Epilogue

57 2 0
                                    

Everytime I remember the past my tears will always fall on my cheeks.

Gaya ngayon,natatandaan ko na naman ang nangyari dati.Ang Cryptic University,mga school mates namin,mga teachers namin,si Miss Devans,si Autumn,at si Fallen.Hanggang ngayon hindi ko parin sila nakakalimutan.

Who wouldn't remember them?

Matapos ng insidente noong nakaraan na taon nagsimula na kaming mamuhay nila Cloud ng simple kasama ang aming mga kaibigan.

Pati sila Axe ay naging kaibigan narin namin sila.Naiintindihan namin sila dahil napilitan lang sila.At hindi naman totoong minahal ni Axe si Fallen.In fact ginamit siya ni Fallen para gawin ang Cobrin,ang device na pwedeng kumonekta sa utak ng isang tao.At inutusan pa siya ni Fallen na saksakin siya para maipakita sa amin na inosente siya nang napapansin niyang unti-unti naming nalalaman ang misteryo ng paaralan na iyon.

Ang paaralan na iyon ay tuluyan ng nawasak at nabura dahil sa malaking pagsabog ng mga bomba.

Kami lang ang nakaligtas sa insidenteng iyon.Nang makalabas kami ng gubat ay may natagpuan kaming isang village malapit doon at tinulungan kami doon,tinulungan rin kami ng mga tao doon na makauwi sa city.

Lahat kami ay nakauwi ng buhay sa aming mga pamilya.Napatawad ko naman sila mama at papa sa pag-enroll nila sa akin sa paaralan na iyon.Wala din silang alam kung anong gagawin sa akin ng paaralan na iyon nung araw na inenroll nila ako doon.

Lahat kaming magkakaibigan ay nag-aaral sa iisang paaralan,isang ordinaryong paaralan.

Nandito ako ngayon sa sementeryo at pinagmamasdan ang puntod ni Fallen.Anniversary ngayon ng pagkamatay niya.Lagi ko siyang binibisita dito at dinadalhan ng mga bulaklak.Matagal ko na siyang napatawad.Naiintindihan ko naman siya.Ginawa lang naman niya iyon para sa kapatid niya.

Napatingin naman ako sa katabing puntod nito,ang puntod ni Autumn.

Unti-unting tumulo ang luha ko nang maalala ko ang nangyari noon.

"I forgive you Fallen.Sana nasa magandang lugar kana ngayon kasama ang kapatid mo."sabi ko.

"Spade!"nang marinig ko ang boses ni Cloud ay agad kong pinunasan ang aking luha at saka siya nilingon at nakita kong kasama niya ang mga kapatid niya na sila Sky,Orion,at Moon kasama ang mga kasintahan nila na sila Ginger,Atom,at Flare.Oo naging sila ni Moon at Flare.Unbelievable right?Si Night ay hanggang ngayon single parin ewan ko ba sa gagong iyon kung bakit ayaw mag hanap ng love life ang sabi niya sa akin."You do not find love,let love finds you."aba humuhugot na pala ang gago?

Agad nila akong nilapitan at agad naman akong inakbayan ni Cloud at saka humarap sa puntod nila Fallen at Autumn.

"You know,malelate na tayo sa school kung iiyak ka pa dito."sabi sa akin ni Cloud.

"Namiss ko lang si Fallen."sabi ko.

"She's our friend after all."wika ni Atom at tumango naman dito si Ginger.

"Malelate na tayo kanina pa tayo hinihintay nila Ice at Nuclear sa school."sabi ni Sky.

"Tara na?"aya sa amin ni Orion kaya tumango lang ako dito kaya sabay-sabay kaming umalis ng sementeryo at saka sumakay sa kotse.

Sumakay ako sa kotse ni Cloud habang sila Atom,Flare at Ginger naman ay nakasakay sa kotse ng kanilang kasintahan.

Nang makarating na kami sa paaralan at naiparada na ni Cloud ang kanyang kotse ay sabay kaming bumaba.

Umakbay na naman sa akin si Cloud kaya napatingin ako sakanya.

"What?"tanong niya sa akin.

"Hoy Gagong Cloud!Hinay-hinay lang sa moves mo bro ah?Bata pa si Spade!"sabat ni Sky na kakababa palang sakanyang kotse kasama si Ginger at sumunod naman sila Atom at Orion at sila Moon at Flare.

InscrutableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon