Chapter 34 : Feelings

1.2K 23 0
                                    

Althea's POV


Ang bilis ng araw. So far, wala namang nagiging problema ang Student Council. Even sa Class 4-C. Nagkaroon na kami ng class representatives. Its me, Sam, Kenneth, Zack and Carl. Di na rin nakakapagtaka para kay Carl kasi bago man siya, kilala naman agad siya ng mga kaklase namin.


Habang naglalakad ako sa corridor biglang tinawag ako ni Ms.Cassanova.



"Hi Althea. I asked Carl to arrange the books in the library. Tulungan mo naman siya na tapusin yun para makauwi na kayo ng mas maaga. May mga bagong balik na books. Masyadong madami baka matagalan si Carl." Sabi naman ni Ms.Cassanova.

"Sige po maam. Kami na po ang bahala." No choice naman ako db. -____- tapos umalis na si Ms.Cassanova. Dumiretso naman akong Library.

"Hi Carl! Sabi ni Ms.Cassanova tulungan daw kita." At tinabihan ko naman si Carl.


"Buti naman dumating ka. Ang ginagawa ko, pinagsama sama ko muna yung magkakaletters. Para per batch kong ibabalik. May ilang books pa sa kabilang table. Kapag naubos natin yon pede na tayong magstart maglagay sa shelves." Tumingin lang siya saglit sakin. Tapos nginitian niya ako. Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya. Bigla nalang siyang ngumunguso. -_____-




"Ano ba yan Carl! Bakit ka ngumunguso ha?" At nahampas ko sya sa braso. Lokong yun! :3




"Tinuturo ko yung iba pang books" at ngumuso siya ulit at tinuturo yung books sa bandang likod ko. "Dun oh. Nakikita mo?"




"Nakikita ko malamang may mata. Saka bakit ba nguso pa pwede namang kamay." -___- sabi ko naman sa kaniya. Nakakainis!



"Gusto ko kasing nguso bakit ba?" Bigla lumalapit yung ulo niya papunta sa mukha ko. Tinitingnan niya lang ako. Sobrang kaba yung nararamdaman ko ngayon! At unti unting ngumunguso siya na parang hahalikan ako kahit anong oras! Hays! Bigla syang tumawa ng malakas. :3




"Abnormal! Nakakainis ka Carl! Lakas ng tama mo. Anong nakakatawa ha?" -____- Naiinis ako pero ang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ang tagal niya kong tinitigan. Napakagwapo niya kahit pinagpapawisan na siya. At yung lips niya, mamula mula. Ano ba to' Thea! May boyfriend ka! -____-



"Natatawa ako kasi namumula ka na naman Thea. That's the second time that I saw you blushing." At biglang tumingin siya sa akin ng seryoso. Hindi maalis yung mata ko sa kaniya. At bigla niya kong kiniss sa lips. A smack. My first kiss! Hindi ko maexplain yung feeling. >____< Tinitigan niya lang ako habang tulala pa din sa ginawa niya. At lumapit muli ang mukha niya. Hahalikan na naman ba niya ko >______<




"That's your punishment. I always saw you looking at me and when you're caught, you're acting like you don't." Carl whispered at bigla na naman niya kong kiniss pero ngayon sa cheeks. Sobrang init na ng mukha ko. Ramdam ko na sobrang namumula na ko sa hiya. Napakabango niya. And his lips on my cheeks is so tender. Carl Sebastian! I'm trying not to like you katulad ng ibang girls dito. But because of this, hindi ka maaalis sa isip ko. Even si Vince, I never allow him to kiss me on my lips. Pero si Carl kinuha niya lang first kiss ko ng walang pasabi? Hays! >____<





"That's my first kiss Carl! Punishment mo mukha mo! Alam mo tapusin na lang natin to'. Gusto ko na umuwi" At tumahimik lang kami pareho. Biglang naging awkward yung atmosphere.





Pagkatapos ng halos 30 minutes natapos na naming ayusin yung books sa library. Sabay kaming naglakad papuntang parking habang di nagsasalita bawat isa samin ni Carl.





"May susundo ba sayo Thea? Gusto mo ba ihatid na lang kita?" Biglang salita ni Carl na bumasag sa katahimikan namin. Napatingin ako sa kaniya at hindi ko alam. Bakit sa lips niya agad ako napatingin. >___<




"Theaaaaaaa! Buti nandito ka pa. Hinahanap kita kanina pa. Tinawagan ako ng papa mo, hindi daw makakarating yung susundo sayo, ihahatid ka nalang namin sa bahay niyo." Si Sam pala. Mabilis siyang lumalapit samin. "Oh. Hi Carl! Natapos mo na yung sa library? Sorry if di kita nasamahan. May tinapos din kasi kami ni Zack sa Science Laboratory."




"Oo Sam. Tinulungan ako ni Thea. Ano ka ba, its okay." Sagot naman ni Carl. Bigla siyang tumingin sakin na parang ang lungkot niya. "Paano ba yan Thea. Hindi na kita ihahatid. Una na ko sa inyo. Bye Sam and Thea!"




"Bye Carl. Drive safely!" Sabi naman ni Sam. At sumakay na nga si Carl sa kotse niya. Hindi na ko nakapagpaalam kay Carl. Lutang pa rin ako. Bakit siya biglang nalungkot? Dahil ba hindi na niya ko nahatid? -_____- Hayyyy ewan!

This Girl is Mine (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon