Chapter 4 : Virtual World

2.3K 42 0
                                    

Samantha's POV


Sa wakas nandito na kami sa room. Ang kuya kasi epal. Feeling ko talaga may gusto yung kay Thea. Totoo, maganda talaga si Thea. Kaso di lang siya pala ayos. Yung buhok niya kasi palagi nalang nakataas. Tapos syempre nakasalmin siya. Parang teacher na ang peg.


"Wow instant make over ang room mo ah? Before pink na pink but now sophisticated black and white." - comment ni Thea sa room ko.


"Syempre girl, nagdadalaga na. At saka malinis tingnan ngayon yung room ko. Parang ang peaceful." - sagot ko naman



"Ang ganda talaga ng room mo." Binuksan niya yung glass door papunta sa mini balcony ng room ko. "Ang presko pa dito. Di ba dito ka napwesto minsan kapag nagskype tayo?"




"Yes diyan nga. Wait open ko lang yung laptop ko. Okay na tong computer." Sabi ko naman kay Thea

---

Althea's POV

Kinuha niya laptop niya at binuksan ang aircon ng room niya. Kumpleto na yung room ni Sam. May sariling closet. Bath tub. Flat screen tv. Then her personal computer with printer and scanner. May mini ref din sya sa room and even snacks. Parang isang condo unit na ito. Mabubuhay na ko dito kahit ikulong pa ko.



Nagsimula na kaming mag log in. Pumwesto siya sa tabi ko. Mahaba kasi yung desk kung saan nakalagay yung computer niya. Dito rin siya gumagawa ng homeworks.

Audition Dance Battle Philippines.


Yan ang online game na kinagiliwan namin. Una kasi korean ung songs. Avid kpop lovers pa namin kami. And its quite easy, kasi 4keys at 8keys lang naman ang kailangan. Magkakatalo nalang sa bilis ng song. Plus, we can dress our characters. Dun nalabas yung kakikayan namin. Mapapagastos ka nga lang but for fun lang naman. Another thing makakahanap ka ng friends from different places. May mode pa dito na Couple Mode. Makakahanap ka ng couple or pede mapunta sa wedding. Heeeeeeep! Wedding lang sa mismong game. HAHAHAHAHA kalma.



"Ayyyy! Kailan ba ko mananalo sayo?" Nakangusong sabi ni Sam.



"Kapag pumuti na ang uwak" HAHAHAHAHA pang aasar ko sa kaniya




"Di bale, fast song naman kasi. Mahina talaga ako sa fast song. Uyyy may fam chat hinahanap ka." Gulat na sabi ni sam at napatingin nga ako



Vince : Thea??
Sammy : Wala si Thea nagbanyo
Thea : nagbanyo ka dyan :3
Zygfrid : nagkakalat ka pa ng lagim dyan sa bahay nina Sammy
Thea : lagim mo mukha mo :3
Vivi : Hindi sya nagkalat. Nagpalit lang ng napkin oh. See mukang menopausal na si Thea
Sammy : Hahahaha beastmode kasi. Pero guys di talaga siya nagbanyo
Thea : Hahahaha buti nilinaw mo kasi lagot ka talaga sakin Sam
Vince : Thea ....
Thea : Bakit Vince?
Zygfrid : Ayan na Hahahaha
Vince : Pwede ba tayong magcouple?
Sammy : Boooom! HAHAHAHAHAHAHA
Zygfrid : Lufet ni Vince!
Vivi : hala nagdadalaga na si Thea Hahahaha
Thea : tumigil nga kayo :3
Samuel : yun oh.


"Sam anong isasagot ko. First time na may nagyaya sakin na magcouple."


"Pumayag ka na girl. Saka behave naman yang si Vince. Pero see nagchat si Samuel. Di ba siya crush mo?" panunukso pa ni Sam



"Crush ko nga kaso iba gusto. I think ikaw talaga yung gusto niya. See, from Ford naging Samuel yung name niya sa game. So close sa Sammy mo."

"Ano ka ba! Malay nating nagkataon lang yon. Saka di ba crush mo siya dahil sa pagiging silent type niya? Para mag chat siya ng ganon baka affected. Hahaha" hayy. Ginugulo lang ni Sam yung isip ko. Hahaha ayoko mag assume noh -____-

This Girl is Mine (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon