Chapter 41 : Santy

1.1K 19 0
                                    


Zack's POV



Kakauwi ko pa lang ng bahay. Sinalubong agad ako ni Ate Liz. Sabi niya dumaan si Santy at sinabi sa kanya na pumunta daw ako sa bahay nila mamayang gabi. Bakit kaya? Hmm.



Pagkatapos nga naming magdinner ay pumunta na ako sa bahay nina Sam. Agad naman akong pinapasok ni Manang fe kasi kilala naman niya ako. Pagkapasok ko palang ng pinto bumungad agad sa akin si Sam na bumababa sa hagdan nila. Nakashorts lang si Sam at sando na pink na bumagay sa kaniya lalo. Dalaga na nga si Sam, hindi mapagkakailala na sexy siya. Hayy! Zack ano ba yang iniisip mo! >___<



"Oh Zack? Bakit ka nandito?" Gulat na tanong naman ni Sam na nasa harap ko na pala. Lutang ka na naman Zack! :3


"Pinapunta ko siya dito. May pag uusapan kami na mas importante pa sayo. Kaya ikaw Sam magfocus ka sa homeworks mo. Wag kang mag aattempt na pumunta sa room ko ha?" Sabi naman ni Santy na palapit na sa amin dala ang gitara niya. Siguro nasa pool atea siya kanina.




"Grabe ka naman sakin kuya?" bigla namang sumimangot si Sam. Hahaha! Nagtampo ang bata! "Hindi ko naman kayo papakelaman. Kahit magkulong pa kayo magdamag sa kwarto. Saka busy ako. Gagawa pa kami ng research paper bukas sa condo ni Carl. Saka pinatawag kita kay Manang Fe kasi pupunta tayo sa library natin di ba kuya? May pinapaabot ako sayo na book na pwedeng kong magamit na reference. Nakalimutan mo na agad no?"


"Ah. Aalis ka pala bukas. Zack, dun tayo sa kwarto ko mamaya. Pwede ba umuna ka na dun? Samahan ko lang saglit si Sam, may pinapakuha siyang book. Pakidala na din ng gitara ko." At binigay naman sakin ni Santy yung gitara niya. Umalis na nga sila at umakyat na ko sa second floor nila. Napakatagal ko ng hindi nakakapunta dito. Nakalimutan ko na kung alin yung kwarto ni Santy.


Napakadaming kwarto. Buti nalang yung Music Room at Theater nila may palatandaan sa mga pinto. May isang guest room akong aksidenteng napasok. Paano na lang kung may bisita pala sila tapos napasok ko. Ang laking tanga ko nun! :3 May maling kwarto na naman akong napasok. Pero sa tingin ko kay Sam na kwarto ito. May life size bear akong nakikita. Sino kaya ang nagbigay nun? Ang alam ko di pa sila nagkikita nung ex niyang magaling. -____- Napakabango ng kwarto niya. At malinis. Naiwan niyang bukas ang desktop niya pero ayoko na lang pakialaman.


Lumabas na ko ng kwarto at sa wakas napasok ko na ang kwarto ni Santy. Pareho sila ni Sam, malinis sa gamit. Kahit badass si Santy pagdating sa pagbanda banda niya, sa bahay siya pa rin yung responsableng Santy na kilala namin. Ilang sandali lang ay dumating na din si Santy.





"Nainip ka ba?" Tanong naman agad sakin ni Santy.




"Hindi naman. Halos magkasunod nga lang tayo. Nakalimutan ko na kasi kung saan ang kwarto mo. Ang laki kaya ng bahay niyo! Mali maling kwarto pa napasok ko." At tinawanan lang niya ko at binatukan. Lokong yo! :3 "Bakit mo nga pala ako pinapunta dito pre?"




Bigla siyang naging seryoso. Kinuha niya ang isang upuan at nilagay sa harap ko para magkausap kami ng maayos. "This is about Sam."




"What about Sam? May problema ba?" Anong meron kay Sam para maging ganiyan siya. O.O




"Alam kong kilala mo si Carl. Kaklase niyo siya di ba? Balak ni Carl manligaw kay Sam. Nagsabi siya sa akin last week. Kaso mukang hindi pa niya nasasabi kay Sam yung panliligaw niya. Tapos bukas pala pupunta kayo sa condo niya?" Sabi naman ni Santy. Napakaweird niya ngayon. At paanong nagkausap sila ni Carl?





"Oo kilala ko si Carl. Kaklase nga namin siya. Teka? Yung bear sa kwarto ni Sam, bigay ba yon ni Carl? At oo, pupunta nga kami sa condo niya. Paano kayo nagkakilala ni Carl? Madami ba kong hindi alam Santy?" Tanong ko naman kay Santy.





"Long story. Pero magkababata kami. Kilala ko siya bata pa lang. Si Carl noon, lapitin talaga ng babae. Sikat siya sa school. Solo siyang anak ng mga Sebastian. Ilan lang ang impormasyon na alam ko sa family niya. Noon kasi hindi kami nagkwekwento about sa pamilya namin. Tapos umuwi nga ako dito at naputol yung communication namin." Nagsimula na ngang magkwento si Santy. At nakikinig lang ako.




"Pero minsan sa isang bar nakita ko siya. Tanda ko pa noon, yun yung time na nagkayayaan kami nina Louie kasi hindi sila nakapunta sa party nina papa. Nung panahong yun hindi ko pa alam na si Carl yon. Pero agaw pansin siya kasi bago pa lang siya sa bar kaya halos lahat ng babae dun sa kaniya nagpapapansin. Si Carl naman nag iinom lang talaga noon. May dalawa siyang babaeng kasama paalis ng bar. At hindi ko na alam pa yung nangyari." Dagdag pa niya.





"Lapitin pala ng babae ha. May pagkaplayboy." Naiinis ako! Parang inosente lagi siya sa harap ni Sam tapos kapag sa labas ibang iba pala. :3 "Pero paano mo nalamang si Carl pala yon?"




"Nalaman ko lang na si Carl siya nung nag enroll ako sa school niyo para kay Sam. Nakita niya ko sa parking at kinausap. Nagpakilala siya. Hindi ko na kwinento kung ano yung mga nakita ko sa bar. Simula nun naghahang out na rin kami. Medyo nagbago naman siya. Oo lapitin pa din ng babae pero hindi nag eentertain ng kahit isa. Pero hindi mo maaalis sa akin bilang kuya na protektahan si Sam. Ayos lang sakin kung barkada kami ni Carl pero kung siya ang magiging boyfriend ni Sam, natatakot ako na lokohin lang siya ni Carl. In one snap pwedeng magbago na naman siya at bumalik sa dati." Naiintindihan ko na. Nag aalala siya kay Sam. Hindi siya boto kay Carl para kay Sam.




"Pero bakit mo sa akin sinasabi yan?" Tanong ko agad sa kaniya. Wala na ba siyang mapagkwentuhan? Hahahaha! Ewan! -___-




"Kasi alam kong gusto mo si Sam. At kung sa inyong dalawa ni Carl, alam mo Zack na sayo ang boto ko. Kaya hanggat hindi pa naakyat ng ligaw si Carl. Gusto kong maging aware ka. Bantayan mo ang kilos ni Carl kapag umaaligid kay Sam. At pre! Kailan ka ba kikilos ha? Mauunahan ka na naman niyan!" At tinapik ako ni Santy sa balikat. Kailan nga ba. Hays! Hindi kasi ako makaporma kay Sam dahil alam ko priority niya ang pag aaral. Pero kung may balak manligaw si Carl. Sorry na lang siya pero hindi ako makakapayag! -____-





"Basta hindi ko hahayaan na mapunta siya kay Carl. At salamat Santy kasi boto ka sa akin para kay Sam. Huwag kang mag alala, babantayan ko si Sam para sayo." Bigla namang tumayo si Santy at pumunta sa desktop niya. Nag open siya ng laptop niya.




"Salamat pre! Nga pala about dun sa bear. Heto yung post ni Sam before." Lumapit naman ako sa kaniya at tiningnan. Isang screenshot ng post ni Sam. Yung bear niya sa kwarto.



Caption : Best gifts I recieved this Summer. The Bear, Flower, Chocolate and the Sender. ♡



"Nasa Korea kaming lahat at naiwan lang si Sam nung bakasyon. Pakiramdam ko napabayaan ko siya bilang kuya. Yung sender sa caption. Ang pangalan niya is Seb. Minsan na naiwan niya ang phone niya sa table namin sa party nina papa. Binuksan ko ang phone niya. Puro message ni Seb yung inbox niya. Nandun din yung picture ng card na kasama nung gifts. Ang masasabi ko lang, sweet naman yung Seb kaso tarantado siya para lokohin si Sam! Ayokong umiyak na naman si Sam at lokohin siya." Napansin ko ang mga kamay ni Santy na parang galit na galit at kahit anong oras gusto niyang hanapin at saktan yung Seb na yon. Wag ka lang magkakamaling magpakita sa amin. :3




"Pre kalma. Gagawin natin lahat para protektahan si Sam. Magkaugali nga tayo. Kapag kay Sam mapang asar pero kapag nakatalikod siya, pasimple lang na binabantayan siya" ginulo ko naman ang buhok niya. Hahahaha!





"Pre guluhin mo na lahat wag lang yung buhok ko!" Sinuntok niya ko sa braso pero mahina lang naman na pabiro. Hahahahaha! Sabi ko na nga ba maiinis to. Nagtawanan na lang kaming dalawa.


Umalis na ko sa bahay nila. Hindi na ako nakapag paalam kay Sam. Malamang busy pa yon sa research paper namin. Kailangan ko na ding simulan yung sakin. Ngayon nahihiwagaan naman ako kay Carl. Madami pa pala kaming hindi alam sa kaniya. May balak pala siyang umakyat ng ligaw. Sus. Makikilala ka din namin Carl. :3

This Girl is Mine (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon