Chapter 39 : Serendipity

1.2K 26 0
                                    

Carl's POV

Maaga akong nakarating sa mall kanina. Nakita ko na may pacontest dito sa mall. Tamang naghahanap sila ng banda na may chance tumugtog sa Octoberfest. Matutuwa si Santy kaya tinawagan ko agad. At heto nga pumunta nga siya kasama si Jace at Louie. Matagal na din kaming nagkikita. Binuo namin ang Serendipity. Bago pa lang kami pero kilala na din dahil sa gig namin sa bars. Pinauna na ko ni Santy sa event habang naglalaro pa si Sam. Sinabi ko kasing gusto kong sorpresahin si Sam.


Nang makarating na si Santy, umakyat na nga kami sa stage. Nakikita ko si Sam sa harap ng stage. Naiingayan siya sa mga babae na panay tili. Hahahaha! Ang cute niya pero nginingitian niya lang kami. Binuboost ang confidence namin sa kaka Aja pose. Hahahaha! Ipinakilala na nga kami ng host. At halos lahat tumahimik panandalian.




"This song is for the girl in front, who has failures but managed to go further with a smile. Your smile is a ray of sunshine. This song is for you." Sam its you! Para sayo ito Sam. :)) I want to see your smile every minute, everyday.


Nagsimula na nga kaming tumugtog nina Santy. *playing : with a smile*

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.

Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.

Girl I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life.

In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

(Too doo doo...)
Let me hear you sing it
(Too doo doo...)

In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye

(Too doo doo...)
Let me hear you sing it
(Too doo doo...)


"Serendipity! Wow! Napakaganda ng rendition nila ng with a smile. Mukang napakadaming girls mapa-old or young ang napangiti ng Serendipity. Thank you boys!" Sabi naman ng host at kumaway kami at isa isang pumunta na ng back stage. Pupunta naman agad sana kami kung nasaan si Sam pagkakuha namin ng iba naming gamit kaso pinagbawalan kami ng security kasi baka daw magkasakitan ang mga tao sa harap ng stage. Sumenyas lang samin si Sam ng thumbs up means okay lang siya doon.



"Hawak ko na ang results. Sino ang bet niyo?" At nagsigawan naman ang mga nanonood. May ilang pagkakataon na naririnig namin ang pangalan ng banda namin. Hahahaha! Tawa ng tawa si Santy kapag nakikita niyang nakikisigaw si Sam sa crowd. Hahahaha! Para kasing bata.


"Para sa 3rd place at P5,000 cash at trophy. -- ang bandang -- Dauntless." At nagpalakpakan ang mga tao. Umakyat na ang Dauntless sa stage at binigay na ng staff ang cash prize. "Huwag na nating patagalin pa. The second place goes to -- Serendipity! -- and our Best Band Trophy goes to Geronimo band! Congratulations!" Nanalo kaming second place! Wow! Hindi na masama for our first band competition. Magaling naman talaga ang Geronimo. Para Silent Sanctuary ang tugtugan nila. Umakyat na nga kami ng stage. Napakadami nga palang nakapanood ng event. Tinanggap ni Santy ang P10,000 cash at hawak naman ni Louie ang trophy.


Nakipagshakehands kami sa mga nanalo at iba pang contestants. Habang bumaba na kami sa stage, madaming girls ang nag aabang para magpapicture samin. Si Sam naman ayun nasa likod lang at nakatingin samin. Napapangisi nalang siya sa isang tabi. Hahahahaha!


"Carl, gusto mo ba si Sam? Yung dedication mo kanina before kumanta. Para sa kaniya ba yon?" Biglang tanong sakin ni Santy habang nahaharangan pa kami nina Louie na busy na busy sa pag accomodate sa girls.

"Santy. Yes para kay Sam yun. Sa totoo lang gusto ko talaga si Sam. Gusto ko siyang ligawan pero sana maging pormal. At oo alam ko kapatid mo siya. Pero mahirap na hindi magkagusto sa kaniya. Matalino, mabait at sweet." Sagot ko naman kay Santy na medyo iba ang tingin sakin. Nagpapaka kuya lang kasi kay Sam. Naiintindihan ko naman si Santy.

"At maganda. Pero tama yan. Kung mangliligaw ka sa kapatid ko, dapat sa bahay. Umamin ka na ba sa kaniya na gusto mo siya? Ikaw Carl ha? Pre. Alam ko lapitin ka ng babae. Kapag yang si Sam umiyak ng dahil sayo, magkaka subukan tayo. Minsan nang umiyak si Sam nang dahil sa isang Seb na yon. Akala ni Sam hindi ko alam yung mga nangyayari sa kaniya. Ilang araw mugto yung mata ni Sam ng mga panahong yun. At kapag ikaw ginawa mo din na lokohin siya dahil sa ibang babae, hindi ko masasabi Carl yung magagawa ko sayo." At umakbay siya sakin na parang sasakalin ako ng braso niya sa leeg. Tsk. Seryoso nga siya.


"Hindi ko paiiyakin si Sam. Seryoso ako sa kaniya." At mukang napalagay na si Santy sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong gulo ang mangyayari kapag nalaman niyang ako si Seb na ex ni Sam. Hays!

"Congratulation boys! First time kong makita kayong tumugtog. Kasi naman si kuya palaging nakalock ang music room tapos bawal sumilip man lang or makinood." Reklamo naman ni Sam na nakasimangot pa siya.

Biglang ginulo ni Santy yung buhok ni Sam na parang bata lang ang turing niya kay Sam. "Baliw ka ba? Syempre practice yun. Ayoko namang madistract itong sina Louie sayo. Mga baliw to. Makakalibreng tingin pa sayo. Saka kapag nasa right age ka na, kapag may gig kami isasama kita. Promise ko yan Sam." At pinisil ni Santy ang ilong ni Sam.

"Promise yan kuya ha?" At niyakap ni Sam ang braso ni Santy. Kung sana may kapatid din ako. Siguro dati pa akong matino. Hindi ako naging playboy. "Thanks Kuya!"

"Tama na yan over protective bro. Hahahaha! Picture naman tayo para remembrance!" Lumapit si Jace sa isang security at nakiusap na kunan kami ng picture. Nasa gitna namin ni Santy si Sam. Siya ang may hawak ng trophy.


Umalis na kami sa event's place. Hinati hati namin nina Jace, Louie at Santy yung cash prize. Kumain na din kami ng dinner at treat ko. Hahahahaha! Ang kukuripot kasi nung tatlo. Si Sam naman tawa lang ng tawa habang nagtuturuan kami kung sino ang magbabayad. Pasimple kong kinausap si Jace para ipasa niya sakin yung picture namin kanina. Ngiting wagi pala si Sam sa picture. Hayyy. Lalong nakakainlove!

Naglalakad na kami palabas ng mall. Kay Santy na sasabay si Sam pauwi. "Sam, did you enjoy?" Tanong ko naman kay Sam na kasabay ko lang maglakad.

"Of course Carl! Super enjoy! Please continue singing. Your voice -- your voice is pleasant to hear. Ang dami kong nalaman today like about kuya Santy and even about you. Thank you sa treat!" Parang may gustong sabihin si Sam pero hesitant siya. Ano kaya yun? Pero nag enjoy din ako. Kasi gusto niyang ituloy ko yung pagkanta. It seems that she likes my performance earlier. Nakarating na pala kami sa parking lot.

"Sam. Tara na! Ingat kayo sa byahe ha? Una na kami!" At pumunta agad si Sam sa kuya niya. Kumaway muna siya sa amin at sumakay na rin ng kotse.

Napakahaba ng araw na ito. Pero masaya ako na nagkaclosure na kami ni Sam somehow. At nagsisimula na niyang makilala ako at yung mundo ko. Sana magtuloy tuloy na.

This Girl is Mine (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon