Kabanata 10

1.4K 39 0
                                    

“Hija, gising!” Napamulat naman si Angela dahil sa malakas na pagyugyog sa kaniya ng matanda. Namalayan niyang nasa loob siya ng unit ni Manang Celia. Nabangon naman siya dahil sa pagtataka saka bigla na namang nakaramdam nang pananakit ng ulo.

“Ano po ang nangyari?” Nanghihinang tanong ni Angela.

“Nadatnan na lamang kitang walang-malay sa may hagdan. Akala ko ay nahulog ka kaya kaagad na sinaklolohan kita.”

Naalala niya ang pangyayari kanina at ang salitang “Demonyo” lamang ang lubos na nag-iwan ng marka sa utak niya. Ano nga bang ibig sabihin ni Faith doon?

“Salamat po. Babalik na ako sa unit ko dahil may pasok pa ako mamaya.” Pilit na tumayo at naglakad si Angela patungo sa labas ng unit na ‘yon kahit may kaunting hilo pa na nararamdaman.

Nakakailang hakbang pa lamang siya sa unit ni Manang Celia ay nakaramdam na naman siya ng pananaas ng balahibo at tila ba panlalaki ng ulo. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang iyon kaya imbes na magpadaig sa takot ay buong tapang siyang naglakad patungo sa kaniyang unit.

“Angela” Pagbulong sa kanang tenga niya. Nilingon niya ito ngunit wala namang tao roon. Nakailang ulit niya pang narinig ang pagtawag sa pangalan niyang iyon na halos takpan na niya ang tainga niya habang tumatakbo papasok ng kwarto niya. Tila ba mabaliw-baliw siya habang naririnig iyon.

“Faith…” Nanginginig niyang saad.

“An-ge-la” Isang boses tila ba malaghong at may kasama pa itong paghalakhak.

“Faith, alam kong ikaw iyan. Ano ba talaga ang kailangan mo sakin? Ano ba ang nagawa ko sa’yo?” Hinihingal niyang saad.

Nakita naman niya ang paggalaw ng ilang kasangkapan doon. Ang iba ay nagkahulog at nagkabasag na. Ilang segundo pa ay napansin niya ang puting usok na nagmumula sa pinto ng apartment niyang iyon. Dahan-dahan siyang lumapit upang alamin ang pinagmumulan ng usok ng bigla niyang mapansin ang pagbabago ng paligid. Hindi iyon ang apartment niya. Halos matumba siya ng kaniyang mabasa ang nakasulat sa likod ng pinto.

“APARTMENT 500-E-5I50”

Pilit niyang binubuksan ang pinto ngunit bigo siyang mabuksan iyon. Para bang kulang ang lakas niya sa kaniyang ginagawa at pakiramdam niya pa’y unti-unti siyang nahihilo. Bigla naman niya narinig ang malakas na pagkatok mula sa labas.

“Angela.. Angela buksan mo ang pinto. Tulungan mo ako!”

Hindi iyon boses ni Felicity, bagkus alam niyang boses iyon ni Faith.

Buong lakas niya pa rin pinilit na buksan ang pinto, naiiyak na siya at lahat ngunit bigo pa rin siya.

“Ano ba talaga ang kailangan mo sa’kin?”

“Dahil sa’yo, kailanman ay hindi siya magiging akin.” Narinig naman niyang sambit ng isang tila babae na lalaki ang boses dahil sa pagkamalaghong nitong tono.

“Sino ka ba talaga?”
Sa halip na sagutin siya nito ay isang malakas na halakhak lamang ang kaniyang narinig mula rito. Isang halakhak na talaga namang bibilis ang pintig ng puso mo sa kaba.

Ilang minuto pa muli ang lumipas, narinig niya ang malakas na pagkatok mula sa labas.

“Angela? Angela, ikaw ba ‘yan? Si Felicity ito, buksan mo ang pinto.” Napalingon naman siya ng bahagya sa may pinto at kaagad na lumapit doon.

“Fel, tulungan mo ako.Hindi ko mabuksan ang pinto.” Mangiyak-ngiyak na saad ni Angela.

Alam niyang kakaiba na ito at ang pagtatapang-tapangan niya ay tila ba nawala na. Nilamon na nga siya ng takot dahil sa mga nangyayaring hindi niya maipaliwanag.

Apartment 500-E-5I50Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon