Spade's POV
Nang makalabas na ako ng hospital ay agad kong nadatnan si Atom na naghihintay at nang makita niya ako ay agad niya akong hinawakan sa kamay at saka hinila papunta sa dorm namin.
"Anong gagawin natin dito?"tanong ko sakanya.
"Basta!Sundin mo nalang ako."sagot niya at saka ako hinila sa third floor ng dorm namin.
Hinila niya ako hanggang sa pinakadulong parte ng third floor ng dorm namin.
Huminto kami sa isang pintuan.Ito ang abandonadong kwarto sa dorm namin.Walang pumapasok dito.
"You need to see this."sabi niya at akmang bubuksan ang pintuan pero pinigilan ko siya.
"Bakit?"tanong niya saakin.
"Natatakot ako.Wala pang nakakapasok diyan sabi mo diba?"sabi ko sakanya.
"Oo.Simula noong maging dorm president ako ng dorm na ito hindi ko pa napupuntahan ang kwartong ito.Ako ang second president ng dorm na ito.And I think ang first president ng dorm na ito ang may kwarto nito."paliwanag niya sabay turo sa kwarto.
"Ok let's go in."sabi ko at saka huminga ng malalim.
Tumango siya at saka dahan-dahang binuksan ng pintuan ng kwarto at bumungad saamin ang maalikabok at masapot na kwarto.
Maayos naman ang kwarto.Walang naka kalat na mga gamit.Lahat sila in place at mukhang ni isa sa mga kagamitan ay nagalaw.
Pumunta si Atom sa isang drawers at saka iyon binuksan at may kinuhang....Photo album?
"You are never going to believe this..."sabi niya at saka umupo sa kama kaya umupo narin ako sa tabi niya.
Binuksan niya ang photo album at bumungad sa amin ang napaka gandang litrato ng isang babae.
"Sino iyan?"tanong ko.
"Hindi ko rin alam pero..."nilipat niya sa isang page ang photo album at bumungad sa amin ng picture nung babae kasama si....Fallen?
"Si Fallen ba iyan?"tanong ko sakanya.
"Oo."sagot ni Atom.
"Bakit mukhang ang bata pa niya diyan?"tanong ko sakanya habang pinagmamasdan ang litrato ni Fallen kasama ang babae.
"I think this is Fallen's sister and this is her room."sabi ni Atom.
"Huh?Are you sure?Wala namang nababanggit sa atin si Fallen?"tanong ko.
"Oo nga."Nilipat niya ang isang page at bumungad sa amin ang isang papel na may nakasulat na...Myungsoo?at may Heart pa.
"Myungsoo?"nagtatakang tanong ko.
"Who's Myungsoo?"nagtatakang tanong ni Atom.
"Hindi ko rin alam..."sagot ko."Bakit mo ito pinapakita sa akin?"tanong ko sakanya.
"Nakakapagtaka lang kasi may litrato dito si Fallen.Sino kaya ang babaeng kasama niya dito sa litrato?"sagot niya.
"Wala ba siyang nababanggit sainyo?Diba matagal na kayong magkasama?"tanong ko.
"Hindi.Mas matagal na nag-aral dito si Fallen.Bagong pasok palang kami nila Ginger dito last year."sabi niya.
Nakakapagtaka.Bakit kaya?
"Kilala mo ba kung sino ang dating Dorm president nitong dorm natin?"tanong ko sakanya.
"Hindi ko rin alam.Ang alam ko lang ay kwarto niya ito at namatay siya dahil sa lason."sagot niya."Nang makapasok na kami dito ni Ginger ay nakilala namin ang Fothergill Brothers sila kasi ang nagtour saamin dito sa school.Tapos nalaman ko kay Orion na namatay na ang dating dorm president ng girls dahil sa lason kaya ako ang ginawa nitong dorm president dito."paliwanag niya.
"Si Orion?"tanong ko at tumango naman siya.
Paano kaya nalaman ni Orion?
☜☆☞
ParkYoola

BINABASA MO ANG
Inscrutable
ActionThere is only one rule in Cryptic University."Play the game or be played." Once you played the game the only way out is Death or is there another way out? Sa isang babaeng hindi gaanong matalino tulad ni Spade ay mapapadpad sa isang paaralan kung sa...