NAKATITIG si Augusto kay Rigo na hindi umiiwas ng tingin. Bakas sa tinig ng matandang lalaki ang pagpipigil ng galit.
"Sinabi ninyo sa akin, Daddy, na imbitahin ang lahat ng mga kaibigan at classmates ko," sagot ng dalagita. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Rigo, unconsciously. Pinisil ng binata ang kamay niya to reassure her.
"Huwag mo akong pilosopohin, Lacey," patuloy ni Augusto. Sinisikap nito na kalmahin ang mukha dahil sa mga bisitang naroroon. "Alam mong hindi ko gustong papuntahin mo rito ang lalaking iyan," dugtong nitong sinulyapang muli si Rigo. "At ikaw, dela Serna, hindi ko maintindihan kung saan ka kumuha ng lakas ng loob na dumalo rito."
"Your daughter invited me, Sir," binigyang-diin nito ang huling salita. "At sa pagkakaintindi ko, party niya ito."
Nag-igting ang mga bagang ng matanda. "Party niya o hindi, dela Serna, hindi kita gustong tumuntong kahit sampung hakbang malapit sa propriyedad ko! Umalis ka na ngayon din," wika nito sa kontrolado at mahinang tinig para hindi marinig ng iba."
Nilingon ni Rigo si Lacey. "Do you want me to go?"
Nanlaki ang mga mata ni Augusto. "Lacey!"
Umiling ang dalagita. "Ayoko, Daddy. At hindi ka maaaring gumawa ng eksena. Alam kong mahihiya kang gawin iyon sa harap ng mga bisita ninyo," muling humigpit ang hawak ni Lacey sa kamay ng binata at inakay ito palayo sa amang natitiyak niyang nagpupuyos sa galit.
"Ang tapang mo, ha?" amused na wika ni Rigo kay Lacey. "And I'm impressed,"
"Akala mo lang iyon. Tara sa beach," yakag niya na humakbang patungo sa likod-bahay. Pinigilan siya ni Rigo.
"Huwag, Lacey. Hindi ako natatakot sa Daddy mo at kahit na sino pang tao dahil wala akong ginagawang masama. Pero ayokong hamunin ang galit niya. Party mo ito at obligasyon mong harapin ang mga bisita mo. Go back, aalis na ako."
"Rigo...?" Nagtatanong ang mga mata niya. Hindi niya gustong umalis ang binata. Wala siyang pakialam sa party.
"Magkita na lang tayo bukas sa campus. Sige na."
"Hindi na tayo makakalabas pag vacant period. Natitiyak kong pababantayan ako ng Daddy," nag-aalala ang tinig niya.
Isang ngiti ang pinakawalan ng binata. Itinaas ang mukha niya. "Magkikita tayo. Maraming paraan," hinaplos ng thumb finger nito ang mga labi niya. Pagkatapos ay tumalikod at humakbang patungo sa nakaparadang motorsiklo.
Huminga nang malalim si Lacey. Kinawayan ang binata nang lumingon ito. Sinundan niya ng tanaw ang papalayong motorsiklo.
"Bilib ako sa boyfriend mo na iyon, Lacey," si Yda na ang mga mata'y nakasunod din ng tanaw.
Bored na binalingan ng dalagita ang kaibigan. "Sana'y matapos na ang party na ito. Gusto ko na ngang pumanhik sa itaas, eh."
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Yda. "You are that in love? Hindi ako makapaniwala. Umalis lang si Prince Charming, boring na bigla ang paligid."
Napahiya nang kaunti ang dalagita.
"Pinaalis ba siya ng Daddy mo?" patuloy ni Yda.
"Yes. Pero hindi dahil sinabi ng Daddy kaya siya umalis. Alam niyang hindi ako mag-e-entertain ng ibang bisita habang narito siya and he thought it unfair. Oh, Yda... Bakit kailangang maghirap si Rigo? At bakit kailangang maging matapobre ang Daddy? Kung buhay ang Mommy, sana'y..."
Inakbayan ni Yda ang kaibigan, "C'mon... makipagsayaw ka sa mga guwapong taga-St. Vincent College. Huwag mong i-spoil ang gabing ito. At saka, ilang taon lang ba tayo, ha, Lacey?" console nito. Bagaman halos dalawang taon ang tanda nito kay Lacey. "Puppy love lang iyan and it is good while it lasts. Part of growing up."
Hindi siya sumagot. Puppy love. Iyon nga lang ba ang nararamdaman niya kay Rigo. Would she really outgrow the feelings? Hindi niya kayang isiping hindi na niya mahal si Rigo kahit sa ilang sandali. Ngayon pa lang ay may hapdi na siyang nararamdaman sa kaibuturan ng puso niya.
"At 'pag nasa college ka na sa Maynila, natitiyak kong makakatagpo ka ng bagong crush. Ang guguwapo yata ng mga taga-Ateneo. And believe me, Rigo will fade from your memory..." patuloy nito na nabigla sa sinabi at huli na para bawiin dahil biglang humarap si Lacey sa kaibigan.
"Maynila?" nagtatakang wika ni Lacey. "Bakit ako magka-college sa Maynila?"
"Ah... eh..." Nagkibit ng balikat si Yda. "I just assumed."
Hindi mapahinuhod si Lacey. "Bakit mo nasabi iyon?"
"Oh, w-well..."
"Yda..." mariing bigkas ng dalagita sa pangalan ng kaibigan.
"N-nabanggit ng Daddy mo kanina. This party, I guess, parang despedida na rin sa mga kaibigan mo."
Totoong nabigla si Lacey doon. May mga pahiwatig na sa kanya si Augusto na gusto nitong pag-aralin siya sa Maynila pero hindi niya naisip na tototohanin ng ama.
"Halika na sa loob. Ayan pala si Jeffrey, eh."
"Saan ba kayo galing dalawa?" salubong nito. "Sino ba iyong guy na kasayaw mo, Lacey? Bakit tila mainit yata ang ulo ng erpat mo roon?" sunod-sunod na tanong nito.
"Isa sa mga college boy ng St. Ignatius at kaibigan namin," sagot ni Yda. "Well anyway, tara sa loob at nasasayang ang oras."
"C'mon, Lacey." Hinawakan ni Jeffrey ang siko niya.
Walang kibong sumunod ang dalagita.
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 2
Romance"My old faded blue jeans would be out of place. It'll never fit into your world of lavander lace." The infamous Rigo dela Serna ng Engineering Department. Super-guwapo, ex-scholar, star-player at playboy numero uno. Pero para kay Lacey, Rigo is a...