Spade's POV
Bakit ang sakit ng ulo ko?
Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at bumungad saakin ang isang kwarto na kulay puti lahat ng mga kagamitan na parang classroom at may white board sa harapan.
Nasan ako?
Sinubukan kong gumalaw pero hindi ako makagalaw dahil nakatali ako habang nakaupo sa isang upuan at napansin kong may desk na kulay puti saaking harapan.
Puting mga kagamitan?
Hindi kaya...Nasa lab building ba ako?
Sinimulan kong igala ang aking paningin at nakita ko ang mga kaibigan ko at ang mga Fothergill na kapwa nakatali rin at nakaupo sa upuan at may desk rin na puti sakanilang harapan.
Nasa isa ba kaming classroom?
Hindi ako makapagsalita dahil may nakatali na panyo sa aking bibig.
Tumingin ako sa kaliwa ko at doon ko nakita si Cloud.Katabi ko siya at kita ko ang duguan niyang damit.
Sinubukan kong gumawa ng ingay para magising siya pero hindi siya nagising.Tumingin naman ako sa kanan ko at nakita ko si Atom na katabi ko at wala ring malay.
Lahat sila walang malay.
Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok ang....kakambal ni Atom na si Nuclear?
At sumunod sakanya ng iba pa.Sila Sid,Shadow,Axe,Meteor,at isang babaeng hindi ko kilala.
Bakit anim lang sila?Diba sila ang Top 10 students?
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Flare na wala ring malay.
Nasa pinakaharap akong upuan.Ako palang ang may malay dito habang ang mga kasama ko ay wala paring malay.
"Good evening students."panimula ni Nuclear.
"Kayong tatlong gago gisingin niyo ang iba pang estudyante."utos ni Nuclear kila Axe,Sid at Shadow na agad naman nilang sinunod.
Nang gisingin nila ang katabi kong si Cloud ay napatingin siya sa paligid at nang mahagip ng kanyang mata ako ay nanlaki ang mga mata niya.Sinubukan niyang magsalita pero hindi siya makapagsalita dahil may nakatakip sakanya bibig.
At nang magising na ang lahat ng aking mga kaibigan ay bumalik ang tatlo sa harapan at nagmasid.
Ngumisi muna si Nuclear at saka sinimulan magsalita."Kung sino man magtangkang gumalaw sainyo diyan sa inuupuan niyo ay mamamatay.Tandaan niyo nasa loob kayo ng lab building ang tahanan ng top 10 students."sabi ni Nuclear."Alam kong marami kayong katanungan.Pero magpapakilala muna kami sainyo para masagot ang ilang katanungan niyo."sabi niya at saka umayos ng tayo at maawtoridad kaming tiningnan.
"Ako si Nuclear Young ang twin sister ni Atom,Ang top 3.Ako ang may responsibilidad sa pag build ng mga technologies."sabi niya at sumunod naman si Sid.
"I'm Sid Forbes ang Top 5,ako ang may responsibilidad sa high tech security systems ng paaralan na ito."sumunod naman si Shadow.
"My name is Shadow Marconi ang kasalukuyang Top 6 student.Ako ang pangalawang assistant ng top 1 sa pagbuo ng cure."
"Axe Ampere,kasalukuyang top 7,ang taga-imbento ng mga drugs,at ako rin ang nagimbento sa Cobrin,ito ay isang maliit na device na pwede mong ihalo sa anumang pagkain at kung sino man ang kakain sa pagkain na iyon ay mawawalan ng control sakanyang katawan at pwede ko silang controlin gamit ang tablet na ito."sabi niya sabay pinakita saamin ang isang tablet.
Siya ang may pakana ng lahat!Siya ang gumawa ng cookies na kinain ni Atom kaya hindi niya maalala kung paano siya nakapunta sa rooftop ng main building!

BINABASA MO ANG
Inscrutable
ActionThere is only one rule in Cryptic University."Play the game or be played." Once you played the game the only way out is Death or is there another way out? Sa isang babaeng hindi gaanong matalino tulad ni Spade ay mapapadpad sa isang paaralan kung sa...