Chapter 28

41.6K 957 42
                                    

NANG hapong iyon ay nag-check-in sa isang mumurahin at kaisa-isang hotel sa bayan si Steve while nagging and quacking at her like a mother hen.

Alas-sais na nang makabalik ng mansion si Lacey. Nagulat pa siya sa hindi inaasahang panauhin.

"Hindi ko gustong magpaligoy-ligoy pa, Lacey," agad nitong sinabi nang maupo siya at harapin ito.

"Sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin, Yda..." aniya na nagsasalubong ang mga kilay sa ikinikilos ng kaibigan.

"'Di ba, minsan ay itinanong mo sa akin kung sino ang ama ng anak ko?" Tumango siya nang wala sa loob. "Si Rigo ang ama ng bata, Lacey..."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Parang may pumigil sa paghinga niya at tila sinasakal siya.

"H-hindi totoo ang sinasabi mo..." Nang biglang sumagi sa isip ang gabing nasiraan siya na nasalubong niya ang binata. Hindi nito itinanggi na patungo ito kay Yda nang gabing iyon.

"Mula pa noong araw ay lagi nang ikaw, Lacey. Mula sa pagiging valedictorian hanggang sa Miss SIC. Don't take everything away from me, lalo na ang ama ng anak ko!"

Hindi makakilos si Lacey. Parang namanhid ang buong pagkatao. Nangingimbulo si Yda sa kanya sa buong panahong pinagsamahan nila!

"Ewan ko kung bakit ka pa nagbalik, Lacey. Hindi ko maintindihan. Kung tutuusin ay wala na kayong ari-arian sa bayang ito. At hindi ko rin maintindihan kung bakit sa kompanyang pinamamahalaan ni Rigo ka pumasok gayong marami namang kompanya sa Maynila. Sadya mong ibinigay ang sarili mo sa paghihiganti ni Rigo..." patuloy ng babae.

"Pag... hihiganti?" Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla ay panibagong ulos na naman ang sinabi ni Yda.

"Rigo would have married me a long time ago kung hindi dahil sa obsesyon niyang makapaghiganti sa ama mo at sa iyo."

"A-ano ang ibig mong sabihin, Yda..."

"Alam mo bang nakulong nang apat na buwan si Rigo nang araw na umalis kayo dito ni Mr. Bernardino?"

Lalo nang hindi malaman ng dalaga kung paano tatanggapin ang sinasabi nito. "Nakulong? Bakit siya nakulong?"

"Dahil idinemanda siya ng Daddy mo ng attempted rape. Pinagtangkaan kang i-rape ni Rigo ayon sa kanya. At pinirmahan mo ang affidavit na nagpapatunay na ganoon nga at pagkatapos ay umalis kayong mag-ama ng bayang ito habang nasa kulungan si Rigo."

"N-no...!"

"I stayed with him, Lacey. Sa panahong kailangan niya ng karamay dahil halos kondenahin siya ng bayang ito. Hindi na niya nagawang tapusin ang kolehiyo sa St. Ignatius dahil hindi na siya tinanggap doon."

"And... and... you didn't write me about it," hindi makapaniwalang usal niya. "Bakit, Yda?"

"Ano ang silbi? He hated you," pinakadiin-diinan nito ang sinabi. "Isa pa, natitiyak kong hindi magugustuhan ni Mr. Bernardino iyon. He warned me not to tell you..."

"You were my friend... wala akong alam doon..."

"May pinirmahan kang affidavit na pinagtangkaan kang reypin ni Rigo..." Iniwas ni Yda ang mukha sa unang sinabi ng dalaga.

Hindi niya mapaniwalaan iyon. Bakit gagawin ng Daddy niya iyon? Pero bakit nagmamadali ang Daddy niya na makaalis sila agad tatlong araw makalipas ang nangyari sa beach?

Nanlumo ang dalaga. Iyon ang ibig sabihin ni Rigo na naranasan na nito ang pag-usapan ng mga tao.

"So you see, Lacey, paghihiganti ang motibo niRigo sa pagnanais na pakasalan ka. Kung totoo ngang pakakasalan ka niya,maaaring hindi ka niya siputin sa simbahan, who knows. He will just probablyvindicate himself sa mata ng mga tagarito." Tumayo si Yda. "Matagal angpinagsamahan naming dalawa, Lacey. Higit na mas matagal kaysa sandalingpanahong namagitan sa inyo. Kaya kung ako ikaw ay aalis ako sa bayang ito. Tamana ang pinsalang nagawa ninyong mag-ama sa kanya. Leave us alone!"    

Sweetheart Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon