Chapter 11

37K 913 13
                                    

MALIWANAG ang buong lawn ng mansion ng mga Bernardino nang gabing iyon. Maraming mga bisita. Mga classmate at mga dating classmate ni Lacey. Mga kaibigan at kakilala ni Augusto na mga kilala rin sa bayang iyon at may mga katungkulang hinahawakan sa gobyerno.

"Wow!" bulalas ni Yda na humalik sa pisngi ng kaibigan. "Mas beauty ka ngayon kaysa noong manalo ka ng Miss SIC, ah. At alam ko kung bakit. Nandito ba siya?" Inikot nito ang mga mata sa paligid.

"Hinihintay ko nga, eh." Tinanguan niya ang ilan sa mga classmate na dumating at itinurong pumasok sa loob. "Sige, pumasok ka na at aabangan ko pa ang iba nating mga classmate."

"Hello, Yda," bati ni Augusto na nakangiti sa dalagita. "Wala ka bang kasama?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Lacey. Kailan pa naging magaan ang loob ng Daddy niya sa mahihirap niyang mga classmate?

"Ako lang po. Hindi po mahilig ang Itay ko sa ganitong okasyon," nakangiting sagot ng dalagita. Inakay ni Augusto si Yda papasok sa loob.

Nawala ang pansin ng dalagita sa dalawa nang may magsidating pa.

"Hi, Lacey..." si Jeffrey Chan, ang anak ng regular buyer ng Daddy niya ng kopra. Sa ibang kolehiyo sa bayang iyon ito nag-aaral. "Tamang-tama ang dating ko, nagsisimula na ang yugyugan. Come, dance with me."

Hinawakan siya nito sa braso at napilitang sumunod ang dalagita. Hindi niya gustong umalis sa malapit sa gate dahil inaabangan niya si Rigo. Ang sayawan ay sa loob ng mansion sa malaking sala.

Nakisalamuha sila sa mga naroong nagsasayaw na puro mga teenager dahil ang mga bisita ng Daddy niya ay halos kasing-edad din nito at ang mga anak na dala ay yaong mga halos kasing-edad din niya.

Nakakatatlong disco music na ang naisasayaw niya sa tatlo ring teenagers nang matanawan niya si Rigo na nakatayo sa may pinto kasama si Arnel.

As usual, in his faded blue jeans and black jacket. Kaibang-kaiba sa suot ni Arnel na semi-formal tulad din ng ibang mga bisitang kabataan dahil ang nakalagay sa Hallmark invitation cards niya ay semi-formal. Iyon ang gusto ng Daddy niya dahil sa mga bisita nito.

"Excuse me," aniya sa kasayaw at mabilis na lumakad patungo sa may pinto at sinalubong ang dalawa.

"Hi," nakangiting bati niya sa kasintahan. Her eyes sparkling. "Hello, Arnel," nginitian niya ang kaibigan ni Rigo na ngumiti rin at inikot ang paningin sa mga naroon at naghahanap ng mga kakilala.

"Maiwan ko na kayo, nakita ko si Yda, I think I'll dance with her," wika nito at lumakad patungo sa kinaroroonan ni Yda na nakatingin na sa kanila.

Si Rigo ay hinawakan ang dalawang kamay ng dalagita at tinitigan. "You're very pretty tonight. A mini-dress in lavender laces," bulong nito. "At kung wala ang mga taong ito, kanina pa kita hinalikan."

Ngumiti siya dito. At kung wala rin ang mga taong nakapaligid sa kanila, baka siya na mismo ang humalik dito. He was incredibly handsome. The rugged way. At kahit na maong pa ang suot nito. Namumukod-tangi si Rigo sa karamihan. Tall and very commanding ang presensiya. At nasa mga mata ng kadalagahan ang paghanga sa binata.

"Come, let's dance. Maganda ang tugtog." Inakay niya ang binata sa gitna ng bulwagan. Walang pakialam sa mga matang sa kanila nakatingin.

"Yeah," matabang na ngumiti si Rigo. "Kenny Rogers' Don't fall in love with a Dreamer." Hinapit nito sa baywang ang dalagita at nagsimulang isayaw.

"Sa akin nakatingin ang mga bisita ninyo. Naa-out of place ang maong at jacket ko dito," patuyang tumawa ito nang marahan.

"What matters is my opinion. Party ko ito. At ikaw ang guest of honor ko," she giggled. "At saka bakit po naman hindi kayo nag-abalang magsuot ng medyo pormal?"

"This is my style, Lacey. Komportable ako sa maong ko. Do I offend you?" seryosong tanong nito. His eyes dark and expressive.

"Alam mong hindi. Wala akong pakialam kahit na magbahag ka pa, basta nandito ka ngayon," at saka pa lang ngumiti si Rigo. Totoong ngiti. Nagsalubong ang mga kilay ni Lacey. "Was that a test? Sinadya mo bang magpunta rito nang kakaiba ang suot sa karamihan?" May iritasyon sa tinig niya.

Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi ng binata. The man is irritatingly attractive. "Gusto ko lang idiin sa iyo ang kaibahan ng mundong ginagalawan nating dalawa, sweetheart."

Nagbuntong-hininga si Lacey. "Ikaw lang ang naglalagay niyan sa isip mo. Rig. Kung ako ang papipiliin mo, I'd rather be with you alone sa beach ngayon kaysa sa party na ito."

"Thank you, sweetheart. Pero hindi lahat ng tao ay katulad mo ang iniisip at pananaw. Look at your father, kung patalim lang ang tinging ipinupukol niya sa akin, kanina pa ako natumba with multiple wounds," wika nito sa amused na tinig at bahagyang nagtaas ng ulo at tinanaw si Mr. Bernardino.

"Huwag mong intindihin ang Daddy, Rig. Bisita kita," aniya at inihilig ang ulo sa dibdib ng kasintahan.

Natapos ang tugtog at humalili ang isang mabihs at maharot na musika. Hindi gustong magsayaw ng rock ni Lacey. Inakay niya si Rigo patungo sa labas ng bulwagan nang humarang si Don Augusto.

"Hindi mo sinabing inimbita mo ang lalaking ito, Lacey!"

Sweetheart Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon