ISANG linggo na silang nagtatrabaho ni Steve sa pabrika at naipadala na rin ni Rigo sa tauhan nito ang sasakyan ni Steve sa mansion pero hindi pa sila muli nagtatagpo ng binata.
Ang sabi ni Arnel ay malimit sa talyer si Rigo at dumarating ng opisina anomang oras. Alam niyang naroroon ito kapag nakikita niyang busy si Yda at marahil ay sa backdoor nagdaraan.
Lunch break at kararating lang niya galing sa panananghalian sa mansion. Nauna siyang pumasok ng opisina habang ipinaparada ni Steve ang sasakyan sa labas.
"Hi," umupo siya sa harap ni Yda. "Marami bang trabaho ngayon?" Nakangiti niyang tanong.
"Tulad din ng dati," kaswal at malamig nitong sagot habang nagre-retouch ng make-up.
"Kumusta na ang baby mo? Ipasyal mo siya minsan sa bahay. May mga laruan pa ako roon noong maliit pa ako at panlalaki ang iba. Papiliin mo siya."
Tumalim ang mga mata ni Yda. "Kaya kong bumili ng laruan para sa anak ko, Lacey. Hindi ko kailangan ang charity mo."
"Yda..." nagtatakang tiningnan niya ito. "Nagmamagandang-loob lang ako. Magkaibigan naman tayo at dating nagbibigayan ng mga kung ano-ano."
"Ikaw lang ang nagbibigay sa akin, Lacey. I cannot even afford to give you a card kahit noong araw."
"Wala namang diperensiya sa akin iyon, 'di ba? Ako ang meron, di ako ang nagbibigay. Kung nagkabaligtad ang katayuan natin, hindi mo ba gagawin iyon?"
Huminga nang malalim siYda. "W-well... of course. I'm... sorry kung nakapagtaas ako ng tinig."
"Walang problema..." tipid niyang nginitian ang kaibigan.
Nasa ganoon silang pag-uusap nang dumating si Steve. Inakbayan siya nito. "Recalling happy childhood?" Nakangiting wika nito na tiningnan si Yda. "One time, Yda, let's have a party. Tayong tatlo lang ni Lacey at kuwentuhan mo ako ng tungkol sa kabataan nitong kaibigan mo," kinindatan nito si Yda.
Ngumiti ang dalaga. Steve is a very attractive man kung hindi mo alam ang tunay na pagkatao.
"Sure."
Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Rigo at sumungaw ito.
"Yda, ipatawag mo... oh, hindi bale na." Nagdilim ang mukha nito nang makitang mahigpit na nakaakbay kay Lacey si Steve.
"Lacey, pumasok ka rito," utos nito at pagkatapos ay muling bumalik sa loob.
"Kanina pa ba si Rigo dito?" baling niya kay Yda na bahagya nang tumango.
Tumingin siya kay Steve na parang tinatanong ang binata kung ano kaya ang kailangan ni Rigo sa kanya. Inilahad ni Steve ang dalawang kamay at nagkibit ng mga balikat.
"Go ahead," apura nito. "Mukhang hindi maganda ang mood ng boss. Babalik na ako sa table ko."
Tumayo siya upang pumasok sa silid ng GM. At kung lumingon siya'y nakita niya sana ang pagtalim ng mga mata ni Yda.
"Sit down," ani Rigo na hindi tumingin sa kanya. Nakatuon ang mga mata sa correspondent na nasa harap.
Walang kibo siyang umupo. Palihim na sinuri ang binata. How could this man afford to look so handsome kahit na ano ang isuot? And why is it na sa tuwi silang magkakaharap ay tila may paruparo sa sikmura niya tulad noong araw na disisais anyos siya?
Nag-angat ng ulo ang binata.
"May tinanggap na export order ang opisina, Lacey. Gusto kong mag-submit kayo ni Steve ng mga design within seven days starting today."
"That soon?"
"Apurahan ang order. Kaya nag-aapura rin ako. Can you make it?"
Tumango siya. "Ako na ba ang magsasabi kay Steve?"
"Please do."
"Is that all?"
Hindi sumagot ang binata. Bagkus ay hinagod siya ng tingin. Nailang ang dalaga at nagyuko ng ulo.
"Ano ang plano ni Steve sa iyo?" tanong nito makaraan ang ilang segundong pagtitig sa kanya.
Nangunot ang noo ni Lacey sa tanong na iyon "Rig, hindi kita maintindiban."
"What are your plans? Pakakasalan ka ba niya?" May kumislap na galit sa mga mata nito.
Lalo nang nalito ang dalaga. Iniisip nga pala ni Rigo na lovers sila ni Steve at nagli-live-in sa mansion. Ang pag-aatubili niyang sumagot ay lalong nagpa-obvious sa galit ni Rigo.
"So how long are you going to demoralize yourself, Lacey?"
Kumawala ang pagtitimpi ng dalaga. "How dare you preach on my morality na parang hindi ko alam ang mga ginagawa mo noong araw!"
Tumiim ang mga bagang ng binata. "Yes. I had sex with some of those girls. Anywhere convenient for them. Part of being young and restless. Pero game at palaban ang mga babaeng iyon, Lacey. They wouldn't mind jumping from one man to another. Ganoon ka ba?"
Pinamulahan ng mukha ang dalaga. "W-wala kang pakialam sa buhay ko, Rigo..." aniyang gustong maiyak. All those years, ang lalaking ito ang nakadambana sa puso niya. All those years, hindi niya binigyan ng pagkakataon ang sariling subukang magmahal sa iba.
![](https://img.wattpad.com/cover/135603063-288-k131104.jpg)
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 2
Romance"My old faded blue jeans would be out of place. It'll never fit into your world of lavander lace." The infamous Rigo dela Serna ng Engineering Department. Super-guwapo, ex-scholar, star-player at playboy numero uno. Pero para kay Lacey, Rigo is a...