Mission 42

74 2 0
                                    

Ngayong umaga ay nandito ako at naglalakad sa hallway papunta sa classroom namin.

Kailangan ko pang hanapin si Cloud dahil sa misyon na natanggap ko.

At dahil tuesday ngayon malaya kaming mag-suot ng kahit ano kaya marami akong nakikitang mga babaeng parang nakulangan ng tela sa damit kanina.

Nang makarating na ako sa classroom ay bumungad saakin si Fallen.Agad niya akong hinila papasok ng room at saka pinaupo sa upuan ko at saka siya umupo sa upuan niya which is katabi ko lang.

Kami ni Fallen ang magkaklase hindi gaya nila Atom at Ginger na magkaklase rin pero hindi namin sila kaklase ni Fallen.

"Balita ko galing kay Atom partner mo daw sa Curremder si Cloud?"bulong niya saakin.

"Ano naman ngayon?"tanong ko.

"Nakakakilig kasi ang chemistry niyo."kinikilig na sabi ni Fallen.Napapailing nalang ako dahil sakanya.Minsan napagisipan ko ng idala siya sa Mental Hospital ehh kahit 1 week palang kaming magkaibigan.

Matapos ng ilang minutong paghihintay ay dumating na ang adviser namin at saka namin sinimulan mag-lesson pero hindi ako makapag focus sa lesson namin dahil iniisip ko yung mission namin ni Cloud.Ano na kayang nangyari sa babae?

Habang nagsasalita ang teacher sa harapan ay biglang bumukas ang pintuan ng classroom namin dahilan para maibaling doon ang atensyon naming lahat at napatayo nalang ako saaking upuan nang makita ko si Cloud na hinihingal pa at mukhang tinakbo pa ang classroom namin.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang aming tingin.

"Mister Fothergill what are you doing here?"maawtoridad na sabi ng teacher namin kay Cloud.

"I'm here for Miss Herschel."sagot niya habang nakatingin parin saakin.

Napa 'Whoa' ang mga iba kong kaklase dahil doon.

What is he doing here?!

"Ok Miss Herschel you may go."napabaling ang atensyon ko sa teacher.

"A-ano po?Ako po?"tanong ko sabay turo sa sarili ko.

"Sino paba ang tinutukoy ko?"sabi ng teacher saakin kaya tumango nalang ako at saka nakayukong nagsimulang maglakad palapit kay Cloud.

Habang lumalapit sakanya ay mas bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit.

Sa totoo lang hindi kami close ni Cloud pero kilala ko siya dahil famous siya dito sa school at halos lahat ng babaeng kaklase ko ay bukang bibig siya kaya kilala ko siya pero ewan ko lang kung kilala niya rin ako.

Nang makalapit na ako sakanya ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at saka hinila palabas ng classroom ng walang pahintulot.

Ang bilis ng takbo niya pero nakakasabay naman ako.

"S-saan tayo pupunta?"nauutal kong tanong.

"We're going to save the girl."sagot niya.

"But-"

"Shut up!We're running late!"sabi niya kaya napatahimik na ako.

Agad kaming nakarating sa abandoned lab building At agad na pumasok dito.Tatlong palapag ito,masapot,madumi,at mabaho ang loob ng lab building na ito.

Hinihingal kaming napahinto sa pangalawang palapag nang makarinig kami ng sigawan.

"Tulong!"

"Tumahimik ka!"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Cloud at saka agad na tumakbo papunta sa hagdanan papunta sa pangatlong palapag.

Pagdating namin doon ay nadatnan namin ang babae na hawak na ng dalawang lalake.Ang isa ay hawak ito sa kamay sa likod niya at ang isa naman ay hawak niya ang leeg ng babae.

InscrutableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon