Chapter 23

469 6 1
                                    

After One Year..

"Mommy, Daddy, mag iingat kayo sa Paris ah?" Naiiyak na sabi ni Katie..

Tumango naman ang kanyang magulang bilang sagot..

"Kayo rin Mom and Dad." Sabi ni Marshall sa parents niya..

Nagyakapan silang lahat at umalis na.. Tuluyan ng naiyak si Katie dahil mamimiss niya ang kanyang mga magulang pati na rin ang magulang ni Marshall dahil napalapit na rin ang loob niya rito..

Inakbayan naman ni Marshall ang kanyang asawa at pinunasan ang luha nito..

"Tama na ang pag iyak wife.. Tumutulo na sipon mo oh. Baka magkabaha rito sa bahay." Pang aasar ni Marshall

Pinalo naman ni Katie ang braso ng asawa at natawa siya sa sinabi nito..

"Hahaha there's that smile.. Pinapatawa lang kita. Ayoko kasing nakikita kang umiiyak wife.." Sabi ni Marshall at yumakap sa asawa niya..

May sarili na silang bahay pero wala pang anak. Meron din silang maid, si Aling Linda.. Medyo matanda na rin siya pero siya yung nagtatayong magulang ng mag asawa habang nasa Paris ang kanilang mga magulang..

Masaya naman ang kanilang buhay mag asawa.. Yun nga lang, madalas sumasakit yung puson ni Katie pero hindi naman siya pinapabayaan ng kanyang asawa..

After ilang week..

Kakagising lang ni Katie at sumasakit nanaman yung puson niya..

"Ugghh. Aray.. Mar-mar! Sumasakit nanaman puson ko. Hindi ako makaihi." Singhal ni Katie at umupo sa sofa..

"Teka, inumin mo na itong gamot mo saka uminom ka ng maraming tubig." Sabi ni Marshall at naglagay ng tubig sa baso..

"AAAHHH! ARAY! Ang sakit talaga!" Naluluhang singhal ni Katie habang napapangiwi sa sakit..

Naawa naman si Marshall sa asawa at naisip niyang lumalala lalo yung sakit ng asawa niya..

---

"Thank you po Doc." Sabi ni Marshall sa doctor habang si Katie naman ay nakahiga sa hospital bed.

Lumapit naman si Marshall kay Aling Linda at iniwan muna si Katie sa hospital bed..

"Anong sabi ng doctor?"

"Urinary Reflex daw. Kaya bumabalik yung ihi niya sa loob ng katawan. Kailangan pa ng maraming tests para malaman pa yung ibang dahilan." Pagpapaliwanag ni Marshall kay Aling Linda..

"Tinawagan mo na ba yung mga magulang nyo? Alam na ba nila?"

Umiling iling nalang si Marshall bilang sagot..

Tumagal si Katie sa hospital pero hindi pa rin malaman ng mga doctor duon ang kanyang sakit. Kaya nagpasya si Marshall na ipasuri ang kanyang asawa sa iba pang hospital.

---

"May dicompresion po sa spinal cord ng asawa niyo. May bahagi ng spine niya ang naipit kaya hindi nagfafunction ang kanyang kidneys at hindi na siya makaihi." Sabi ng doctor kay Marshall.

"Doc, bakit nagkaganon? Hindi naman siya nahulog kung saan at inaalagaan ko naman siya ng mabuti. Hindi naman po nagkwento ang mga magulang niya sakin na naaksidente siya dati." Sabi ni Marshall.

"Hindi po pagkahulog o ano man ang rason Mr.Hernandez. May sakit ho ang asawa niyo. At ang unang biniktima ng sakit na yon ay ang spinal cord ng inyong asawa. May LEUKEMIA po siya. Ang leukemia po ay cancer of the blood. At kakailanganin pa po nating gumawa ng marami pang tests para malaman kung gaano kabilis ang pagdedevelop ng sakit ng asawa niyo at kung anong klaseng leukemia iyon. Tapos duon na po tayo magbabase kung anong klaseng treatment ang gagawin natin sakanya." Pagpapaliwanag ng doctor.

I'll Always Be Right HereWhere stories live. Discover now