Kabanata 7

1.5K 40 0
                                    

“Magbabayad kayo!” Sabay hinawakan ng mahigpit ang leeg na Angela na halos hindi na siya makahinga.

“Ano ba kasi ang ginawa ko sa’yo?” Saad ni Angela na hirap na hirap na sa pagsasalita.

“Hindi mo alam? Nalimutan mo ba talaga o pilit mo lang talaga binabaon sa limot ang nakaraan?”

Pilit na inaaninag ni Angela ang mukha ng babaeng sumasakal sa kaniya ngayon, ngunit sadyang hindi niya iyon makita dahil sa napakadilim ng paligid.Lumingon-lingon din siya upang alamin ang lugar na kinaroonan niya ngayon. Madilim man, pero alam niyang nasa Floor E sila at sa labas ng Room 5l50 iyon. Gustuhin man niyang sumigaw at makawala sa pagkakasakal na iyon ay wala siyang magawa. Nanghihina ang kaniyang katawan at buong kalamnan niya ay nanlalambot sa takot.

“Faith, ikaw iyan hindi ba? Ate?” Naiiyak na saad ni Angela. Doon ay mas naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakasakal sa kaniya at tipong hindi na niya maisayad ang paa niya sa lupa dahil sa bahagya siyang itinaas nito sa ere.

“Wala akong kapatid na traydor!” sabay bitaw sa kaniya at itinulak siya nito sa may hagdan.

“Angela! Angela, gising! Binabangungot ka!” Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay isang nag-aalalang mukha ni Fel ang bumungad sa kaniya.

Panaginip lang pala ang lahat. Panaginip na para bang totoong-totoo dahil sadyang nararamdaman niya pa rin ngayon ang sakit na pagkakasakal sa leeg niya. Nakailang-hinga muna siya ng malalim saka hinarap ang dalagang nasa tabi niya.

“Uminom ka muna ng tubig.” Sabay abot ni Fel ng isang basong-tubig kay Angela. Kaagad naman niya iyon kinuha at ininom. Nilingon niya ang paligid at nasa unit pala siya ni Fel. Sinamahan nga pala niya ang kaibigan matulog dito.

“Ayos ka na ba? May tumatawag nga pala sa’yo. Boyfriend mo ata, nahiya naman akong sagutin.” Wika ni Fel.

Kinuha naman niya ang kaniyang cellphone at naka-sampong missed call na nga sa kaniya si Leonard. Alas-singko na pala ng umaga kaya pasikat na rin ang haring araw. Mamaya na lamang muli niya tatawagan ang kasintahan dahil alam niyang tulog pa ito sa mga oras na iyon. Alam niyang kailangan niyang maka-usap si Leonard. Gulong-gulo na siya sa nangyayari. Para bang nakokonsensya siya sa nangyari kay Faith pero hindi niya alam kung bakit, dahil sa amnesia niya.

Nagpaalam na siya kay Fel na babalik na siya sa unit niya total umaga na rin naman. Sa kaniyang paglabas ay napansin niya ang isang babae na naglalakad patalikod. Tila ba galing ito sa unit ni Manang Celia. Inisip niyang baka apo niya itong dumalaw. Bubuksan niya na ang kaniyang pinto ng muntikan pa siyang matapilok dahil sa isang kahon na nakaharang doon. Tiningnan naman niya ito, at dahang-dahang binuksan. Nakita niya ang isang pares na pulang sapatos. Wala siyang naalalang binili na sapatos o kahit na anong padala ngayon galing kung kaninoman kaya naman lubos ang pagtataka niya.

[ Para sa paborito kong kapatid]

Iyan lamang ang nakasulat sa gilid ng kahon. Isang simpleng sulat-kamay na ginamitan pa ng pulang marker.

Doon ay naalala niya ang diary ni Faith na binasa niya kagabi.

Sapatos. Ate. Traydor.

Pilit niya ngayon pinagtutugma ang lahat. Sumakit na naman ang ulo niya sa pag-iisip, kaya naman pumasok na siya ng kaniyang kwarto habang buhat-buhat ang kahon na naglalaman ng sapatos na iyon. Kung paano napunta iyon sa harap ng unit niya ay isang malaking katanungan pa sa kaniya.

Maya-maya ay halos mapatalon naman siya sa gulat ng bigla niyang marinig ang tatlong katok mula sa kanyang pinto.

“Sino iyan?” Tanong niya habang lumalapit sa may pinto.

Apartment 500-E-5I50Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon