Chapter 3 : Samantha's House

2.7K 41 0
                                    

Althea's POV

After namin mag grocery dumiretso na nga kami sa bahay nina Sam. This is the fifth time na makakapasok ako sa bahay nila. Shy type kasi ako. Saka we used to do skype. Minsan umiiral din katamadan naming lumabas.



"Hello po manang fe. Okay na po ba pakiramdam niyo? Heto po yung groceries, sorry po if nagtagal kami." - sabi ni sam sa isang maid nila na sumalubong sa pinto nila.



"Nakoo mam ayos lang po at pasensya na po talaga kung kayo na yung nag grocery. Naka day off po kasi yung ibang maids." - sagot ni manang fe



"No worries po manang fe. Akyat na po kami ni Thea." Sabay tingin niya sakin, "Tara na Thea" she smiles. Super bait talaga ni Sam, very down to Earth.



Ang laki talaga ng bahay nina Sam. Iniisip ko nga nagkikita pa ba kaya sila dito. HAHAHAHA May master bedroom, plus rooms nina Santy at Sam. And 2 guest rooms. May entertainment room pa where you can watch movie na parang nasa sinehan ka talaga. May music room na sound proof. Kumpleto na yata don yung musical instruments. May mini bar sa may labas near the pool. At syempre may library. Minsan dun tumitigil si tito kapag may office work siya.



Kung titingnan mo yung bahay sa labas, aakalain mong simple at maliit lang. Pero kapag pumasok ka namakikita mo na yung kalawakan. Maganda rin yung security ng bahay. Akala mo yung security na katulad ng kay Toni Gonzaga na bahay. Napakaclassy kahit yung stairs nila parang sa mga movies na may dahan dahang bumaba na prinsesa.


"Heyyyy Theaa!" Panggugulat sakin ni Sam na may kasamang hampas pa. -___- "Tulala ka na naman dyan."

"As usual, nagagandahan kasi ako sa bahay niyo. From interior designs plus yung mga gamit na sofas ta--" biglang putol ni Sam



"Tama na yan Thea. Lahat naman yan alam mo namang si mama may gusto niyan. Dream house niya toh when she's young. And syempre thankful ako sa anong meron kami ngayon. Alam mo Thea tara nalang sa taas." Tapos hinila na niya ko paakyat sa room niya. Habang naglalakad kami biglang bumukas yung room ni Santy.

"Hi Sant--" biglang naputol yung sasabihin ko dahil nainterrupt niya agad.

"Uyy si nerd. Hello nerd!" Bati naman niya sakin at nakangisi pa ha? -___-


"Kapag nakasalmin nerd agad? Kapag madumi mukang pulubi agad? Kapag kulot ano salot ganon?" - sagot ko sa kaniya. Sayang din tong kuya ni Sam. Gwapo. Matangkad. Sa totoo lang ideal man ko sana sa physical kaso sa ugali bagsak na bagsak!

"Oh kalma girl. At ikaw naman kuya. Trabaho mo na bang asarin si Thea ha? Minsan nga iniisip ko nalang na nagpapansin ka lang kay Thea." Ngisi niya sa kuya niya. Hahahaha natawa naman ako sa sinabi ni Sam. Magpapansin? Sus di din.

"Maganda si Thea. Pero pinili niyang maging simple. Kapag yan nag ayos nganga ka for sure! Tara na Thea. Dedmahin mo nalang yan. Baliw yan." Pang aasar pa ni Sam kay Santy HAHAHA Ganiyan talaga siguro ang magkapatid.

This Girl is Mine (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon