Kabanata 11

1.3K 40 1
                                    

Kinabukasan, bagong umaga para kay Angela. Isang panibagong araw na alam na niya ang lahat Nagbalik na nga ang ala-ala niya. Ngunit may mga ilang bagay pa rin siyang hindi maintindihan. Ilang bagay na alam niyang kailangan pa niyang matuldukan na.

Tinawagan niya si Leonard upang makipagkita. Noong una ay hindi pa ito pumayag dahil sa madaming idinadahilang trabaho ngunit kinalaunan ay nakumbinsi rin ni Angela. Pinapunta niya ito sa unit niya. Kailangan niyang mabigyang kasagutan ang ilang katanungang gumugulo pa sa isipan niya.

“Sorry babe, tinapos ko muna pinapagawa ng boss ko bago ako makapunta dito. Bakit, ano bang problema at parang biglaan mo naman ata akong namiss.”

“Masama bang mamiss ng girlfriend niya ang boyfriend nito?”

“Ha? Hindi naman.” Nauutal pang saad ng binata.

“Gaano mo ako kamahal?” Deretsong tanong ni Angela.

“Ano bang klaseng tanong iyan.” Sambit ni Leonard habang umiinom ng tubig.

“Bakit ka nagpanggap na boyfriend kita? Bakit mo pinalabas na minahal mo ako?”

“Angela, ano ba ang sinasabi mo?”

“Naalala ko na lahat, Leo. Boyfriend ka ng bestfriend ko at ni minsan ay hindi pa tayo nagkakilala noon. Paanong naging boyfriend kita?”

“Kasi, well siguro nga kailangan mo na talaga malaman ang katotohanan. Alam kong mahalaga ka kay Faith, at alam ko rin na wala ka ng ibang pamilya bukod sa itinuturing mong kapatid na si Faith. Kaya paggising mo noon na wala kang maalala, wala akong ibang maisip kung hindi sabihin na boyfriend mo ako. Sorry.”

Halos mapa-upo naman si Angela sa narinig niyang sinabi ni Leonard na iyon. Ang lalaking natutunan na niyang mahalin ay matagal na palang nagpapanggap lang. At ang buong inaakala niyang naagtaksil siya sa kaibigan niya ay hindi pala totoo.

“Si Faith, naalala ko na kung paano siya namatay.”

“May sakit si Faith.”

“Hindi siya baliw, Leonard! Totoo, pinamamahayaan ng demonyo ang apartment niyang ‘yon!”

“Pwede ba, Angela. Pati ba naman ikaw naniniwala sa mga ganyan.”

“Maniwala ka, totoo ang sinasabi ko.”

Ilang sandali pa ay narinig nila ang isang hiyaw ng babae sa katabing apartment. Napatakbo siya roon ng mapagtanto niyang boses iyon ni Felicity. Pilit nilang binubuksan ni Leonard ang pinto ngunit nakasarado ito at kahit anong pagpupumilit nilang sirain ang pinto ay hindi sila nagtatagumpay.

Nakakailang hiyaw pa si Fel sa loob at mas lalong hindi na mapakali si Angela. Bukod sa hindi niya alam kung anong misteryo ang nangyayari kay Fel ay hindi rin niya alam ang gagawing paraan upang mabuksan ang pintong iyon.

Nakarinig sila ng isang malaghong na halakhak na mas lalong ikinabahala ni Angela.

“Fel.. Fel..” Pagkatok niya ng malakas sa may pintong iyon.

“Tatawag na akong pulis at security guard sa ibaba.” Saad ni Leonard. Paalis n asana ito ng pigilan siya ni Angela.

“Walang magagawa ang pulis dito. Demonyo ang kalaban natin kaya pari ang tawagin mo!”

“Tigilan mo na sinabi ang mga kahibangan mo, aalis na ako.”

At sa isang iglap ay unti-unting nagliyab ang loob ng apartment at nadadamay na rin ang ilang katabing unit doon. Naalala ni Angela ang sinabi ng kaibigang si Faith sa kaniya noon, “Umalis ka na dito. Iligtas mo si Felicity. Susunugin niya ang buong gusali kaya umalis na kayo!”

“Tulong” Boses mula sa apartment ni Manang Celia.

Napalingon naman si Angela sa direksyon na iyon at nakita ang nagliliyab na apoy.

“Leonard, si Manang Celia tulungan natin!” Naiiyak na saad ng dalaga.

“Ako na ang bahala kay Manang Celia, umalis ka na!”

Halos lamunin na ng apoy ang buong floor E, pero patuloy pa rin si Angela sa pagsira ng pinto ng Fel para naman mailigtas ang dalaga. Ilang suntok, sipa at pwersa ang kaniyang ibinuhos upang mabuksan ang pinto at dahil na rin sa nasusunog na ito ay tuluyan na rin siyang nakapasok sa loob. Nakita niyang nakahiga sa Fel sa sahig at wala na itong malay.Kaagad naman niya itong nilapitan at hindi ininda ang mainit na apoy na paligid.

“Fel, gising!” Tinapik-tapik niya pa ang dalaga habang pilit na binubuhat.

Nakatayo na silang dalawa habang kasalukuyang naka-akbay pa rin si Fel kay Angela at wala pa rin itong malay. Doon ay mistulang napapalibutan na sila ng apoy at tila ba wala na silang kawala sa apartment na iyon. Palinga-linga si Angela habang humahanap ng paraan upang makalabas sa nagliliyab na unit.

“Gela…” Nanghihinang saad ni Fel. Nilingon naman siya ni Angela at doon ay parang nabunutan siya ng tinik at nalaman niyang ayos na si Fel.

“Aalis na tayo dito, okay.” Saad ni Angela

“Hindi siya tao, tama ang ate. May demonyo sa unit na ito.”

“Alam ko. Alam ko. Tahan na!”

“Buong akala ko, ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya. Sorry.” Biglang pagyakap ni Fel kay Angela.

“Huwag mo na isipin ‘yon. Ang mahalaga ay makaalis na tayo dito.”

Nakakailang-hakbang na sila patungo sa pinto palabas nang biglang sumiklab ng malakas ang nagliliyab na apoy, dahilan iyon upang mapaupo silang dalawa. Kapwa nahihirapan na silang makahinga dahil sa kapal ng usok na namumutawi sa apartment. Buong lakas naman na itinulak ni Angela si Fel palayo sa kaniya ng makita niyang mababagsakan sila ng nag-aapoy na kisame. At ngayon nga ay napapagitnaan na sila ng nasusunog na kagamitan.

“Hindi na kayo makakaalis sa apartment na ito!” Isang malakas at malaghong na boses na hindi nila matanto kung saan nagmumula.

Nanghihina na si Angela, bukod sa init ay hirap na rin siya makahinga. Pakiramdam niya ay ilang sandali na lang at mawawalan na siya ng malay. Pilit niyang inaaninag ang umiiyak na si Fel sa kabilang banda ng silid. Wala na siyang magawa.

“Gelay, iligtas mo ang kapatid ko.” Hindi niya maipaliwanag ngunit alam niyang boses iyon ni Faith.

Paano? Paano niya magagawang iligtas si Fel kung mismong sarili niya ay hindi na niya magawang iligtas?

“Umalis na kayo, iwanan niyo na ako dito.” Boses ng isang umiiyak na babae.

“Faith? Tulungan mo kami, paano kami makakaalis dito?”

“Angela!” Narinig nilang sigaw mula sa labas, boses iyon ni Leonard.

“Ako lang ang gusto niya at gusto niya kalimutan niyo na ako.”

“Faith… Faith!” Sigaw ni Angela ng makita niya si Faith sa harap niya. Nakalutang ito sa nagliliyab na apoy.

“Ipangako mong aalagaan mo ang kapatid ko.”

“Angela, halika na!” Naramdaman na lamang ni Angela na may nagbuhat sa kaniya palabas ng apartment na iyon.

Tulala pa din siya habang kinakausap ng mga pulis at inaasikaso ng mga doctor. Kasalukuyan silang nasa labas na ng gusali, at ang mga bumbero ay abala na sa pagpuksa ng apoy ng hindi madamay ang kapalit na gusali nito.

Napatingin naman siya sa gusaling iyon, at doon nakita niya sa Faith na nakatayo at nagpapaalam sa kaniya. Habang-buhay na lang ba siyang magiging alipin ng demonyong kumuha sa kaniya?

Salamat Faith, hanggang sa huli iniligtas mo pa rin kami.

Apartment 500-E-5I50Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon