa mga mata at halatang nasaktan dahil namumula ang noo.

Tumuwid siya ng tayo at parang walang kinuha ang kanyang bag na hawak pa rin nito. Mukhang balak sana nito iyong pulutin kanina at ibigay pero nasapol nga ang noo ng white board eraser.

Tinalikdan na niya ito. Patuloy naman sa pagtatawa ang kanilang mga kaklase. Ni walang humingi ng pasensya. Napapailing nalang siya.

Humans

Pero sa halip na mainis ay ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon. Sa tagal niyang nanirahan sa Terras, alam na niya ang ugali ng mga tao. Not that she's not human. She's a human from head to toe but she was an angel first.

An angel banished from heaven turned into a mortal human being bilang si Artemis Arcanghel. Kilala din siya sa taguring the Fallen Angel.

Dahil sa kanyang pagkakasala na walang kapatawaran. Pinarusahan siya ng adhvanit ngunit dahil sa pagmamakaawa ng kanyang inang si Aphrodie ay binigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng chance. And that is to fill her canopy of jar, disguised as a necklace, with Nhur (light). Kailangan niyang gumawa ng mabuti sa kanyang kapwa tao.

She was reincarnated as a normal human being. Conceived by Cielo Arcangel and born as a healthy baby girl. She wasn't aware of her true identity until she turned the age of sixteen. Sutil na siyang bata at pilya, kagaya ng kung ano siya noon bilang anghel, iyon nga lang, bilang isang tao mas malala iyon. Kaya naman hirap siyang magpakabait. Lalo kung sawa na siya sa ugali ng mga tao. Well, wala namang time limit that is why she's taking her time.

She also discovered that she still has her abilities. The ability to fight and heal minor injuries. Nasubukan na niya iyon noong minsang masugatan siya at siya na mismo ang nagpagaling sa sarili. Takang-taka pa ang kanyang mga magulang kung paano nangyari iyon but they didn't bother to inquire. Mas mabuti na rin iyon. Ayaw niyang madamay ang kanyang mga magulang sa problema niya. She may be an angel but they are still her parents.

Natigil lang ang tawanan nang dumating ang kanilang propesor. Nag- concentrate nalang na siya sa pakikinig. She brushed off the guilt she felt for the guy behind her.

Kasalanan din naman iyon ng lalaki. At hindi na niya kasalanan kung tatanga-tanga ito kaya nasapol ng eraser.

The Sinner's HeartWhere stories live. Discover now