Gagong Cloud!
Tulog mantika kasi kaya wala akong nagawa kundi pumunta ng mag-isa sa abandoned lab building kahit gabi na at isa ito sa kinakatakutan ko.
Kasalukuyan akong nakatayo sa harapan ng abandoned lab building.
Kaya mo ito Spade!
Be brave!
Fighting!
Huminga ako ng malalim at saka pumasok sa loob ng building.
Ganoon parin ang itsura ng building.Masapot,madumi,madilim at mabaho.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at saka lumapit sa hagdanan na madilim.
Nasan kaya ang laboratory room?
Dahan-dahan akong pumanik sa hagdan para hindi makagawa ng ingay.Binuksan ko ang flashlight ng phone ko para makakita sa dilim.
Pinagpatuloy kong maglakad kahit nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot.
Paano kung may multo dito?Paano kung patayin ako dito?
Nang makarating na ako sa pangalawang palapag ay biglang nawala ang flashlight ng phone ko.
Teka lowbat?!
Ohmygod ano ng gagawin ko?
Wala akong makita masyadong madilim.
Nagsisimula na akong kabahan at manginig sa takot.Lahat ng parte ng katawan ko ay nanginginig dahil sa takot.
Nagsisimula na akong maluha.
Ohmygod please Cloud sana mabasa mo ang message ko.
Bakit kasi hindi ko nacharge itong phone ko?!
Langya akala ko ba matibay ang battery nito?!
Oo nga pala dalawang araw ko na itong hindi nachacharge kaya lowbat na.Kahit napaka high tech ng phone na iyan ay nalolowbat rin iyan pagkatapos ng dalawang araw.
Bwisit talaga bakit ngayon pa?
Bakit kung kailan kailangan ko ng ilaw?
Shit!
Mas lalo akong kinabahan at natakot nang makarinig ako ng kaluskos at mga yabag ng paa.
Kahit na nanginginig ako sa takot ay pinilit kong magsalita."S-sino iyan?"nauutal kong tanong.
Hahakbang pa sana ako nang may humawak sa balikat ko mula sa likod ko dahilan para mapasigaw ako sa gulat at nabitawan ang hawak kong cellphone.
"Ahhhhh!!!!!!!--"
Agad tinakpan ng kung sino ang bunganga ko ng isang panyo at saka sinimulan niya akong talian sa kamay.Hindi ko makita kung sino siya dahil napakadilim dito.Pinipilit kong pumiglas pero masyado silang malakas para saakin.
Sa tingin ko marami sila dahil nararamdaman ko may tumatali narin sa paa ko.
Nagdilim ang paningin ko nang may iniuntog sila sa ulo ko na matigas na bagay.
***
"I can't wait to taste her."
"She's so beautiful and sexy!"
"Magtigil ka nga!Hintayin muna natin yung partner niya kasi kakatapos ko lang siya nakachat kanina at kapag natalo niyo siya ay pwede niyo na iyang pagsaluhan."
"Yes ma'am!"
"Kayo na bahala diyan at kailangan ko pang bumalik sa dorm.Oh ito ang phone niya ilagay mo nalang sa bulsa niya pero don't touch her!"

BINABASA MO ANG
Inscrutable
ActionThere is only one rule in Cryptic University."Play the game or be played." Once you played the game the only way out is Death or is there another way out? Sa isang babaeng hindi gaanong matalino tulad ni Spade ay mapapadpad sa isang paaralan kung sa...