Spade's POV
Anong nangyayari?bakit kami pinapatawag na mag assemble sa harapan ng main building?Anong announcement ang dapat namin malaman?
Nakarating na ako sa harapan ng main building at marami ng mga estudyante ang nakarating at nagtitipon narin dito.
Nagsimula na akong hanapin sila Atom pero hindi ko sila mahanap dahil sa rami ng tao dito kaya napagpasya kong tawagan nalang si Atom.
Calling Atom Young
Atom:Hello?
Atom, nasaan ka?Nandito ka rin ba sa harap ng main building?
Atom:Oo kasama ko sila Fallen at Ginger ngayon.
Huh?Bakit niyo nilabas sa hospital agad si Ginger?Ok na ba siya?
Atom:Oo, ok na siya.May pinainom na sakanyang gamot para maging stable na ang kalagayan niya.
Ok then.Anyways nasaan na kayo?
Atom:Nandito kami sa may bandang pinakaharap na parte ng main building.
Ok.Bye na muna.
Atom:Ok bye!
End Call
-----------------------------------------------------------
Nagsimula na akong maglakad papunta sa harap na parte ng main building kung nasan sila Atom.
Medyo nahirapan ako kasi maraming taong nakapaligid at naghihintay para sa anunsiyo ng principal.
Bakit kaya nabigyan kaming lahat ng ganitong misyon?
At nang makita ko sila Atom ay agad ko silang nilapitan.
"Spade!"maligayang sabi ni Fallen nang makita niya ako kaya napabaling naman ang atensyon sa akin nila Ginger at Atom.
"Bakit pala tayo nandito?"tanong ko sakanila.
"Hindi rin namin alam."sagot ni Ginger at mukhang ok na nga siya.
Nakuha ang atensyon ng lahat ng isang nakakarinding tunog mula sa main building kaya napabaling ang lahat ng atensyon ng estudyante doon.
Nang tumigil na ang nakakarinding tunog ay siyang paglabas ni Miss Devans,ang principal,sa veranda ng third floor ng main building habang may hawak na mic.
"Listen students."maawtoridad na sabi niya kaya nakuha niya ang lahat ng atensyon ng estudyante.
"Alam natin lahat kung gaano natin gusto umalis sa paaralan na ito..."panimula ni Miss Devans.
What?May pinaplano ba siya?
Nanatiling tahimik ang lahat at hinihintay ang sasabihin ni Miss Devans.
"This is the night where all your questions will be answered.But it may kill you."sabi niya kaya nagsimulang bumigat ang atmosphere dito."Kung gusto niyo makaalis sa paaralan na ito..Let's play the hunger games kaya gumawa na kayo ng paaran para makilala ang top 10 students dahil na sakanila ang susi ng mga gates ng paaralan na ito.Ang CU ay may sampung gates at hawak ito ng bawat isang top 10 students.Kailangan niyong kunin ito mula sakanila ng hindi namamatay para makalabas ng paaralan na ito ng buhay.Bakit namin ito ginagawa?Kasi meron na sainyo ang may nalalaman tungkol sa misteryo ng paaralan na ito.Paano niyo makikilala ang Top 10 students?Well simulan natin sa Rank 8."

BINABASA MO ANG
Inscrutable
AcciónThere is only one rule in Cryptic University."Play the game or be played." Once you played the game the only way out is Death or is there another way out? Sa isang babaeng hindi gaanong matalino tulad ni Spade ay mapapadpad sa isang paaralan kung sa...