Nandito ako ngayon naghihintay sa harapan ng main building.
7:00pm na bat ang tagal ng gagong iyon?
Napa-aga ata ako...Tsk!
I keep on tapping my shoes until i saw him walking with the HIGAD.
Tumingin pa saakin ng masama si Flare pero inirapan ko lang siya.Napatingin sa akin si Cloud pero iniwas ko ang tingin ko sakanya.
"Spade!"napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Moon na papalapit saakin.
Nang makalapit na saakin si Moon ay agad niyang hinawakan ang kamay ko.
O...kay?
"So let's go?"tanong saakin ni Moon pero tumingin muna ako sa direksyon ni Cloud at nakita kong ang sama ng tingin niya sa amin.
Binalik ko ang tingin ko kay Moon at saka ngumiti sakanya.
"Ok then let's go!"sabi ko at agad ko siyang hinila palayo ng lugar na iyon.
Nang makarating na kami sa school bar ay malalakas na tugtugan agad ang bumungad saamin.
Hindi ko alam kung bakit may bar dito sa school pero ito lang ang lugar kung saan pwede magsaya ang mga estudyante ng CU.
Agad kaming pumunta sa counter at umorder ng alak.
"Are you sure about this?"tanong saakin ni Moon.
"Ofcourse!"sabi ko sakanya.
Agad namang inabot saamin ng bartender na kapwa school mate namin ang alak namin kaya agad ko itong nilagok.
"Isa pa!"sabi ko sa bartender.
"Hoy!Hinay hinay lang!"sabi saakin ni Moon pero hindi ko siya pinansin at saka nilagok ulit ang isang baso ng alak na inabot sa akin ng bartender.
Medyo nakakaramdam na ako ng paghilo.
Ang lakas pala ng alak.
Medyo sumasakit na ang ulo ko sa hindi ko malamang dahilan.
Bakit umiinit?
Inalis ko ang jacket ko kaya nakasando nalang ako.
"Hoy!Anong gagawin mo?"tanong sa akin ni Moon.
"I'm just going to let the heat out."sagot ko at saka dumeretso sa dance floor kung saan maraming tao ang nagsasayawan.
"Spade wait!Lasing ka na!"sabi niya at saka ako hinila pabalik.
"H-hindi pa!d-dadalawang baso palang a-ang naiinom ko.D-don't worry..."sabi ko sakanya.
"Malakas ang alak na ininom mo!"sabi niya pero inalis ko ang kamay niya sa braso ko.
"I-I'm going to dance!"sabi ko sakanya at saka dumeretso sa dance floor at hindi pinakinggan ang pagtawag niya saakin.
Maraming lalakeng lumapit saakin nang makarating na ako sa dance floor.
At nang marinig ko ang beat ay biglang hindi ko na makontrol ang galaw ng katawan ko.Nagsisimula na kong sumayaw.
Nahihilo ako pero hindi ko iyon ininda at nagpatuloy lang ako sa pakikipag sayaw sa isang lalakeng grabe ang hawak sa akin.
Hinahawakan niya ako sa beywang habang gumigiling ako at dinidikit naman niya ang katawan niya sa akin.
Mas naging wild ang sayawan dito sa dance floor ng lumakas ang tugtugan.
At nang maramadaman kong hinawakan ako ng lalake sa pwet ay agad akong lumayo sakanya at saka siya tinulak.
"Aba bastos ka ah?!"sabi ko sakanya.

BINABASA MO ANG
Inscrutable
AksiThere is only one rule in Cryptic University."Play the game or be played." Once you played the game the only way out is Death or is there another way out? Sa isang babaeng hindi gaanong matalino tulad ni Spade ay mapapadpad sa isang paaralan kung sa...