Chapter 38 : Band

1.2K 22 0
                                    


Samantha's POV


Bakit kasi nakapagkwento pa ko about kay Seb. Minsan kapag naaalala ko siya, may panghihinayang akong nararamdaman. Kaso wala na kong magagawa. Kasi tapos na. I'm happy sa kung ano ako ngayon and if sinong mga tao ang nandyan para sakin. I learned to love my friends even more.




Pagkatapos ko mag CR umalis na kami ni Carl. Nagpunta naman kami sa Quantum at dun nag arcade. Naglaro pa kami ng basketball at pataasan kami ng score. Habang tinitingnan ko si Carl, narerealize ko kung gaano siya kagwapo. Lalo na kapag natural yung mga ngiti niya. Hahahaha Oo syempre alam ko kapag nagpapacute lang siya no'. Hindi niya ko madadaan sa mga ganiyan niya. Hahaha!




"Ehem." Narinig ko ng malakas sa likod ko. Si kuya Santy pala! O-O paano niya nalamang nandito ako. :3 Hmm. Nagulat nalang ako nang nagtinginan si Carl at kuya Santy tapos biglang nagtawanan.



"Bakit nandito ka kuya? At magkakilala kayo? Paano?" Pagtataka ko pa din sa kanila. 18 si kuya Santy. Si Carl 17. Paanong magiging magbarkada silang dalawa tapos bagong lipat lang naman si Carl dito? O-O




"Tinext niya ako. Ang kulit nga niyan. Sabi ko pumunta na lang kayo sa bahay pero gusto mo daw kasi sa mall." Sabi naman ni Kuya Santy.



"Paano kasi sabi niya treat niya ko. Paano niya ko itritreat kung sa bahay lang? At ano namang gagawin natin sa bahay. Boring kaya dun." tapos hinarap ko naman si Carl. "Huy Carl! Paano kayo nagkakilala ni kuya? At magkatext pa kayo? It means siya yung katext mo kanina?" Naguguluhan ako! >_____<



"Naging magkaklase kami nung elementary habang nag aaral din yung kuya mo sa states. Dapat college na din ako. Supposed to be advance kaso nung high school ako, umuwi na kami ng parents ko dito. Too late for school year. I decided to stop and wait for the next school year. Kaya nagkasabay tayo ngayon." Pagpapaliwanag naman ni Carl.



"Pero paano kayo ulit nagkacontact? Does it mean elementary pa lang si kuya kilala mo na ako?" Tanong ko kay Carl



"Hindi ka pa niya kilala nun. Di naman ako nagkwekwento masyado sa kaniya about family. Nagkita nalang kami nung minsan may gig kami ng banda at nung nagpasa ako ng enrollment form mo sa school. Nakita ko siya sa parking. Simula nun naghahang out din kami paminsan minsan. Nagulat na nga lang ako na dito na pala siya nag aaral." At biglang akbay ni kuya Santy kay Carl. Halata ngang magbarkada sila. :3 "Carl, kailan tayo tutugtog?"




"Nagbabanda ka rin Carl?" O-O ang dami ko pa palang hindi alam kay Carl. Ano pa bang hindi ko alam. :3




"Oo Sam. Sa drums ako pero madalas vocalist." Sagot naman ni Carl. Vocalist? Means magaling palang kumanta si Carl? Nacurious tuloy ako. >___< Bigla nalang nag usap yung dalawa. May sariling mundo. Bahala nga sila! Ubusin ko na muna yung last tokens ko sa basketball.



Natapos na ko at lahat tapos bigla akong hinila ni kuya Santy. Ngayon ko lang napansin na wala si Carl. O-O "Nasaan si Carl kuya?"



"Pupuntahan natin siya. Bilisan mo naman yung lakad!" Pagmamadali sakin ni kuya. Excited masyado puntahan si Carl? Hahahahaha! Yung totoo? Magjowa ba kayo? Hahahaha. Napapangisi nalang ako sa naiisip ko.



Nakarating na kami sa isang part ng mall. Napakadaming tao. Yung mga babae kinikilig na agad wala pa namang tao sa stage susko -____- Dinala ako ni kuya sa harap ng stage. May contest palang nagaganap dito. Mukang raket ito nina kuya. Hahaha!




Isa isa nang naglabasan yung members ng banda. Nandito rin pala yung ibang barkada ni kuya. Si Jace sa drums. Si kuya sa guitar. Si Louie sa keys. At waaaait! O-O si Carl vocalist nila??



"Ladies and gentlemen! Our last contestant for today's event, the band -- Serendipity" Wow Serendipity pala name ng band ni kuya. Hahahaha! Magkapatid nga kami pero wag kayong magtaka if di ko alam. Di naman namin napapag usapan yung banda niya.



Ipinakilala pa lang yung banda hiyawan na agad sila. Gwapo kasi ang members ng banda. Gwapo din kaya yung kuya ko. Hahahahaha Sa paningin ng mama ko. :3  Hahahahaha! Narealize ko na attractive nga pala agad sa girls basta may gwapo. Tsk. Ang ingay ng mga tilian nila! :3 if nandito si Thea lagot sila dun. Hahaha! Sanay na ko sa mukha ni kuya at barkada niya pero kay Carl. Naiiba siya.




Lahat natahimik nang napansin nila na magsasalita si Carl. Nakatingin lang siya sakin. He smiles at kinilig naman yung girls sa paligid ko.  "This song is for the girl in front, who has failures but managed to go further with a smile. Your smile is a ray of sunshine. This song is for you." At tinuro niya ako. Hayyyyy! Yung girls naman sa tabi ko nagwala feeling sila. -_____- HAHAHAHA or ako ang nagfeeling?




Girl in front? Para sa akin ba Carl? >____< Nagsimula na silang tumogtog. Yung boses ni Carl. Yung boses niya familiar. Carl, bakit nakikita ko na naman si Seb sayo? :(

This Girl is Mine (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon