Kabanata 5

1.5K 48 0
                                    

Inihatid na ni Leonard si Angela sa tapat ng apartment nito dahil sa biglang pinatawag siya ng amo niya sa trabaho. Pumuslit lamang kasi siya ng konting oras para makasama ang dalaga. Bakas naman ang saya sa mukha ni Angela dahil sa pagsasama nila na iyon ni Leonard. Paakyat na siya ng hagdan, ng mapansin niya si Felicity na pumasok sa elevator. Naisip niyang pigilan ang dalaga dahil baka biglang masira na naman iyon, ngunit sa halip na mapigilan niya iyon ay napapasok siya sa loob at sinamahan na lang si Felicity.

“Madalas na magloko ang elevator na ito. Dito ka ba madalas paakyat?” ani ni Angela

Napatango naman si Felicity bilang tugon. “Boyfriend mo ba iyon?” Napaisip naman bigla si Angela saka ngumiti at sinagot ang tanong na iyon. “Ay oo, si Leonard.”

“Mukhang mabait siya, bagay kayo.”

“Ay salamat. Ikaw may nobyo ka na ba?”

“Dati.” Maikling sagot ni Fel

Nahiya naman ng usisain pa ni Angela ang buhay pag-ibig ni Felicity kaya tumahimik na lamang ito. Ilang sandali pa ay napansin niya ang pakislap-kislap ng ilaw sa loob ng elevator. Kinabahan naman siya dahil tila masisira na naman ito. At ilang segundo pa nga ang nakalipas ay tumigil ito at namatay ang ilaw sa loob.

“Sira na naman.” Naiinis na tono ni Angela. Napatingin naman siya kay Felicity ngunit wala lang itong karea-reaksyon sa nangyayari.

“Pero buti na lang at may kasama ako, kaya hindi ako medyo natatakot. Ayos ka lang ba, Fel?”

Hindi pa rin umimik ang dalaga. Hindi naman ganoon kadilim sa loob ng elevator kaya kitang-kita niya pa rin ang ito. Isa pa ay napapalibutan ito ng salamin kaya naman buong katawan ay kitang-kita niya. Nakatungo lang ito at tahimik sa sulok. Tila ba problemado na tulala na hindi niya maipaliwanag ang hitsura ni Felicity ngayon.

Naisipan naman ni Angela pindutin ang emergency button ng elevator at umaasa pa siyang makakatulong ito sa kanila sa sitwasyon ngayon. Bukod kasi sa luma na ang elevator ay wala ng maintenance ang mga pasilidad. Kinuha niya rin ang kaniyang telepono upang makahingi ng tulong ngunit pagtataka niyang walang signal sa loob niyon.

“Ano ba naman kasing elevator ito!” Inis niyang saad habang itinataas ang cellphone na tila ba naghahanap ng signal. Palibot-libot siya sa maliit na espasyo na iyon, hanggang sa nagulat siya sa kaniyang paglingon ay nakatitig si Felicity sa kaniya. Nanlilisik ang mga mata nito na ilang dangkal na lamang ang layo sa kaniya. Napansin niya rin na namumutla at pinagpapawisan ito. Sa kaniyang pagtatangkang hawakan si Fel upang alamin ang temperatura nito ay malakas naman siyang itinulak nito palayo. Nagimbal siya na may tinatagong lakas pala ang dalaga kaya naman napatingin siya rito at patuloy pa rin ito sa pagtitig sa kaniya.

“Fel,ayos ka lang ba?” Tanong niya habang kasalukuyang naka-upo pa rin sa gilid.

“Paano mo nagagawang maging masaya kung ang ibang tao ay nalulungkot dahil sa’yo?” Galit na tono ni Felicity. Ngayon lang niya narinig magsalita ng ganoon si Fel at hindi niya pa iyon maiintindihan.

“Kukunin ko rin ang lahat sa’yo, gaya ng pagkuha mo ng lahat na mayroon ako.” Dagdag pa ni Felicity.

Napansin naman ni Angela ang unti-unting paglapit sa kaniya ng dalaga na tila ba sasakalin siya nito dahil sa naka-ambang mga kamay. Doon ay pinilit niyang makatayo, ngunit para bang kinakain ang lakas niya at siya ay nanlalambot.

“Fel, ano bang nangyayari sa’yo? Hindi kita maintindihan.” Naiiyak niyang tono. Kinakabahan na siya dahil tila ba sinasapian ng kung anong elemento ang kasamang dalaga.

Hanggang sa tuluyan na ngang sakalin siya ng dalaga at kahit anong pilit niyang pagkalas ay kulang ang lakas niya dito. Ibang-iba sa kilala niyang mahinhin na si Felicity ang babaeng sumasakal sa kaniya ngayon.

“Sino ka ba? Huwag mo gamitin ang katawan ni Felicity.” Malakas na wika ni Angela. Isang malaghong tawa naman ang isinagot ng dalaga at doon ay mas humigpit pa ang pagkakasakal sa kaniya.

“Felicity, ako ito si Angela. Lumaban ka!”

“Hindi ako si Felicity, ako si Faith!” Isang malakas na sigaw ng dalaga matapos ay tuluyan na itong nawalan ng malay.

Ilang minuto pa ay para bang may kung anong mahikang bigla na lamang bumukas ang pinto ng elevator at saktong nasa floor E na sila. Pinilit niyang gisingin si Fel ngunit wala pa rin itong malay, kaya naman binuhat niya ito ng buong-lakas patungo sa unit niya. Inaapoy ng lagnat si Fel kaya siguro mabilis siyang nasapian ng kung anong elementong nagpakilalang si Faith. Inihiga niya ito sa kaniyang kama saka nilagyan ng basing bimpo sa may noo. Awang-awa siya sa dalaga dahil sa kalagayan niya. Natatakot man siya ngunit nilalakasan niya ang loob niya dahil sa walang ibang mag-aasikaso kay Fel.

Si Faith. Ilang taon na ang nakakalipas ngunit bakit hindi pa rin siya nanahimik? Si Faith na dating tenant sa inuupahang unit ni Fel ngayon. Namatay ito sa tinatawag na patay na hagdan sa floor E. At posibleng dahil si Fel na ang bagong tenant sa unit niya ay siyang sinapian, pero ano pa nga ba ang gusto niyang mangyari?

Apartment 500-E-5I50Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon