"Sana mahanap na ko nung taong magmamahal talaga sakin.."
CHAPTER ONE: Sign
Samantha Kate's POV~
*poink*
"Aray!!" , ang sakit nun ah! hinarap ko nga yung kaisa-isang taong kilala ko na gagawa saken pagbatok nyang halos matanggal ang kaluluwa ko.
"Piste ka Bok! Iniistorbo mo na naman ako! tss." pasigaw kong sabi.
"Eh ayan ka na naman eh. Alam ko na yan pag nakapikit ka. Nagwi-wish ka na naman dahil 11:11 na naman no!" sigaw din sakin ng bestfriend kong si Charles. Bok ang tawagan namin, short for "Best Of Kaibigan".
"Eh wakampake Bok! Eto na nga lang pag-asa ko sa lovelife ko, eepal ka pa."
"Pag-asa? Duh. Ang pag-ibig hindi yan inaantay. Kusa yang dumadating on the right time. "
"Dame mong alam Bok! kanya-kanya yan ng paniniwala. saka may hinihingi akong sign noh."
"Anong sign naman yan aber?"
"Basta dapat related sa number 11. Halimbawa, bibigyan nya ko ng 11 roses, mga ganun. Basta! dapat related sa 11."
"11. tss. 11 na sapak gusto mo?" sabay pakita ng kamao nya saken.
"KJ mo! ayaw mo ata ko magkalovelife ulit." emote ko naman.
"Bok, hindi yun sa ganun. ang aken, wag na muna. di ka pa nga ata nakakamove on dun sa ex mo eh." sabi naman nya.
"sampung buwan na yun Bok. okay na ko. kaya nga naghahanap na ko eh."
"Hay ang kulit mo. bhala ka jan.", pagsusungit nya.
"Pagbigyan mo na ko Bok. hohoho. Labyuuuuu :)", paglalambing ko. alam ko namang hindi ako matitiis netong bispren ko eh. tignan nyo, on the count of 3. 1.. 2.. 3..
"Hays, ou na sige na. as if naman mapipigilan kita sa kahibangan mo eh no!"
"Sabe na di mo ko matitiis eh! haha. Tara sa cafeteria Bok! Libre mo ko. Pleeeeeease. ^_^"
"*pabulong* pasalamat ka.."
ano daw?
"HA?"
"wala! tara na nga. naririnig ko nang nag'aalburoto yung mga alaga mo oh." sabay turo nya sa tiyan ko. hampaslupa -______-
---
*yawn* Boring ng lecture buong araw o siguro sadyang wala lang ako sa mood. Hays. Bureng bureng. -___-a
"Okay class dismiss."
YES! sa wakas. makakauwe na rin at gutom na ako. tinext ko si Bok na uuwe na ko. mamaya pa kasi 7pm tapos ng klase nun. nagagalit pa naman yun pag di ako nagpapaalam. :3 boyfriend lang ampeg? haha! dee. mahal ko yang bestfriend ko. 5 years na kaya kame. haha.
*tooogsh*
"Aray! Paks--"
"Sorry miss."
Shet. ulo ko mamen! sorry daw. mapapalitan ba ng sorry nya tong ulo ko? -___-"
"Sorry talaga. I am answering an important message when I accidentally bumped on you. Sorry talaga." paliwanag ni lalaki.
"takteng yan. bat kase sa corridor ka nagtetex?! panira. dyan ka na nga."
sabay alis ko. aba, masungit ako ngayon. di nya alam na masama ako pag gutom. nagiging tigre ako. bute nga di ko sya kinagat. raaaaawr.
"Uy, saglit!"
piste. sakit tuloy ng ulo ko. bat ba may pader dun. da't dun pinapagiba eh.
"Uy miss!"
makabili nga ng bente pesos na stick-o pampapawala ng badvibes. nakakainis naman kase tatanga tanga.
"Uy!"
sino ba yung sigaw ng sigaw na yun parang tanga. di tawagin yung pangalan ng tinatawag nya.
"Uy! Miss, saglit lang!" hingal na hingal nyang sabi.
"problema mo?" pagtataray ko ulit.
"Nalaglag mo kasi tong panyo. alam kong sayo to kase kulay red eh. halata namang ikaw may-ari." sabi nya.
So? eh paborito ko yung kulay red eh. psh.
kinuha ko yung panyo ko at umalis na. hinayaan ko sya dun. aba. nagugutom na ko binadvibes pa ko. sana di ko na yun makita. -_-
----
A/N: waaah. shet. di ko alam mga pinagsusulat ko dito. XD ganyan talaga pag boring. kung ano maisip ko sinulat ko na basta. ^_^ hoho. goodluck sa storyang to. ~217
BINABASA MO ANG
Started with 11:11
Genç KurguNagsimula sa isang paniniwala. Isang hiling. Ngunit tila napaglaruan ata ng tadhana. Sino ba ang dapat piliin: ang taong mahal mo pero di mo alam kung mahal ka o ang taong mahal ka pero di mo sigurado kung mahal mo ba talaga?