Lumakad si Rigo pabalik sa motorbike nito at sumakay. Pinaandar at pagkatapos ay bahagyang yumukod.
"My princess, ano pa ang hinihintay mo, sakay na." Bahagya nitong nilingon ang likod ng bike.
Hinigpitan ng dalagita ang hawak sa shoulder bag at gamit. Alanganing humakbang patungo sa motorbike. Sumakay nang patagilid.
"Ihawak mo sa baywang ko ang kanang kamay mo at nang hindi ka mahulog. At umusog ka nang kaunti sa akin," utos nito. Nasa tinig ang amusement. Ang ibang mga kadalagahan ay hindi kumikilos tulad ng ikinilos ni Lacey. At hindi sasakay ang mga ito sa motorsiklo ni Rigo nang patagilid. At kahit hindi nito sabihin ay yayakap ang mga ito sa likod ng binata.
"G-ganito?" Ang dalagita na napapikit. Sobra-sobra ito sa inaasahan niya. Having him this close is beyond her wildest dreams. At hindi niya maiwasang panginigan ng mga tuhod. Kinakabahan at natatakot siya. Hindi kay Rigo kundi sa sitwasyon.
"Better..." sagot ni Rigo na pinaandar na ang motorsiklo at pinatakbo nang matulin pero hindi sa daan patungo sa uuwian ng dalagita. Itinawid nito sa damuhan at ilalim ng mga punong niyog ang motorbike.
"H-hey, hindi ito ang daan patungo sa amin...!" Kinakabahang wika ni Lacey sa malapit sa tainga ng binata. .
"Alam ko," sagot ni Rigo na bahagyang lumingon. "Relax, hindi kita re-rape-in." Nagpatuloy ito sa pagda-drive na ang tinatahak ay ang daan patungo sa dagat.
Nakahinga nang maluwag si Lacey. Kapag deretsong binaybay ang beach ay darating iyon sa private beach ng Daddy niya kahit na nga ba napakalayo pa niyon.
Ipinarada ng binata ang motorbike sa ilalim ng punong niyog at pinababa si Lacey. Sumunod ang dalagita at inikot ang paningin. Alas-sais na at walang tao sa paligid. At wala ring mga bahay. Ang bahaging ito ng beach na pinagdalhan sa kanya ni Rigo ay malayo at tago sa karamihan.
Nilingon niya ang dagat. Kumikislap ang tahimik na tubig mula sa reflection ng palubog na araw. Napakagandang tingnan ng sunset. Sumandal siya sa puno ng niyog dahil hindi siya nakatitiyak kung hindi bibigay ang mga tuhod niya. A mixture of nervousness, excitement and shyness ang nadarama niya nang mga sandaling iyon.
Bakit siya dinala ni Rigo dito?
Ang binata ay hindi bumaba ng motorsiklo bagaman nakababa ang stand. Inalis nito ang black leather na guwantes at ipinatong ang isang braso sa nakataas na tuhod at tinitigan ang dalagita. Nakatirintas ang buhok ni Lacey mula sa tuktok ng ulo pababa sa batok. Nasa magagandang mga mata ang pagtataka at pag-aalala. Wala kahit polbo sa mukha. Kahit lipstick ay wala. Ang ibang mga classmate ng dalagita ay nagsisimula nang maglagay ng bahagyang make-up sa mukha. Tulad ng kaibigan nito halimbawa.
Ibinaba nito ang tingin sa katawan ni Lacey. Nakita na nito ang magagandang balikat ng dalagita noong coronation night. Ngayon ay nakatago sa puting uniform. Mahabang palda ang tumatakip sa mga binti.
Nakita ni Rigo ang pamumula ng dalagita sa titig nito. Itinaas ng binata ang kanang kamay at inabot ang dibdib ni Lacey. Biglang suminghap ang dalagita kasabay ng pagpako sa sarili sa puno ng niyog.
Ngumisi si Rigo. "Relax, inaalis ko lang ang dumi sa necktie mo," na marahil ay nanggaling sa puno.
"Bakit... tayo nagpunta rito?" mahinang tanong niya na ninenerbiyos. '
"Let's start from the very beginning and introduce ourselves." Inilahad ni Rigo ang kamay kay Lacey. "Ako si Rigo... Rodrigo dela Serna."
Sa kabila ng lahat ay napangiti si Lacey. Inabot ang kamay na nakalahad. "Lacey... Bernardino..."
Isang mahigpit na pakikipagkamay ang ginawa ni Rigo sa kanya. Pagkatapos ay muling dinala nito ang kamay niya sa mga labi at hinagkan ang likod ng palad.
"I'm dying hard to meet you, Lacey..." wika nito at pinanatiling nakakulong sa mga palad ang kamay ng dalagita.
"Me, too," kaswal niyang sagot upang itago ang panginginig ng tuhod. "S-siguro ay puwede mo na akong ihatid sa amin. Baka hinahanap na ako ng Daddy. At... bitiwan mo na ang kamay ko," hindi ba nararamdaman ng lalaking ito na nagpapawis na ang kamay niya sa pagkakahawak nito?
"Sa isang kondisyon..."
"Kondisyon?" Nanlaki nang bahagya ang mga mata ng dalagita.
"Bukas, sa vacant period mo sa hapon ay sasama ka uli sa akin dito."
"Why?"
"Iyon ang kondisyon at gusto ko."
"A-ano ang gagawin natin dito?" nalilitong tanong niya.
"Malalaman mo bukas."
"Kung... ayoko..."
Nagkibit ng balikat si Rigo. "Mamaya na kita iuuwi. Anyway ay marami akong gustong sabihin sa iyo. Naipon sa loob ng isang taon."
Maraming sasabihin? Naipon sa loob ng isang taon?
Naguguluhang muling nilingon ng dalagita ang dagat, ang papalubog na araw. Kung anoman ang nangyari sa driver nila ay tiyak na nag-aalala na ang daddy niya. At kung matatagalan pa bago siya makauwi ay tiyak na ipahahanap siya ng ama.
"T-tutuksuhin tayo..." aniya na muling bumaling dito.
Nagsalubong ang mga kilay ni Rigo. "Natatakot ka?"
Natatakot nga ba siyang matukso kung sakaling malaman ng mga classmate niya? Will she miss the chance to be with him? No. She wouldn't miss it for the world.
Sinalubong niya ang titig ni Rigo. Ang mga mata nitong tila gustong magpatunaw sa mga buto niya.
"H-hindi ako... natatakot," pabulong niyang sagot.
"At sasama ka sa akin dito bukas?"
Tumango si Lacey. Umaliwalas ang mukha ni Rigo. Ibinaba ng paa ang stand ng bike at pinaandar ang makina.
"Hop in. Sa tabing-dagat na tayo dumaan."

BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 2
Romance"My old faded blue jeans would be out of place. It'll never fit into your world of lavander lace." The infamous Rigo dela Serna ng Engineering Department. Super-guwapo, ex-scholar, star-player at playboy numero uno. Pero para kay Lacey, Rigo is a...