Marshall Hernandez's POV
Ang saya ko kahapon. Tanggap na tanggap ako ng mommy at daddy ni pusa na tinatawag ko na ring mommy at daddy ngayon. Hahaha ang gwapo ko talaga noh? Tanggap agad ako sa panliligaw kay pusa.
Ang cheerful ng mga parents niya. Parang ang sarap nilang kasama. Kagaya nung mga parents ko. Mejo magkakaparehas ugali nila.
When I was talking to her parents, I feel like they were just my siblings. Hahaha ang saya talaga.
Tapos yung poster ni pusa na Lee Min Ho daw? Kamukhang kamukha ko. Nagulat nga ako kasi umiyak siya habang hawak niya yung pisngi ko. Tsk tsk fangirl talaga.
Hindi ko makalimutan yung hinalikan ko sya. Gustong gusto ko talagang halikan siya nun kaya pinadaan ko muna sa noo hanggang sa lips. I call it the 5 kisses.
I really love that girl na ang kulang nalang pakasalan ko siya at bubuo kami ng pamilya. I know I sound gay.. but I can't help the feels.
Nagising ako ngayon ng maaga dahil susunduin ko pa si pusa sa bahay nila. Diba yan yung ginagawa ng mga manliligaw?
Di nyo alam? Ako alam ko kasi nagsearch ako sa Google ^_^
Nakabihis na ako ng uniform at sumakay na sa kotse ko.
Papunta na ako sa bahay nila Katie ng may nakita akong familiar girl sa gilid ng kalsada na halatang naghihintay ng jeep.
Nagulat siya kasi I stopped the car infront of her and I opened the window.
"Xandra!" Tawag ko sakanya. She bent down and looked at me.
"Oh? Mar-mar!!" Sigaw niya.
"Sakay na dali. Papunta rin akong school may susunduin lang ako. Doon ka sa back seat." Sabi.
"Okay i gotz itz." Sabi niya at sumakay na.
"Long time no see, cousin." Bati ko sakanya. Oo. Pinsan ko siya sa side ni Mommy. She's Xandra Santos. Isang babaeng maputi at sexy. Di hamak na maraming nagkakagusto jan. Kaso conyo siya. Ayaw niyang tinatawag siyang conyo dahil naninipa siya.
Dati nga tinawag ko yang conyo sinipa ako sa ano ko. Kaya ang tawag ko sakanya sa isip ko, Conyong Kabayo.
"Yeah tama. Where are we going to punta?" See? Conyo diba.
"Pupunta tayo sa bahay ng nililigawan ko." Masaya kong sabi.
"KYAAAAA~ you're making ligaw na?"
"Hindi, I'm making lugaw."
"Psh. Don't be such a loko-loko over there. Just drive."
"Hahaha daldal mo. Andito na tayo." Sabi ko. Bumaba na kami ng kotse at nag doorbell sa mansion nila pusa.
Bumungad sakin si Mommy.
"Good Morning Mommy ^_^" Bati ko.
"Good Morning, son. Come in!"
"Thank you. Tara pasok tayo Xandra." Alok ko kay Conyong kabayo.
"Okayy."
Umupo kami sa sofa.
"Mommy, where's Katie?" Tanong ko.
"She's upstairs.. taking a bath. Anyway, who is she?" Tanong ni mommy at ngumuso kay Xandra.
"Oh by the way.. Mommy, this is Xandra Santos she is my cousin. Xandra, meet Katie's mom." Sabi ko sakanilang dalawa.