Spade's POV
Kinakabahan ako.Mag-isa lang akong pumunta dito at walang alam si Cloud dito.
Gusto ko munang mag-isang gawin itong misyon na ito.Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari dahil alam kong may nangyayari kay Ginger.
Nandito ako ngayon sa harap ng abandoned lab building.
Nagbuga ako ng hangin at saka pumasok dito.
Dahil madilim binuksan ko ang flashlight ng phone ko at saka inilawan ang daan ko.
Kahit nanginginig ako sa takot ay pinagpatuloy kong maglakad.
"G-ginger?"sabi ko pero walang sumagot.
Nanatiling tahimik ang silid at madilim.
"Ginger W-what's going on?"sabi ko pa pero walang sumagot sa halip ay may narinig akong kaluskos sa likod ko kaya natigilan ako sa paglalakad at dahan-dahan na lumingon sa likod ko.
Pagkalingon ko ay nakita ko si Ginger dahilan para magulat ako.
"Ahhh!!!!!"
"Spade tumahimik ka..."sabi niya kaya kinalma ko ang sarili ko.Kita ko ang mga takas na luha niya sakanyang pisngi.
"G-Ginger?B-bakit ako nandito?"tanong ko."A-anong nangyayari?"
Nagsisimula siyang maluha at saka may kung anong dinukot sakanyang bulsa.
At nakita kong may hawak na siyang isang injection na naglalaman ng kulay ube na likido.
"I'm sorry Spade.I can't risk my family's life."Sabi niya habang siya ay humahagulgol.
"W-what are you doing, Ginger?"tanong ko sakanya.
At biglang lumapit siya saakin at saka tinurok ng karayom ng injection sa leeg ko.
"Ahh!!!"daing ko.
"Ginger!What a-are you doing?!"sabi ko at unti-unti na akong nanghihina at napaluhod na sa sahig dahil sa labis na panghihina.
Inalis ni Ginger ang injection saaking leeg at saka umatras ng dahan-dahan.
"I'm really sorry Spade.Napilitan lang ako.I hope you forgive me."naluluhang sabi niya at saka ako iniwan doon.
Nagsisimula ng magdilim ang aking mga paningin hanggang sa nawalan na ako ng malay.
☜☆☞
ParkYoola
![](https://img.wattpad.com/cover/135131441-288-k180530.jpg)
BINABASA MO ANG
Inscrutable
ActionThere is only one rule in Cryptic University."Play the game or be played." Once you played the game the only way out is Death or is there another way out? Sa isang babaeng hindi gaanong matalino tulad ni Spade ay mapapadpad sa isang paaralan kung sa...