Chapter 45 : The Muffin Challenge

1.3K 24 4
                                    

Zack's POV

Nakakatamad. :3 Kahit yung mga palabas sa tv paulit ulit na lang. Hayyy! Nung isang araw pa ako iritable. Bakit kasi may pagbalik pang nalalaman yung isang yon. -_____-

"Zack, nagbake ako ng cookies. Gusto mo ba?" Tanong naman ni Ate Liz na papalapit na sakin dito sa living room.

"Ayoko." Matipid kong sagot sa kaniya habang nililipat lipat ko ang channel sa t.v.

"Sige na kahit isa lang. Tikman mo lang Zack." At pilit sinusubo ni ate sakin yung cookies na ginawa niya. Ako naman, iniiwas ko yung mukha ko palayo. "Ano ba yan! Daig mo pa may regla kung mag inarte." Nainis si ate Liz at biglang tumayo. "Bibigyan ko na lang pala si Sam. I'm sure magugustuhan niya to'. Dya-"

"Sasama ako!" Hindi pa siya tapos magsalita ay nagprisinta agad akong sumama. Gusto ko rin kasing makita si Sam.

"Yan. Diyan ka magaling. Basta si Sam ang daling kausap. Sige na. Ihahanda ko lang yung cookies." Nung kakainin na ni ate Liz yung isusumbo niya dapat sa akin agad ko naman yung inagaw at kinain. Hahahahaha! Nabatukan tuloy ako. :3

Pagdating namin sa bahay nina Sam sinalubong naman kami ni Santy. "Hi Santino Lee. Nasaan si Sammy?" Bati naman ni ate. Hahaha natawa ako kasi biglang napasimangot si Santy.

"Ikaw Liz ha? Minsan na nga lang tayo magkita ganiyan pa palagi yung ibubungad mo sa akin. Just call me Santy. Abnormal!" At pinisil ni Santy yung ilong ni ate. Hahahaha! Sobrang pula tuloy ng ilong niya. Naalala ko nung mga bata pa kami. Pang asar na kay Santy yung pangalan niya na parang tinatanong siya kung San-ti-no-lee. Hahahaha! Si ate Liz ang pinakamatanda sa amin nina Sam. Kaya madalas si Santy ang under ni ate.

"Ikaw ang abnormal!" Sabi naman ni ate habang hinahawakan niya yung mapula niyang ilong. "Tumabi ka nga. Papasok na ko ha?" At dire-diretso lang sa pagpasok si ate.

"May magagawa pa ba ko. Sige ha? Feel at home ho." Sarcastic na sagot naman ni Santy. Sabay lang namin sinundan si ate. "Zack, kailangan nating mag usap."

"Bakit? May problema ka ba?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Ako? Basta ako wala akong problema. Baka ikaw ang may problema." Ha? Ano daw? O.O

"Ateeeeeee Lizzzzzzz!" Sigaw ng isang babae sa di kalayuan. Its Sam! Agad niyang niyakap si Ate Liz. "Kailan ka umuwi?"

"Kahapon lang baby girl." Kiniss ni ate sa cheeks si Sam habang nakayakap pa sa kaniya si Sam. "I made cookies. This is all for you. Huwag mong bibigyan yung kuya mong magaling ha?" Tinanggap naman ni Sam yung isang container ng cookies na hawak ni ate.

"Noted! Hahahaha! Thanks ate Liz!" Tinikman naman agad ni Sam yung cookies. "Uhmm! Ansarap ate Liz! I need the recipe for this."

"Don't worry I'll share it to you." Biglang napalingon si ate sa living room nina Sam. "Wait. May bisita ka pala Sammy. Boyfriend mo?" At sinenyasan naman ni Sam na lumapit yung bisita niya sa amin. Shiiit! Si Carl. -_____- Bumulong sakin si Santy. "Pre, yung problema mo oh." Napailing na lang ako. Problema nga ito. :3

Nakalapit na nga siya sa amin ng tuluyan. "I'm Carl Sebastian po." At nakipagshakehands siya kay ate. "Hindi po ako boyfriend. But her suitor." Ito na naman yung ngiting nagpapacharming. Sus. :3 Natawa na lang si Sam.

"Huwag kang masyadong ngumiti Carl. Lalo kang gumagwapo. Hahaha! Di ba ate?" At nag nod naman si ate na parang agree na agree siya. Bumulong na naman si Santy. "One point for Carl." At sabay ngisi pa niya. -____- Nakoo Santy! Hanggang one lang yan! :3 "Wala na naman kaming pag uusapan ni Carl. What if turuan niyo ko magbake ate Liz?" Lumingon si Sam kay Carl. "Di ba gusto mo maging chef. Si ate Liz culinary yung course niya. Sa abroad pa siya nag aaral. We may learn from her."

This Girl is Mine (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon