Nakita ng binata ang pagkislap ng mga mata niya dahil sa namuong mga luha. Huminga ito nang malalim at tumuwid ng upo.
"Alam mo bang nakasanla ang mansion mo sa akin?"
Nanlaki ang mga mata niyang napatitig dito. "Sa... sa iyo... isinanla ng Daddy ang... ang mansion?"
Umiling ang binata. "Hindi niya alam na sa akin nakasanla. Ang transaction ay sa pagitan ng mga abogado. At may palagay akong walang pakialam ang Daddy mo kung kanino naisanla at naipagbili ang mga lupa niya basta naaayon sa gusto niya ang halaga."
"Alin pa sa mga ari-arian namin ang napunta sa iyo?" malamig niyang tanong.
"Tanging ang lupang kinatatayuan nitong pabrika at ang mansion, Lacey. I would have taken them all kung kaya ng pera ko. And to tell you frankly, ini-loan ko lang din sa bangko ang perang ibinigay ko sa ama mo."
"Why?"
"Sa pagsisikap kong ibagay ang kupas na maong sa lilac na mga laso," matabang nitong sagot.
"Why are you telling me all these?" aniya sa naninikip na lalamunan.
"Dahil malapit nang mailit ang mansion. Napakahaba na ng grace period na ibinigay ng mga abogado ko sa Daddy mo. Mahigit isang taon."
Ano ang sasabihin niya? Hindi niya magawang makiusap kay Rigo na dagdagan pa ang taning. Bagaman alam niyang malabo nang mangyaring matubos pa niya ang mansion ay umaasa pa rin siyang hindi ito tuluyang ma-foreclose. Higit sa lahat ay mahalaga sa kanya ang mansion. Dito siya ipinanganak, lumaki at nagkaisip. Maraming mga alaalang nakatago roon ang kanyang kabataan.
She'll give anything huwag lang tuluyang mawala ang mansion.
"May alam ka bang paraan para huwag tuluyang mawala sa pag-aari mo ang property?" patuloy ni Rigo sa businesslike tone.
Lumunok siya upang magsalita pero walang tinig na lumabas sa bibig niya. Hindi rin naman niya gustong magmukhang kaawa-awa sa paningin ni Rigo kaya itinaas niya ang mukha at tumingin dito sabay ng bahagyang pagkibit ng mga balikat at marahang pag-iling.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Rigo.
Tumuwid ito ng upo at ipinatong ang mga braso sa mesa.
"May isang paraan para manatili sa pag-aari mo ang mansion, Lacey..."
Tumingin siya rito. "Sa... papaanong paraan?"
"Marry me..."
Napapikit ang dalaga. Umikot ang paningin, Narinig na niya ang salitang iyon six years ago. Nag-echo iyon sa pandinig niya.
"Wala akong pakialam kung gaano man kayo katagal na nag-li-live-in ni Steve o kung sino pa mang lalaki ang nagkaroon ng kaugnayan sa iyo. Just marry me and you can still have the mansion, sa pangalan mo." Mariin nitong sinabi sa pagitan ng pagtatagis ng mga ngipin.
"At... ano ang mangyayari kay Steve?"
Nakita niya ang paggalaw ng muscles sa mukha ni Rigo sa tanong niya.
"Hindi ko siya gustong makita sa bayang ito, Lacey. Tama na ang maraming kahihiyan at usap-usapan. Pero huwag kang mag-alala, kaya ko siyang irekomenda sa ibang textile company kung papayag ka sa proposal ko."
"Kung hindi ako pumayag?"
"Mawawala sa iyo ang mansion. Steve's services will be terminated at baka mahirapan siyang maghanap ng ibang trabaho pero mananatili ka sa pabrika..." Malupit ang mga matang nakatitig sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi mo magagawa kay Steve iyan!"
"I can. Hindi ko pinirmahan ang kontrata niya na marahil sa sobrang tiwala niyang magkakilala tayo ay hindi pa niya naitatanong. While I signed yours. Kaya kung sakaling aalis si Steve ay hindi mo magagawang ibale-wala ang kontrata mo dahil idedemanda ka ng kompanya. I will see to that."
Naguguluhang napatitig siya sa binata. Ito ba ang lalaking iningatan niya sa puso niya sa nakalipas na maraming taon? Ito ba ang lalaking minahal niya hanggang sa mga sandaling ito?
"Bakit mo ginagawa ito, Rigo?"
"Obsession, Lacey. I wanted you. Pinagsisihan ko ang mga panahong sinayang ko na ingatan ka. I would have justified your father... and you."
Hindi niya maunawaan ang emphasis na ibinigay nito sa huling salita.
"You were my only frustration. I would have given you up kung hindi ka nagbalik at kung hindi umayon sa akin ang mga pagkakataon. Pero sa sandaling magpakasal ka sa akin, I'm giving this town another eyebrow raising topic to discuss with."
Obsession. Iyon lang ang tanging naiintindihan niya sa sinabi ni Rigo. So she was just an obsession. The little rich girl who fell hopelessly in love with the notorious Rigo dela Serna.
Sinalubong niya ang mga mata nito. "Anim na taon na ang nakalipas, Rigo. Hindi ba pinawi noon ang obsession mo sa akin? Hindi ka siguro kasingyaman ng Daddy noon sa ngayon pero malayo na ang naabot mo mula noon. Financially, you're well off..." she was speaking softly. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang magalit sa lalaking ito na ang tingin sa kanya ay isang bagay... mamahaling bagay.
Umiling si Rigo. Iglap niyang nahuli ang lungkot sa mga mata na agad ring naglaho.
"I still want you now, Lacey. You will be my icing on the cake."
Huminga siya nang malalim at tumayo. Bigla, nakadama siya ng pagod at pagkahapo.
"Gusto kong pag-isipan ang mga bagay na ito. Rig..."
"Yes. Pag-usapan ninyo ng boyfriend mo." Muli, ang galit sa mukha nito.
Tila may pakpak ang mga paang lumabas siya ng silid na iyon.
Hindi niya pinansin ang nanunuring mga mata ni Yda na nakasunod ng tingin sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/135603063-288-k131104.jpg)
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 2
Romance"My old faded blue jeans would be out of place. It'll never fit into your world of lavander lace." The infamous Rigo dela Serna ng Engineering Department. Super-guwapo, ex-scholar, star-player at playboy numero uno. Pero para kay Lacey, Rigo is a...