Chapter 26

40.4K 1K 22
                                    

APAT na araw matapos silang mag-usap ni Rigo ay muli siyang ipinatawag nito.

"Siguro naman ay may desisyon ka na, Lacey," bungad nito pagkaupo niya. "It has been days mula nang huli tayong mag-usap."

Huminga siya nang malalim at tumingin dito. "Yes," kalmanteng sagot niya.

"Ang ibig sabihin ng yes mo ay nakapagdesisyon ka na, o yes, pumapayag kang pakasal sa akin?" malamig nitong tanong.

"Pakakasal ako sa iyo," marahan niyang sagot. Sa isang iglap ay nakita niya ang tila pag-aliwalas ng mukha nito bagaman agad ding nawala.

Ngumisi si Rigo. Nasilip niya sandali sa ngiting iyon ang twenty-one-year old boy na nakatatak sa isip niya. The naughty, young and restless Rigo dela Serna.

"So you know which side of your bread is buttered, huh?" Inaasahan niya ang panunuya sa tinig nito pero wala. Mas gusto niyang isiping nanunukso ito, tulad noon.

"You can say that..." kalmanteng sagot niya.

"Good, I will announce our engagement to everyone. And for a start," binuksan nito ang drawer at may kinuha roon. Isang munting velvet box. Iniabot sa kanya. "Buksan mo."

Para siyang robot na sunod-sunuran. Binuksan niya ang kaheta at tumambad sa kanya ang isang magandang tiffany. Napasinghap ang dalaga kasabay ng muling pagsulyap sa binata.

"Mukhang nakatitiyak kang sasang-ayon ako sa alok mo," matabang niyang sinabi. "I wonder why you have given me days to think."

"Naniniwala ako sa instinct ko, Lacey," patuyang ngumiti si Rigo sa pagkakataong iyon. "Ang mansion na lang ang natitirang propriyedad ninyo at ang lupang nakapaligid dito, ganoon din ang beach. You don't want to throw millions away nang dahil sa foreclosure."

"Maaari akong maghanap ng buyer..." alam niyang bale-wala ang sinasabi niya. Matagal nang dapat na na-foreclose ang sanla kung hindi dahil sa grace period na ibinigay ni Rigo. At alam na alam iyon ng binata na marahang tumawa sa sinabi niya.

"Pag-usapan ninyo ng Mama ang mga bagay-bagay tungkol sa ating kasal. Now, you can give me back my old ring bago ko ilagay sa daliri mo ang engagement ring na ito..."

Mabilis siyang umiling. Ibinaba ang mga braso sa kandungan. "No. Hindi ko ibibigay sa iyo ang... singsing," mariing tanggi niya na nagpasalubong sa mga kilay ng binata.

"Maaari ko bang malaman kung bakit hindi mo gustong alisin sa daliri mo ang singsing ko?"

"I have my reasons." Matigas niyang sinabi kasabay ng pagtaas ng ulo at sinalubong ang mga mata nito na tila naghahamon.

Alam ba ng lalaking ito kung ano ang kahulugan ng singsing na iyon sa kanya? Nakapaloob doon ang dating Rigo na kilala niya. Gentle, loving and caring.

Anoman ang motibong sinasabi nito ngayon ay hindi papawiin niyon ang mga alaala ng kabataan. Malalim ang pagkakaukit niyon sa puso niya. At ang singsing lang na iyon ang tanging nag-uugnay sa kanya sa magandang nakalipas.

"All right, keep it," ani Rigo makalipas ang ilang segundo. Tumayo ito at umikot sa kinalalagyan niya. "Akina ang kamay mo," inabot nito ang kaliwang kamay niya at isinuot ang engagement ring kasunod ng singsing na naroon. "There. Now, let me seal it with a kiss," at bago pa nakakilos ang dalaga ay itinaas siya ni Rigo.

Ang isang kamay nito ay sa likod niya at ang isa ay sa batok niya. His mouth was inches above her own. At ni hindi niya magawang ituon ang mga mata niya sa alinpamang bagay sa bob ng opisinang iyon kundi sa mga mata nito.

Marahil ay huminto sa pag-ikot ang orasan habang tila nasa isang hipnotic trance siya at nakatitig lang sa mukha nito. The warmth of his breath skimmed her mouth. Nalalanghap niya ang aftershaves nito kasabay ng natural nitong amoy na para sa kanya ay tanging si Rigo lang ang nagtataglay.

Unti-unti ang pagbaba ng ulo nito patungo sa kanya to claim her mouth in a teasingly gentle kiss, so gentle na pumukaw iyon ng maraming alaala at nagpamuo ng mga luha niya sa mga mata. Sinisikap niyang huwag itong pumatak but she failed.

Nag-angat ng ulo si Rigo at tinitigan siya. His hands cupping her face tenderly. "This is the second time you cried habang hinahalikan kita," he whispered softly. "Gusto kong isiping hindi mo gusto ang ginagawa ko ngayon but my instinct told me otherwise. I was kissing the same young Lacey six years ago. And I'm willing to forgive and forget, sweetheart," at muli siyang siniil nito ng halik.

Anoman iyong dapat ipatawad at kalimutan ay hindi niya alam. Sa loob ng anim na taon ay kalahati ng pagkatao niya ang namatay. And now, she came to life nang dahil lang sa mga yakap at halik ng binata. And he was calling her sweetheart again.

It was like coming home. She felt like bursting into more tears kung hindi niya aawatin ang sarili.

Pagkatapos ay lumalim ang halik. Hard and passionate na may gumuhit na mainit na bagay sa ibabang bahagi ng katawan niya. She became mindless sa nangyayari. Ang tanging alam niya ay ang kakaibang damdaming idinulot ni Rigo.

The thrust of his hips against her is deliberately sexual and erotic. His arousal is obvious. Hindi ito ginagawa sa kanya ni Rigo noon at bahagya siyang kinabahan. Marahan niya itong itinulak.

"R-Rig."

"Hmm..." wika nito sa pagitan ng paghalik sa leeg niya.

"A-ano'ng ginagawa mo?"

"Kissing you... loving you. Hindi nagbabago ang bango mo sa nakalipas na mga taon. Why do you always smell so bewitching, sweetheart?" Muli siyang hinagkan nito, wildly, hungrily.

At tuluyan na siyang nagpaubaya. His hands all over her body. And she tried to suppress a moan.

Kung may nakarinig sa tunog ng intercom ay walang makapagsabi. O sadyang hindi pinapansin ni Rigo. Hinahagkan siyang binata and she was kissing him back with equal fire. After missing him so much.

Bumukas ang pinto at sumungaw si Yda na nanlaki ang mga mata sa inabutan.

"Oh!"

Sweetheart Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon