Ilang araw na ang nakakalipas simula ng masunog ang gusali pero nanatili pa rin itong nakatayo. Ngayon nga ay tuluyang abandonado na ito. Laking pasalamat nila dahil walang namatay sa nangyaring sunog na iyon. Si Manang Celia ay nakalabas na rin ng hospital at dineretso na siya sa tirahan ng mga matatanda. Dumadalaw si Angela doon kasama si Felicity paminsan-minsan. Ilang linggo na lamang ay uuwi na rin si Fel sa kanilang probinsya, ngayon nga raw na nabigyan na ng sagot ang pagkamatay ng kaniyang kapatid.
Naisipan naman nilang pumunta sa isang ispiritista upang makahingi ng kaunting kasagutan sa mga nakakabaliw na pangyayaring iyon.
“Saan kamong lugar iyon?” Tanong ng matandang ispiritista
“Sa Apartment po na tinitirhan ng kaibigan kong si Faith.” Tugon naman ni Angela.
Magkahawak ang mga kamay nilang apat habang nakaupo sa pabilog na mesa. Siya, si Leonard, si Fel at ang matanda. Napansin nila ang pagpikit at tila pa pagcconcentrate ng nasabing ispiritista, at wala silang nagawa kung hindi sundin ang utos nitong pumikit rin.
“Kahit anong mangyari, huwag na huwag kayong bibitiw sa paghahakaw sa isa’t-isa. Tibayan niyo ang loob niyo.”
Natatakot man ay wala na silang ibang alam gawin kung hindi magtatapang-tapangan dahil sa nais na rin nila itong matapos na.
“Ang apartment na iyon, nakikita kong maraming kaluluwa ang naninirahan doon.” Nanginginig na tono ng matanda.
“Sabihin nga sa’kin ang pangalan ng apartment.”
“Apartment 500-E-5l50 po.”
“Napakatalino naman ng nagpangalan ng gusali iyan. Talaga naman pamamahayan ng masasamang ispirito dahil sa pangalan pa lamang.”
“Ano pong ibig niyong sabihin?”
“Sa Roman Numerals, ang D ay 500 hindi ba?” ani ng matanda.
“Kung 500 ang D, at nasa fifth floor ito which is E, ang 5 ay V, ibig sabihin hindi iyon 1 kung hindi malaking titik na I, at ang huli ay 50 kung saan ito ay L?” Pag-uusisa ni Angela.
“Apartment DEVIL?” pagkompira pa ni Felicity
Bigla naman nangisay ang matanda na tila ba sinasapian ng kung anong elemento matapos banggitin ni Fel ang kabuang pangalan ng apartment na iyon. Isang malakas na halakhak ang isinaad ng matandang ispiritista. Nararamdaman nila ang pagwawala nito ngunit buong lakas silang hindi bumibitaw sa paghawak-kamay. Ilang minuto pa ay kumalma na ang matanda at tila bumalik na sa katinuan.
“Malakas ang ispiritong nandoon sa lugar na ‘yon. Matatalo niyo lamang ito kapag sumanib na ito sa katawang tao. Doon, katulad ng isang tao ay maari rin siyang mamatay.”
“Mag-iingat kayo, dahil ang dyablo ay gagamitin ang kahinaan niyo upang matalo niya kayo.”Dagdag pa ng matanda.
“Kailangan din ninyong mapabasbasan sa pari ang lugar na iyon dahil habang-buhay itong hindi matatahimik.
Hanggang sa pag-uwi ay iniisip pa rin nila ang bilin ng matanda sa kanila. Wala naman masama kung hindi nila sundin ang mga ibinilin nito. Para na rin sa patuloy na pagtahimik ng kaluluwa ng kaibigan niyang si Faith, nagdesisyon silang bumalik sa gusaling ‘yon.
“May your holy spirit rest in peace!”
“Amen!”
Kasalukuyan nilang pinabendisyunan ang loob at kabuan ng gusaling iyon. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa kanila ang ngiti at ala-ala ni Faith sa kabuohan ng apartment. Napayakap naman sa kaniya si Fel at tiningnan naman niya ang dalaga.
“Tapos na Fel. Tapos na. Sana manahimik na rin ang kaluluwa ng kapatid mo.”
“Bakit sa dinami-dami naman si ate pa ang kinuha niya?” Naiiyak na tugon ni Fel.
BINABASA MO ANG
Apartment 500-E-5I50
Mystery / ThrillerHumandang tuklasin ang kababalaghan sa hitsurang abandonadong gusaling tinitirhan ng dalagang si Angela. COMPLETED ©mixhaelle2017