CALM down, honey," ani Steve at dinala sa dibdib ang dalaga. Hinaplos nito ang likod niya.
Ilang sandali ang lumipas bago nakalma si Lacey.
"Thanks, Steve. Hindi ko alam na masasaktan ako nang ganoon and I'm sorry to have broke down like that. Mabuti na lang at deserted ang kalye." Nagpatiuna siyang pumasok sa loob ng kotse. Sumunod ang binata.
"Sometimes I wanted to give Mr. Fate a knock on the head," matabang nitong sinabi at pinaandar ang sasakyan. "If that was the guy, goodness, Lacey, he is as handsome as the devil! I'll fall in love with him myself. Sa kabila ng mga grasa at maruming T-shirt, ha?"
Suminghot ang dalaga at ngumiti sa kabila ng lahat. Inabot niya ang tissue paper sa dashboard at muling nagpunas ng mga mata. "Nangako kang hindi kikilos ng kakaiba dito, Steve," babala niya sa binata.
Nagkibit ng balikat si Steve. Ngumiti. "Hindi ko mapigil, darling. But I behaved, didn't I?"
"Muntik mo nang ilabas ang tunay mong pagkatao nang matitigan mo si Rigo," sagot niya. At muling bumalik ang isip dito. May asawa na ba si Rigo?
May matalim na sakit na gumuhit sa dibdib niya sa naisip na iyon.
ITINAAS ni Rigo ang dalawang binti sa mesa at pinagpatong. Inihilig niya ang sarili sa sandalan at tumingin sa kisame.
Sa wakas, nagkita sila makalipas ang anim na taon. At gusto niyang sipain ang sarili sa kagaguhan niya. Hindi niya mapigil ang hindi ma-shock sa hindi inaasahang pagkikitang iyon.
And she's even prettier... lovelier. Gone is the young girl that he loved so much. Ang dalagitang si Lacey na pinangarap niyang pakasalan at handugan ng lahat-lahat sa buhay niya pagdating ng takdang panahon.
I thought you loved me, you said you loved me.
We planned together to dream forever
The dream has ended for true love died.
The night a blossom fell and touched your
lips that lied.
Nang pumasok sa isip ang kasamang lalaki ni Lacey ay nagtagis ang mga bagang niya. At ipinakilala siyang old friend!
Boyfriend marahil. Dahil wala siyang nakitang wedding ring. Sa halip ay naroon pa rin ang singsing niya. Lalo lang iyong nagdulot ng pait sa dibdib.
Inilabas niya mula sa poloshirt ang kuwintas na kinaroroonan ng singsing ng dalagitang nagbigay niyon sa kanya. Who vowed to love him for the rest of her life. Na nakaukit siya sa puso nito.
Mapait siyang napangiti sa alaala six years ago.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang kumatok at pumasok si Arnel. May hawak na folder ang binata. Umupo ito sa silya sa harap ng mesa. Ni hindi niya ibinaba ang mga binti. Hindi rin kumikilos sa pagkakahilig.
"May problema ba?" tanong ni Arnel sa nakikitang ayos ng kaibigan.
"Wala, Arnel. Just memories... bittersweet memories."
"As usual," matabang nitong sagot. "Anim na taon na, pare. Kalimutan mo na si Lacey at pakasalan mo na si Yda."
Umiling ang binata. Matabang na ngumiti "Pareho kayo ng Mama..." Umayos ito ng upo at hinarap ang kaibigan. "Ano iyang hawak mo?"
"May sorpresa ako sa iyo, Rigo," ani Arnel na ibinaba sa mesa ang folder.
Matabang na ngumiti si Rigo kasabay ng pag-iling. "May hihigit pa bang sorpresa sa pagkikita namin ni Lacey kahapon?"
Nanlaki ang mga mata ni Arnel. "Nagkita na kayo?! Kailan? Paano? Ang akala ko pa naman ay mabibigla kita."
Ipinaliwanag ng binata kung paano sila nagtagpo ni Lacey kahapon.
"Well, both of them will work here with us," si Arnel na mismo ang nagbuklat ng folder. "Sila ang ipinadala ng hiring office natin sa Maynila. Noong isang araw pa naka-fax ang mga resume nila. Hindi ko lang naipakita sa iyo dahil lagi ka sa talyer."
Binasa ni Rigo ang resume ni Lacey. Pagkatapos ay ang kay Steve.
"Itong Steve na ito, pare, posibleng boyfriend?" tanong ni Arnel.
Nagkibit ng balikat ang binata. "With the endearment, natitiyak ko."
"Mabuti na iyong alam mo na may nagmamay-ari na sa kanya. Hindi ka na kailangang kumapit pa sa alaala ng kamusmusan. Bata pa si Lacey noon, Rig. You can hardly expect her to be serious about your relationship. Hindi nga iyon nag-survive sa Daddy niya, lalo na sa anim na taong nagdaan."
Tumiim ang mukha ng binata. Nagbuntong-hininga. "Send them in pag dumating."
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 2
Romance"My old faded blue jeans would be out of place. It'll never fit into your world of lavander lace." The infamous Rigo dela Serna ng Engineering Department. Super-guwapo, ex-scholar, star-player at playboy numero uno. Pero para kay Lacey, Rigo is a...