Chapter 3: The Meeting

4.8K 69 0
                                    

 

Pagpasok ni Hiroki sa kanilang mansyon ay nakatitig sa kanya lahat. Pakiramdam niya ay mabigat ang atmosphere sa loob. He was expecting it anyway. Nalaman na ng pamilya Rivera ang tungkol sa pagdadalang tao ni Ashley. As expected, galit na galit ang Ninong niya. Gusto nitong magpakasal sila. Pero, pinanindigan pa rin niya ang desisyon niya na hindi niya ito pakakasalan.

“What’s with your faces?” sabi niya. Nilapitan niya ang Mama niya at ang babaeng kapatid niya upang halikan sa pisngi. Ang Papa naman niya ay tinanguan lang niya.

“What’s happening to you Hiro?!” tinignan lamang niya ng masama ang Papa niya. Here they go again.

“Leave it to me, Papa.” They are not in good terms. Aminado naman siya doon. Mahilig kasi ang Papa niyang makialam sa buhay niya.

“Hijo, what’s your plan?” sabi ng Mama niya na halatang nag-aalala sa kanya.

“I don’t know but one thing is for sure. I will not marry her.”

“Fuck!” isang suntok ang tumama sa kanyang kaliwang pisngi.

Hinarap niya ang kanyang ama. “I know what I am doing, Papa. Please excuse me.”

Hindi pa man siya lubos na nakakalayo ay nagsalita ulit ang Papa niya. “If something bad happen to you, forget you have a family. Do what you want, Hiro.”

As always. Hindi na siya nagtaka sa tinuran ng Papa niya. Kahit kailan talaga ay hindi siya nito nagustuhan at ganoon din siya. Galit siya rito dahil ilang beses na nitong sinira noon ang kanilang pamilya. Her father was a cheater!

Tuloy tuloy siyang umakyat sa kwarto niya. Bukas na bukas din gagawa na siya ng paraan.

[AMIA’S POV]

“Aling Flora, ito na ‘ho ‘yung pinalabhan n’yo.” Matamis na nginitian ni Amia ang matanda. Isa ito sa mga suki niya. Ito naman ay tuwang tuwa sa kanya dahil gandang ganda ito sa kanya.

“Naku, Amia. Maraming salamat at hinatid mo pa sa akin. Dapat ay hinintay mo nalang ang uutusan ko. Ang dami dami nito, oh. Ang bigat bigat pa.”

“Wala ho iyon. Malakas po kayo sa akin, eh.”

Pinaupo siya nito. “Ang ganda ganda mo pa naman tapos nagbubuhat ka ng ganito kabigat. Kung nag-aasawa ka nalang kasi. Wala ka pa bang sinasagot sa mga manliligaw mo?”

Umiling-iling siya. “Wala pa po sa isip ko ‘yan.”

“Pero mabuti na ‘yan dahil kung ang magiging nobyo mo lang naman eh taga rito aba eh ‘wag ka nalang mag-nobyo. Sayang ang ganda mo kung mga kalalakihan lang dito ang mapapangasawa mo.Nakooo, kehihirap natin dito. Ang gusto ko sa’yo ay makahanap ng lalaking mayaman at gwapo.”

“Kahit hindi po mayaman o hindi gwapo basta nagmamahal po kami ayos na sa akin iyon, Manang. Sino lang po ba ako para maghanap ng gwapo at mayaman?”

Inabot nito sa kanya ang bayad sa kanyang paglalabada. “Oh siya siya...Ito na ang bayad, Hija. Maraming salamat ha! Sa uulitin. Kapag nagka-boypren kana ‘wag mong kaligtaang ipakilala sa akin ha!”

Nag-mano siya rito. “Oho. Sige po salamat po. Sa uulitin po ulit ha!”

Ngingiti-ngiti siya habang binabagtas ang kahabaan ng daa papunta sa kanyang bahay. Madadagdagan na naman ang ipon niya sa kanyang alkansiyang kawayan. Minsan lamang malagyan iyon dahil minsan lang naman ang dating ng pera sa kanya. Naglalabada siya at nagtatali ng mga gulay na iniluluwas sa Maynila. Ganoon ang ikinabubuhay niya at karamihan sa kanilang nayon.

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon