Chapter 2

52.6K 1.3K 29
                                    

TAHIMIK na lumakad si Lacey patungo sa emcee. She's wearing an off-shouldered roseyellow gown with soft lace ruffles sa laylayang dalawang layer na skirt at bagay sa edad niya. Kinuha ang mikroponong inabot ng emcee na isang faculty member ng college department.

"You're only sixteen. Miss Bernardino. How do you think you will fair with the other candidates?"

Bahagya siyang nagkibit ng mga balikat kasabay ng pagngiti. "Fairly well..."

"Pareho ang tanong, Miss Bernardino. Do you think you're beautiful enough to win in this contest?"

Sinulyapan ng dalagita ang audience at ang mga judge sa harap bago sumagot. "Beauty is in the eye of the beholder. The judges will decide who is the fairest among us all."

Bahagyang ikiniling ng emcee ang ulo at ngumiti. "Do you have a boyfriend, Miss Bernardino?" Umiling si Lacey. "Crushes?" dagdag ng nagtatanong.

She smiled softly. "Some..."

Naintriga ang emcee. "Some? Puwede mong sabihin ang isa o dalawa sa mga crushes mo?"

Itinuon ng dalagita ang paningin sa paligid. Hindi alam kung bakit siya sumulyap sa audience. May hindi tiyak na hinahanap ang mga mata.

Sa pagitan ng maraming estudyante at mga bisita, sa kanang bahagi ng auditorium ay nahuli ng kanyang paningin ang isang pares na mga mata, dark and expressive. Watching her with a challenge in his eyes.

Ilang beses na ba niyang nakita ang mga matang iyon na hindi sinasadyang nahuhuli niyang laging nakatitig sa kanya from a distance?

Sa school canteen, sa library, sa mga shaded bench at sa iba pang lugar na hindi niya matiyak kung bakit naroroon ito gayong magkaiba sila ng antas. They were both stealing glances with each other from afar.

Noong una'y inisip niyang hindi sinasadya ang minsang pagsasalubong ng mga paningin nila isang beses na nasa library siya. Pero minsang nasa canteen siya kasama ang best friend at classmate na si Yda ay naroon ito. Three tables away from their table, kasama ang dalawang barkadang lalaki at isang babae na nakadikit na halos dito.

Sa pagitan ng pag-inom ng soft drinks ay hindi nito itinatagong tinititigan siya. Ganoon din ang babaeng kasama nito na sabi ni Yda ay kapitbahay nito. Pinaghalong inis at amusement ang nakikita niya sa mukha ng babae.

At ngayon nga ay hindi niya inaasahang naroon ito at nanonood. Beauty contest just isn't his style. Kasabay ng hindi maipaliwanag na pag-o-overspeeding ng tibok ng puso niya ay agad na iniwas ng dalagita ang paningin at ibinalik sa emcee.

"Elvis Presley and Antonio Banderas," wala sa loob na sagot niya sa nagmamadaling paraan. Kung obvious iyon sa pandinig ng lahat ay wala siyang pakialam.

Napataas ang mga kilay ng nagtatanong. "Very typical sa mga teenagers. Now, how do you define love?"

She pouted her lips a little na parang nag-iisip. Hindi niya gustong ibaling ang paningin sa dakong iyon ng auditorium. Nararamdaman niya ang mga titig nito.

"Maraming uri ng pag-ibig but my kind of love is long suffering and kind... does not look for its own interest... hindi nagbibilang ng mga kamalian but hopes and bears all things."

Isang matunog na palakpakan ang narinig mula sa audience na ang pinakamalakas ay nanggaling sa high school department.

Si Rigo ay tahimik na nakatitig lang sa dalagita. Sinadya ba ni Lacey na mapatingin sa dako niya? Na ihinto ang tingin sa kanya? Did she take notice of his presence already?

May bahagyang pag-asang nadama ang binata.

"A very matured definition para sa isang sixteen year old. Thank you, Miss Bernardino..."

Tatlong contestant pa ang sumunod na tinawag at tinanong ng pare-pareho. At pagkatapos ng mahabang sandali habang hinihintay ang resulta mula sa mga hurado ay sinabi ng emcee ang mga premyo.

"Dalawang taong scholarship, five thousand pesos worth of gift certificates at ang karangalang maging Miss St. Ignatius College sa loob ng isang taon," pahayag nito.

Makalipas ang ilang sandali ay isa sa mga judge ang pumanhik sa stage at iniabot sa emcee ang sobre.

"Tulad ng alam ng lahat, hindi tayo pumipili ng runner-ups. Iisa lamang ang mananalo at iyon ang tatanghaling Miss St. Ignatius College..." Unti-unti ang ginagawang pagbubukas nito sa sobre. Nang mabuksan ay kinuha ang kapirasong papel at binasa. Ngumiti ito.

"Ito ang ikalawang pagkakataon sa pagkakatanda ko na may nanalo sa department na ito. Ang huli ay mahigit ng limang taong nakalipas na pinanalunan ni Kimberly Antonio na isa na ngayong may-bahay ng dati ring alumnus, si Renz Marzan..." pahayag nito sa pag-iisip ng ibang mga estudyante.

Ang ibang mga nakatanda ay naghiyawan at nagpalakpakan. Ang mga teacher ng high school department ay sabay-sabay na nagpalakpakan.

"Our winner, ladies and gentlemen..." Tambol ng drum ang maririnig. "... averaging a score of 90.8 ay galing sa high school department, Miss Lacey Bernardino!"

Palakpakan at sunod-sunod na pagkakaingay ang umiral sa loob ng auditorium habang ibinibigay ng nakaraang winner ang korona at sentro kay Lacey.

Sweetheart Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon