Chapter 55 : A Day to Remember

981 24 29
                                    

Samantha's POV

At School. Halos lahat ng makasalubong ko binabati ako for my special day. Nakaka uplift ng spirit parang kagabi lang iyak ako ng iyak. I don't want to overthink. I don't want to stress myself kahit ngayong araw lang.

"Bakit nakasara agad yung pinto." Tiningnan ko yung relo ko. 8:05 na. Maaga ba yung resume ng classes today? Dahan dahan ko namang binuksan ang pinto.

"Happy Birthday Sam!" sigaw ng lahat. Nagulat naman ako nang biglang pinaputok ni Kenneth at Alvin ang party popper na hawak nila. Ang mga upuan ay nakacircle para maging maluwag yung space. May mga crepe papers pa na colorful yung nakalagay sa center ng ceiling. Color red, purple at pink. Mga favorite colors ko pa.

Kailan kaya nila 'to inayos? "Kantahan natin si Sam!" hudyat naman ni Thea. Pinapalapit ako ni Kenneth sa gitna at nagpunta nga ako. "Happy Birthday to you! Happy Birthday to you ..."

Biglang sumulpot si Zack dala ang isang bouquet ng Red roses. "Happy Birthday Sam!" Ang lambing nang pagkakasabi niya. And I saw his warm smile again which melts my heart. I missed seeing him being this way.

Then Carl came. He's holding a cake. My favorite red velvet cake. Habang hawak ni Carl yung cake, si Thea naman tinatakpan yung kandila para hindi mamatay yung sindi. "Happy Birthday Sam! Make a wish." Sabi ni Carl.

I closed my eyes and made a wish. "My only wish is that I could keep these people that surrounds me and everyone that have been part of my life for another year. To keep them safe. And let me have the courage to never stop on trusting and believing to them." I opened my eyes and blow the cake's candle. "Thank you so much guys! Nag abala pa kayo ha."

"Kahapon pa sila nag aayos ng lahat ng yan." Lumapit naman sakin Ms.Cassanova. Bigla siyang may iniabot sakin na gift. "Happy Birthday Samantha! I'm so happy na naging part ka ng class ko."

"Thank you so much Ms.Cassanova. Nag abala pa po kayong mag gift." Nakakatuwang isipin na naaappreciate ka nila.

"But class. Remember, ang usapan natin. Sa first three subjects lang kayo allowed ha. Lower the volumes of your speakers Kenneth. And clean the classroom after." reminders agad ni maam.

"Yes Maam! Kami na po ang bahala diyan. Tutal birthday celebration to, may hinanda din kaming food. Most are homemade. Knowing Sam, mahilig siya sa sweets, pizza and fries. Kaya nagdala si Carl ng frier. Then umorder na lang kami ng pizza." sabi naman ni Kenneth. Nagpunta naman ako papalapit sa long table kung nasan ang foods.

"Yung Carbonara sina Kaye ang nagluto niyan. Maaga pa lang nagluluto na sila." sabi naman ni Thea.

Tumabi sakin si Kaye. "Tanda ko kasi nung birthday ko, gustong gusto mo yung carbonara namin." na totoo naman. Sobrang sarap ng carbonara nila.

Niyakap ko naman si Kaye. Siya kasi ang kinikilala kong bunso saming klase. "Thank you baby Kaye!"

"Ano pang hinihintay natin? Lets eat!" Tuwang tuwa naman sila nung sinabi ko yun. May mga cupcakes pa, nachos with different toppings to choose. At sobrang daming fries!

Kumuha naman ako ng isang slice ng peperoni pizza. Kumakain ako habang nag iisip kung ano pa kayang makakain. "May gusto ka ba dyan? Ikukuha kita?" biglang sulpot naman ni Zack.

"Wala pa nga akong maisip. Ikaw, ano bang gusto mo?" tanong ko naman sa kaniya.

"Ikaw. Ikaw lang yung gusto ko." haynako Zack :3

Hinampas ko naman siya ng malakas sa braso. "Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo." kung ako lang talaga, sana hindi mo hinayaan si Francine na halikan ka kahapon. Saglit akong napaisip ng malalim pero ayokong mahalata niya. "Di bale! Ikuha mo na lang ako ng nachos ha. Tapos madaming meat at cheese."

This Girl is Mine (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon