Chapter 58 : Turn of Events

230 6 0
                                    

Thea's POV

Sunday Morning. Ilang araw nang hindi pumapasok si Sam maging si Carl since that day sabi ni Kenneth. Hays. Maging ako, hindi ako makapasok. Hindi ko alam kung paano sila haharapin.

Biglang may kumakatok sa pinto. "Nak, may bisita ka sa baba. Lumabas ka na dyan." si mama pala.

"Yes ma. Susunod na po ako." inayos ko lang ang buhok ko at bumaba na rin agad. Hindi ko inaasahan ang nakita ko pagbaba ko papuntang salas.

"Oh Carl. Napabisita ka?" tumayo sya at nagbeso sakin. Sa totoo lang, ang inakala ko si Kenneth yung bumisita sakin.

"Gusto sana kitang makausap." sagot naman ni Carl. Tapos dumating naman si mama at papa.

"Mag usap lang kayo ha. Althea, aalis muna kami ng mama mo. We have to attend a meeting. Babalik din kami before dinner okay?" sabi naman ni papa.

I kissed them both. "Okay papa. Ingat kayo ni mama." umalis na nga sina papa. "Carl, dun tayo sa garden." naglakad naman ako at sumunod si Carl. Nagpasunod na rin ako ng meryenda for us.

Naupo kami sa table sa garden. "Kamusta ka na? Hindi ka daw pumapasok? Okay ka na ba?" tanong ko naman kay Carl.

"Okay na ko. Nagpalamig lang muna ako. Ikaw kamusta ka? Nagkausap na ba kayo ni Sam?" tanong naman ni Carl. This time, wala na kong maramdamang envy kapag binabanggit niya si Sam.

"Hindi pa rin since then." Sagot ko naman. Dumating naman yung pinahanda kong meryenda. "Thanks yaya." umalis na rin si yaya after.

"Paano mo nalaman na ako si Seb?" uminom naman ako ng juice. Hindi pa nga pala niya alam.

"I met Brent sa mall nung mga panahon na malapit na ang foundation week. Dun ko nalaman na iba pala yung owner ng pictures na ginamit mo as Seb. Pero nalaman ko lang na ikaw si Seb last week. Nung nakibihis ako sa room mo." sagot ko naman kay Carl.

"Sa room ko? Binuksan mo yung laptop ko?" tanong naman ni Carl.

"Yes I did. Sorry about that Carl. Pero nung nakita ko na may shortcut ka nung game na nilalaro din namin ni Sam, I checked the screenshots and there I found out that we're with Seb all this time." sagot ko naman. Napangiti naman siya ng marinig yon.

"Nataranta kasi ako non. Nawala sa isip ko yung laptop. Unexpected din yung pagdating mo nun. So alam mo na yung bisita ko that time ay si Brent?" sabi naman ni Carl.

"Yes. Dun nga ako nagtaka kaya I opened your laptop. Ang galing mo magtago ha?" pagbibiro ko naman kay Carl.

"Sa totoo niyan, ang hirap magtago Thea. Gusto kong umamin sa kaniya. Pero ayokong iwasan niya ko. Kaya hanggat kaya. Hanggat pwede. I hide my secret. Para mas makasama ko pa siya at mas makilala. Pero nadamay ka. I'm sorry Thea." tiningnan ko ang mata niya. Nakikita ko yung sincerity niya.

"Nakapag isip isip din ako Carl. Masyado akong nafall sayo. But all of this is just an infatuation. I got hook of the thought that someone is giving me attention. Someone as good looking as you. Pero hindi ko nakita yung ibang mas mahalaga. Naging desperada ako. Naunahan ako ng inggit. And because of that, I ruined everything." sabi ko naman sa kaniya. Ngayon mas malinaw na sa akin lahat.

"Sorry if I took you for granted." sabi naman ni Carl. Hinawakan niya ang isang kamay ko. Hinawakan ko ang kaniya at inalis ito.

"Its okay Carl. Don't be sorry. Hahahaha! Ginusto ko rin yon. Pinipilit ko ang sarili ko sayo. I realized, si Sam talaga yung gusto mo. Pansin ko naman yun kahit nung simula pa lang. Iba yung ngiti mo pagdating sa kaniya. Pero hindi ko yon pinansin. Kasi I insist to myself that I'm the one that you like. Kasi ako yung binibigyan mo ng motibo. Hahahahaha! Ang epic ko noh? Sorry kung pinakumplikado ko lahat." natatawa na lang ako sa sarili ko. Masyado akong nagpadala sa infatuation na toh.

This Girl is Mine (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon