Natanggap ko yung mission sa kalagitnaan ng gym class namin kaya habang naglalaro kami ng badminton kasama ang mga kaklase ko at si Fallen ay basta-basta na lamang akong tumakbo palabas ng gym kahit pinagpapawisan ako at suot ko parin ang gym clothes ko.
Agad akong tumakbo sa hallway papunta sa pool area ng school.
Hinihingal akong nakarating doon.Agad kong binuksan ang pintuan at saka pumunta sa pinaka malalim na pool at doon ko nakita ng isang lalake sa gitna ng pool habang nakatali siya at walang malay.
Agad akong tumalon sa pool at saka sinubukang abutin ang lalake hanggang sa mahawakan ko ang tali niya na nakatali sakanyang buong katawan kaya agad ko itong sinubukan alisin sakanyang katawan.Wala parin siyang malay,niyugyog ko ang katawan niya para magising pero hindi man siya kumibo kaya pinagpatuloy kong inalis ang tali sa katawan niya nang matapos na ito ay agad kong hinawakan ang kamay niya at saka umahon kasama niya.
Nang maka-ahon na kami ay agad ko siyang pinahiga sa sahig at saka tinapik ang pisngi niya para magising pero hindi parin siya magising.
Shit nahuli ba ako?
Patay na ba siya?
"Hoy!!Gising!!"sigaw ko habang tinatapik ang pisngi niya.
"Gising!!Kuya gising!!"sigaw ko pa pero hindi parin siya nagigising anong gagawin ko?
Napatingin ako sa labi niya...
No no no way Spade!You are not going to do that!
Niyugyog ko ang katawan niya pero hindi parin siya magising kaya I tried pumping his chest.
"Kuya gumising kana parang awa mo na."pagmamakaawa ko habang pinapump ko parin ang kanyang dibdib pero hindi parin siya magising kaya naiinis na ako dahil sa pagkataranta ko kaya wala akong nagawa kundi gawin ang hindi ko dapat gawin.
Patawarin mo ako Cloud...
Teka bakit ako humihingi ng tawad kay Cloud?Wala namang KAMI diba?
Tsk.
Napapikit nalang ako at saka dinampi ang labi ko sakanya at saka ko siya binigyan ng hangin at saka pinagpatuloy sa pagpump ng dibdib niya pero hindi pa siya nagigising.
Patay na ba siya?
Jusko lord...
"Ano ba?!?!Gumising kana!!!!"sigaw ko sabay nilakas ang pagpump sa chest niya at saka binigyan ng hangin at nang makita kong dumilat na siya ay agad na akong humiwalay sakanya.
Napaupo siya habang umuubo.
Napabuga nalang ako ng hangin.
Buti nalang buhay pa siya akala ko nadedbol na.Phew...
Hinihingal siyang napatingin saakin.
"S-sino ka?"tanong niya saakin.
"Ok kana?"tanong ko sakanya.
"Don't answer my question with a question."nakapoker face niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Kung hindi ka lang gwapo baka nasapak na kita diyan ehh.
"Spade,my name is Spade."sabi ko sakanya.
"How did I got here?"tanong niya sa akin.
Bakit hindi niya alam kung paano siya napadpad dito?
"Bakit ako ang tinatanong mo?Tanungin mo sarili mo!Nakita lang kita dito na nalulunod ehh."sabi ko sakanya pero nagsamaan lang kami ng tingin hanggang sa makarinig kami ng biglaang pagbukas ng pintuan at doon ko nakita si Cloud na hinihingal.
Napatingin siya saakin at saka sa lalake na nakaupo parin sa sahig.
"Spade!"sabi niya at saka hinubad ang jacket niya at agad na pumunta sakin at saka tinakpan ang katawan ko gamit ang jacket niya.
"Look at what you're wearing!!Kita ang undergarments mo!"sabi niya sa akin at saka hinila patayo at saka hinawakan sa kamay at napatingin naman siya sa lalakeng nakaupo sa sahig at saka ito sinamaan ng tingin at agad akong hinila palabas doon.
Pinagtitingnan kami ng mga tao habang naglalakad kami sa hallway pero si Cloud ay nanatili lang walang pakealam.
Shit ang pangit ko siguro ngayon dahil basang-basa ako.
"May extra ka bang damit?"tanong niya saakin habang hindi parin tumitingin saakin at patuloy sa paghila saakin.
"Oo."sagot ko
"Nasaan?"tanong pa niya
"Nasa locker room."sagot ko kaya hinila na niya ako papunta sa locker room.Habang nagdadamit ako ay nagbabantay lang siya sa labas ng locker room.
Nagsusuot ako ng bagong sapatos nang may marinig akong mga boses sa kabilang dako ng locker room.
"Paano na yung plano?"
"Let her play first the Curremder.Let's test how brave she is."
"But why?That is not required for the operation."
"Nothing,I just like to play with her."
"You know you'll hurt our subject if you do that."
"Dont worry she will be fine cause she has her brave partner with her willing to protect her."
"Just make sure she's fine before the experimentation."
"Sure."
Anong pinag-uusapan nila?Sino ang pinag-uusapan nila?Ano ang ibig nilang sabihin?Sino sila?Pero bakit parang familiar ang boses nila?
Nagsisimula na akong kabahan sa takot kaya agad akong lumabas ng locker room pagkatapos kong isinuot ang sapatos ko at agad ko namang nadatnan si Cloud na nakasandal sa pader.
"Bakit mukha kang kinilabutan?"tanong niya sa akin.
"N-nothing,let's go."sabi ko sakanya at saka nauna ng maglakad at agad naman niya akong sinundan.Ayaw ko munang sabihin sakanya ang narinig ko kanina baka napagkamalan ko lang sila.Hindi pa ako sigurado sa narinig ko.
☜☆☞
ParkYoola
![](https://img.wattpad.com/cover/135131441-288-k180530.jpg)
BINABASA MO ANG
Inscrutable
ActionThere is only one rule in Cryptic University."Play the game or be played." Once you played the game the only way out is Death or is there another way out? Sa isang babaeng hindi gaanong matalino tulad ni Spade ay mapapadpad sa isang paaralan kung sa...