Chapter 43 : Sembreak

1.1K 24 0
                                    

Samantha's POV



Buti nalang natapos namin agad yung research paper namin last Saturday. Lahat ng group nakapagpasa na sa akin. Papunta ako ngayon sa Faculty. Ang daming estudyante na nagkukumpleto pa ng mga projects nila sa ibang subjects. Yung ilan kausap pa ng ibang teachers. Kahit si Ms.Cassanova busy. Iniwan ko nalang yung research papers sa table niya aya ng sabi niya.



Kanina nag usap usap kami sa kung ano ang gagawin namin this sembreak. Si Kenneth daw, may family outing sila. Si Carl naman may family gathering daw na pupuntahan. Ako naman as well as sina Thea at Zack sa bahay lang talaga. Almost 2weeks din ang itatagal ng sembreak namin. Next month for sure another busy month for school activities. Kailangang makapag relax talaga this sembreak.


--------


Sembreak. Nakakatamad lumabas ng bahay. Naisipan ko mag online. Matagal tagal na din akong hindi nakakalaro. Naiintindihan naman nila na busy talaga ako sa school. Pag online ko, madami na palang bsgong updates sa game. Pero same people pa rin sa fam. Nadagdagan man, welcome na welcome pa rin ako sa kanila.



Sa fam chat.

Sammy : Namiss ko kayo! :*
Zygfrid : Sammy my love so sweet!
Dara : Sammy!!!
Vince : Sam kamusta?
Sammy : Ayos naman. Heto sembreak. Hahaha! More time naman to play at kwento. Hi Dara!
Zygfrid : aww snob ako. :(
Thea : matampuhin ka masyado! Di bagay zyg! Hahahaha! Sabi na mag online din to
Sammy : Ako pa ba? Hahahaha! Hi Zyg. Wag ka na magtampo. ;)
Zygfrid : aww may ;) .. nafall na ko guys! Ikaw Sam kailan ka mafofall sakin?
Samuel : Wag ka ng umasa pre. :)
Dara : Kahit kailan talaga si Samuel Kill joy. Hahahaha!
Vivi : Sammyyyyy!! I miss you! :*
Sammy : I miss you too Vivi!
Vivi : nakalaro ko pala si Seb kagabi
Samuel : O.o
Zygfrid : whoa! Si Seb?
Dara : Oo nga si Seb nga! Paulit ulit?
Vivi : akala ko nga bumalik audi ka kasi okay na ulit kayo.
Sammy : Hindi pa nga kami nagkakausap ulit
Thea : Wag siyang papakita sakin. :3
Sammy : kalma Thea! Hahahahaha.
Vince : kalma babe :*
Zygfrid : naks! Muling ibalik na ba Vince Hahahaha!
Thea : walang ganon Zyg. Gusto mo nang sapak?



Bumalik na din pala sa game si Seb. Pero hindi siya nagpaparamdam. Ayaw niya ba kong makausap? Nagsisi na ba siya sa mga kalokohan niya. Bakit parang may pain na bumabalik. Hayss. Biglang may tumatawag sa akin. Hindi naman nakasave yung number. -______-


Sammy : Wait guys may tumatawag.
Samuel : sinong tumatawag?
Dara : yung future niya.
Vivi : baka si Seb.
Zygfrid : abaa mga nagsisibalikan ang past ah
Thea : Sige na Sammy sagutin mo na.


Kinakabahan ako. Paano if si Seb nga ito. Hays. Sige sasagutin ko na nga! >_____<


Sam : Hello?

.... walang nagsasalita.

Seb : Sam ..

.... Yung boses na yun. Naguguluhan ako. Halos pareho ng boses ni Carl.

Seb : It's me, Seb .. kamusta ka na Sam?

Me : I'm fine. Bakit ka napatawag?

Seb : Gusto ko lang na kamustahin ka. It seems, you're not comfortable

Me : Before, I told myself, kung makakausap man ulit kita I think normal na ulit ang lahat. But now, ang awkward.

Seb : Obvious naman Sam. Pero naiintindihan ko naman. I'm sorry.

Me : Seb, enough na sana ng sorry mo. Kasi wala namang mababago kahit ilang beses mo pa yan sabihin sakin. Kasi sa kada sorry mo, mas naaalala ko lang yung ginawa mo. Mas naaalala ko yung panahong yun.

Seb : Sana dumating yung araw na makalimutan mo na yung pain. Na sana yung good memories na lang yung maaalala mo kapag nandito ako

Me : Yun din naman ang gusto ko Seb. I moved on already. Hindi na kita mahal Seb. I know to myself na hindi na at yung ang totoo. Kaso bumabalik yung panghihinayang. Kaya naiilang ako kasi minsan ko nang naisip na tatagal tayo. Pero hindi pala. Malabo at madami nang nabago.

Seb : I will not disturb you anymore Sam. This will be the last time. Pero kapag handa ka na, just message me. I'm still hoping na darating tayo sa point na napatawad mo na ako.

Me : Bye Seb.

*end call*



Lutang na lutang ako. Hays. Kailangan kong makita si Thea. Siya lang yung makakaintindi ng sitwasyon ko. Right away nag log out ako at nagprepare papunta sa bahay nina Thea. Hinatid ako ng driver namin. Sabi ko magpapasundo nalang ako kapag uuwi na ko. Sabi ni Thea nasabi na niya sa maids na darating ako. Kaya pag doorbell ko pa lang pinagbuksan na agad ako.



"Good afternoon Ms. Sam." Bati ni yaya mel.


"Nasaan po si Thea?" Tanong ko naman habang sabay kaming naglalakad papasok  ng bahay.



"Nasa kwarto po niya. Bilin niya po na dumiretso nalang daw po kayo sa kwarto niya." Sabi naman ni yaya mel. Dumiretso naman nga ako sa kwarto ni Thea. Pagbukas ko nakita ko agad sya na nakaharap sa computer niya. Agad ko naman siyang niyakap nang nakaback hug.



"Theaaaaaa!" Paglalambing ko naman sa kaniya habang mahigpit pa din ang yakap ko sa kaniya. Inalis naman niya ito at biglang tumayo.




"Oh Sam. Ano ba kasing problema. Dito tayo umupo sa kama. Wala akong extra chair." At sabay nga kaming naupo sa kama niya.




"Kasi Thea, yung tumawag kanina. Si Seb nga. At nung narinig ko yung boses niya. Bumabalik yung panghihinayang." Nakayuko lang ako ng bahagya. Para akong maiiyak. Hindi ko rin maintindihan yung sarili ko.



"Sorry Sam. May kasalanan din ako. Kasi kahapon nakausap ko din siya. I mean nakachat lang sa facebook ha? Then tinanong niya ako if kamusta ka na at napatawad mo na ba siya. Sabi ko naman bakit hindi ikaw yung tanungin kasi nga nagsusungit ako sa lokong yon. Malay ko bang tatawagan ka." Sabi naman sakin ni Thea na nakasalubong pa yung kilay. "Alam mo Sam, dedmahin mo na siya. Niloko ka niya. Hindi siya worthy sa time mo at pag iisip mo ng malalim."



"Nandun na tayo na niloko ako. Siguro kaya ganito. Kasi niloko na nga ako tapos may lakas pa ng loob kamustahin ako. At may isa pang bagay na gumugulo sa akin. Yung boses kasi ni Seb. What if--- " Nagsasalita pa ako pero pinutol agad ni Thea -______-



"Tama na ang buts and what ifs Samantha Lee! Huwag mo nalang siya isipin. Mabuti pa, let's watch movie bukas. Let's go out! Para mawala na sa isip mo yan. Pleaseee!!" At niyayakap yakap niya ako na parang bata.



"Sige na nga. Magshopping na din tayo. Matagal na kong hindi nakakapag shopping. Namiss ko mag fit sa mall tapos magseselfie tayo sa fitting room." Hahahahaha! Gawain namin yun ni Thea. Ideya niya yon. Minsan nahuli kami ng staff. Nakakahiya kasi sinaway kami. Binili nalang namin yung dress. As if naman itatakbo namin no' -____- HAHAHAHAHAHA



"Hanggang fit lang ako ano ba yan. Huhuhu. Wala akong allowance na nasave. Buti ka pa madali sayo bumili ng gusto mo." Biglang nahiga at nagmukmok si Thea. Kiniliti ko siya sa bewang hanggang sa bumangon siya ulit habang tawa ng tawa.



"Sige na nga. I'll treat you. Ikaw pa ba. You're the best among the rest of my friends. Love na love kaya kita!" And I kissed Thea on her cheeks. Thea is the prettiest and sweetest girl I know. She has her own way of showing herself. Sa kaniya ako pinakakomportable. Siya yung nagpapa kalma sa akin every time na nag ooverthink ako. I really love her!

----

In one snap parang walang nangyari. Nagkulitan lang kami ni Thea. Naisipan pa naming mag live video sa facebook. Tapos tumanggap kami ng requests sa comments. First time ko mag live video and its fun! Clear data na for things na nakakastress today. Umuwi ako ng all smiles & Thanks to Thea! ♡

This Girl is Mine (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon