Kabanata 3

1.8K 57 1
                                    

“Mag-iingat“Mag-iingat ka, bata ka! Hindi ko alam kung sino ang nakasunod sa’yo.”

Paulit-ulit pa rin sa isipan ni Angela ang sinabing iyon ni Manang Celia sa kaniya kanina. Hindi niya alam kung mangamngamba ba siya o babaliwalain na lamang iyon. Tila nagising naman ang diwa niya ng biglang mag-ring ng malakas ang kaniyang telepono. Tumayo siya at sinagot naman kaagad iyon.

“Hello.” Walang-gana niyang tono

“Hi babe, busy ka today? Dinner tayo.” Nanlaki naman ang mga mata ni Angela ng marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya. Si Leonard pala, ang kasintahan niya.

“Buhay ka pa pala.” Mapang-asar niyang tono.

“Babe naman. Galit ka ba dahil, ilang linggo akong hindi nagparamdam. Sorry na, busy lang sa trabaho.”

Civil Engineer ang boyfriend ni Angela, at minsan lang din sila kung magkita nito. Bukod sa abala sa trabaho ay malayo rin sila sa isa’t-isa. Siya na nasa Manila, at si Leonard na nakadestino sa Cebu. Ngayon lang kapag may business trip sila dito sa Manila ay niyaya niyang makipagkita si Angela na lumabas. Magdadalwang-taon na rin sila.

“Sige, sunduin mo ako mamaya dahil maglalaba pa ako. Tambak na ako ng labahin kaya uunahin ko muna ito sa’yo gaya ng pag-una mo sa trabaho mo kaysa sa’kin.”

“Hala, babe naman. Sige na nga, see you later. Love you.”

Natapos nga ang tawag na iyon at ibinaba na ni Angela ang telepono. Inasikaso na niya ang kaniyang mga damit na lalabhan na talaga namang ga-bundok na sa dami. Makulimlim ngunit wala siyang magagawa kung hindi ituloy ang paglalaba. Palabas na siya ng unit niya ng biglang nag-ring na naman ang telepono. Inisip niyang si Leonard ito na may nalimutan na naman sabihin.

“Oh bakit?” Bungad niya sa kabilang linya. Ngunit ilang segundo pa ay walang sumasagot at tanging kaluskos lamang ang maririnig mo. Tiningnan tuloy ni Angela ang telepono kung may tawag nga talaga at mayroon naman. Sinubukan niyang mag”hello” na ilang beses ngunit tila ba frank call iyon kaya naman inis niyang ibinaba ng malakas ang telepono.

“Maglalaba ka?” Nagulat naman si Angela sa narinig niyang boses sa kaniyang likuran at nang lingunin niya ay may isang Felicity ang nakatayo roon.

Bumilis naman ang tibok ng puso niya sa pagtatakang paanong nakapasok sa unit niya ang dalaga.

“Paanong?” Nauutal na sambit ni Gela

“Kumakatok ako sa’yo kanina kaso hindi mo ata naririnig, tapos napansin kung bukas naman ang pinto kaya dumiretso na ako.”

“Hindi ko ba naisara ang pinto. Alam mo nagiging hobby ko na iyan, delikado pa naman dito.” Saad ni Angela.

“Buti na lang pala ako ang nakapansin na bukas ang pinto mo.” Nakangiti pang wika ni Felicity.

“Kaya nga. Bakit ka nga pala napadalaw dito? May kailangan ka ba?”

“Wala naman. Naiinip lang akong mag-isa.” Sabay upo pa ni Felicity sa kama ni Angela.

“Iyong friend mo sa F na sinabi mo noong nakaraan, bakit hindi mo puntahan para malibang ka.”

“Umalis siya. Bakit ayaw mo ba na pinupuntahan kita?” Malungkot na tono ng dalaga.

“Naku, hindi naman sa ganoon. Gusto ko nga iyon kasi may nakaka-usap ako tulad ng ganito.”

Nakahinga naman ng maluwag si Angela ng makitang muling ngumiti at sumigla ang mukha ni Felicity.

Maya-maya pa’y napagdesisyunan na ni Angela na maglaba at sinamahan nga siya ni Felicity doon sa may laundry area. Masayahin ngunit mahinhin si Felicity. Tila ba hindi makabasag-pinggan ang kilos at maging ang pagtawa niya. Aakalain mong laking probinsya ito dahil sa pagiging dalagang Pilipina. Mahaba ang kaniyang buhok na abot hanggang bewang na sadyang sumusunod sa galaw niyang mahinhin kapag naglalakad. Ang kaniyang mga mata ay talaga namang napakaganda, maging ang ilong ay matangos at wala man lang bahid ng kung anong marka ang kaniyang mukha tulad ng pimples. Ang kanyang morenang balat ang nagpadagdag pa sa kaniyang kabuuhang ganda. Ang mga binti niyang kay haba, kaya naman hanggang balikat lamang niya si Angela.

Apartment 500-E-5I50Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon