Alas-onse nang gabi ng makauwi si Angela sa apartment niya. Sa call center siya nagtatrabaho kaya naman sanay na siyang umuwi ng ganoong oras. Ilang buwan na rin na nangugupahan si Angela sa apartment na iyon, bukod sa mura ay malapit lang sa trabaho niya.
“Good evening, kuya Bojo.” Bati niya sa guard ng building. Laging naabutan ni Angela ang guard na iyon bago pa man makipagpalit ng shifting.
Nagpatuloy na siya sa paglalakad at ngayon ay kalbaryo na naman niyang aakyatin ang ikalimang palapag, dahil doon ang unit niya. Sira ang elevator ng building, at kung minsan nama’y ayos ito. Ngunit makikipagsapalaran ka ba kapag biglang nagloko na naman iyon at na-trapped ka sa loob? Kaya naman, mas mabuti pang maghagdan kaysa umasa sa elevator.
Malaki ang building, at hanggang pitong palapag ito. Ngunit dalawampo lamang ata silang nakatira sa apartment na iyon. Ang ibang unit ay sadyang abandonado na. Hindi na sinadyang ipaayos ng may-ari ang building dahil sa kapos na rin sa pera.
Nang makita niya ang huling hagdan papunta sa unit niya ay kaagad niyang isinuot ang earphone at nagpatugtog. Kinikilabutan kasi siya sa tuwing dadaan sa hagdan na iyon at para bang may bumubulong sa kaniya, kaya naman nakakaaliw na musika ang ginagawa niya. Ayon kasi sa kwento, may aksidenteng nadulas doon na babae at namatay. Tinatawag nga iyon ng ibang tenant na “Patay na hagdan”.
Floor A, ang tawag sa first floor at sa wakas nga ay narating na niya ang floor E.“Hi.” Napatingin naman siya sa nagsalitang iyon sa harapan niya at isang magandang babae pala. Bagong-mukha ito para kay Angela dahil ngayon lang niya nakita. Sa ikalimang palapag kasi ay dalawa lang silang tenant. Iyong isa ay sa 5l56 na medyo may kalayuan na rin sa unit niya. Isang matandang dalaga iyon, si Manang Celia, na kung minsan ay dinadalaw niya at dinadalhan ng pagkain. Minsan lang kasi siya dalawin ng mga kapatid niya at pamangkin.
“Bago ka dito?” Tanong ni Angela at pilit na binubuksan ang pinto niya gamit ang susi. Nagloloko na naman ang pinto at ayaw na naman magbukas.
“Oo, kasama ko friend ko sa room F- 2120 naman siya.” Sagot naman ng dalaga.
“Wow, atleast tatlo na tayo dito sa floor na ito, at katabi ko lang ang unit mo.”
Ngumiti naman siya.
“Angela nga pala.” Pakilala niya sabay abot ng kamay.
“Felicity.” Mahinhin niyang saad at tumungo. Hindi niya kinamayan si Angela, dahil siguro mahiyain ito.
“Matagal ka na sa room na iyan?” Dagdag naman ni Felicity.
Napatingin naman si Angela sa room number niya at 5l51 iyon. “Hindi naman, mag-iisang taon pa lang.”
Sa wakas ay bigla namang bumukas ang pinto niya.
“Gusto mo pumasok? Makalat pero makakahinga ka naman sa loob.”, anyaya ni Angela.
Ngumiti naman ang dalaga saka tumango na mariin. Pumasok na nga sila at kaagad na ibinaba ni Angela ang gamit niya sa kama.
“Bakit nga pala dito sa building na ito mo gusto tumira?” Tanong ni Gela
“May nakapagsabi lang sakin na mura at maayos naman daw.”
“Oo, pero mag-iingat ka rin dito lalo na at maganda ka. Iyong mga taga-B at D ay mga adik iyon. Mababait naman sila pero kapag mga-high hindi ka sasantuhin ng mga iyon. Dati nga hinabol ako ng mga iyon mula B hanggang F buti na lang at nakatago ako. Mga sira-ulo pero hindi naman natin pwede palayasin dahil nagbabayad din naman sila ng renta.”
“Pero wala ka bang nararamdaman na kakaiba dito?” Bigla naman tila may malamig na hangin ang sumimoy.
“Nararamdaman na parang multo?”
“Hindi ba sabi, may namatay na babae sa building na ito at simula noon ay hindi na ipinaayos ang buong unit.”
“Matagal na iyon, at wala naman akong nararamdamang kakaiba.” Pagsisinungaling niya. Hindi naman maaring ikwento niya lahat ang nararamdaman niya sa bagong lipat dahil baka matakot ito at umalis na lang bigla.
“Saka kung mayroon man, ay multo lang naman iyon. Oo, matatakot ka pero hindi ka nila kayang saktan.”
“May point ka naman. Pero ano daw ba talagang nangyari doon sa babaeng namatay?”
Napatitig naman si Angela sa kausap na dalaga, at nag-dadalawang-isip kung sasabihin na doon mismo sa unit ni Felicity nakatira dati ang babaeng namatay, sa E-5l50.
“Hindi ko na rin maalala, kasi nga matagal na iyon. Saka kwento-kwento lang nila sakin dahil hindi ko rin naman naabutan.”
“Kawawa naman iyong babae, sana nabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.”
Sa pagkakasabi ni Felicity ay tila ba nag-echo ang salitang “Hustisya” sa magkabilang tainga niya na halos mabingi siya at dahilan upang mapaluhod. Nanlalambot ang tuhod niya at nanginginig ang buong katawan. Ang nakaraan nga ba ay hindi maitatago?
“Ayos ka lang ba?” Naramdaman niya ang malamig na kamay ni Felicity na humawak sa kaniya dahilan upang bumalik sa katinuan ang pag-iisip niya.
“Oo, ayos lang ako.” Nauutal na saad ni Gela.
Ilang sandali pa at nagpaalam na rin si Felicity dahil sa magpapahinga na rin ito.
“Next time ako naman bibisita sa unit mo.” Saad naman ni Angela bago tuluyang magpaalam sa bagong kakilala.
Hanggang sa paghiga niya sa kama ay naririnig niya pa rin ang sinabi ni Felicity. Halos hindi siya makahinga at nanlalambot pa rin ang tuhod. Bakit nga ba parang nilalamon na siya ng konsensya niya? Ano nga ba talagang nangyari sa Apartment 500-E-5l50?
BINABASA MO ANG
Apartment 500-E-5I50
Mistério / SuspenseHumandang tuklasin ang kababalaghan sa hitsurang abandonadong gusaling tinitirhan ng dalagang si Angela. COMPLETED ©mixhaelle2017