Umuwi muna sa kanilang kanya kanyang bahay ang mga kaibigan nila at ang kanilang mga magulang..
Si Katie at Marshall ay nagaalmusal..
Si Aling Linda naman ay naglalaba..
Bigla naman napahawak si Katie sa kanyang labi at parang nabilaukan naman siya..
Nabitawan ni Marshall ang kutsara't tinidor at dali daling kumuha ng tubig..
"Katie? Katie? Okay ka lang? Huh? Heto, uminom ka munang tubig.." Ininom naman ni Katie ang tubig..
Hindi niya malunok yung kinakain niya at nahihirapan siyang huminga..
"Sige.. Wag mo munang pilitin yung sarili mong kumain ha?" Sabi ni Marshall habang hinihimas ang likod ng asawa..
---
Pumunta ulit sila sa hospital at pina check up si Katie sa testing room..
"Mr.Marshall.. hindi po naging maganda yung iba pa niyang mga tests. Dumami na po kasi yung cancer cells sa katawan niya.. Parang hindi nanaman gumana yung mga ginawa nating paggamot sakanya kaya babalik nanaman tayo sa weekly session ng kanyang chemotherapy." Pagpapaliwanag ng doctor.
"Doc, pero kapag ginawa natin yun , gagaling naman po yung asawa ko diba?" Sabi ni Marshall.
"We will do our very best. At tatapatin kita Mr.Hernandez, lumalala na ho ang sakit ng asawa niyo. at kadalasan ng mga taong dinadapuan ng ganitong sakit ay... Isang taon nalang ang tinatagal ng kanilang buhay.. I'm very sorry.." Sabi ulit ng doctor..
Napaiyak naman sa takot si Marshall sa narinig..
---
Nasa harap ng maliit na altar si Marshall at nagdadasal sa harap ng diyos..
"Sinunod naman namin lahat ng sinabi ng doctor... H-hindi naman kami nagkamali sa chemotherapy.. Hindi ko naman siya hinahayaang mapagod.. Lahat ng mga hinahanda ko sakanya ay masusustansiyang pagkain. Ano pa ba ang hindi ko nagawa? Ano pa bang dapat kong gawin para gumaling ang asawa ko?" Umiiyak na dasal ni Marshall at humarap sa kanilang mga magulang..
"Isang taon nalang daw po.. Sabi ng doctor isang taon nalang daw.. Hindi ako papayag.. Hindi ako papayag na mawala saatin ang asawa ko.." Umiiling iling na sabi ni Marshall..
"Hindi naman mga diyos ang mga doctor na yan para sabihin saatin kung kailan tatagal ang buhay ng isang tao! Marshall, basta gagaling ang anak namin.. Gagaling siya.. Kahit napakalaki ang gagastusin natin, gagawin natin ang lahat gumaling lang si Katie." Sabi ni Mrs.Gonzalez at hinawakan ang kamay ni Marshall..
Sabay sabay silang dumasal sa altar para sa kaligtasan ni Katie.. na sana gumaling na sya..
---
Nag impake ulit ng mga damit si Marshall.. Kasali na yung mga damit ni Katie..
Bumalik siya ng hospital at binantayan ulit si Katie.. Inaayos niya yung mga gamit na kailangan ni Katie..
Si Katie naman ay nagddrawing sa isang papel..
"Marshall.." Tawag ni Katie sa kanyang asawa kahit na nanghihina na sya.
"Yes wife?" Sabi ni Marshall at lumapit sa kama ni Katie..
Pinakita ni Katie ang kanyang drawing.
"Marshall, para sainyo oh. Drawing ko.. Sorry kung hindi masyadong maganda ha?" Sabi ni Katie at inilahad ang kanyang drawing sa asawa..
Kinuha naman ito ni Marshall..
Pinangalanan ni Katie kung sino yung mga nakadrawing sa papel..
"Heto ikaw, ang mahal kong asawa.. Heto si mommy at daddy.. Si mommy at daddy mo.. Si Xandra, Shawn, Kyle, Amy at Aling Linda... Tapos ito naman ako.." Turo ni Katie sa isang babae na may pakpak na nakaguhit sa ibabaw ng papel..
Napaiwas naman ng tingin si Marshall. At hinawakan ang pisngi ng asawa..
"Wife.. Bakit ka may pakpak at nasa ulap?" Curious na tanong ni Marshall.
"Kasi diba sabi nila mommy at daddy, kapag namatay ang isang tao... Mapupunta siya sa heaven. Magiging angel na sya kasama ni God. " Pagpapaliwanag ni Katie..
Napatigil naman si Marshall sa sinabi ng asawa..
"W-wife naman.. A-ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ka pa magiging angel." Sabi ni Marshall.. Habang naluluha.. Umiwas nalang siya ng tingin..
"Marshall, alam ko naman eh.. Hindi na ako gagaling.. Mamamatay na ako dahil sa sakit ko.."
"Wife.."
"Marshall alam mo ba, gusto ko sana maging singer... Pero... mas maganda yatang maging ANGEL." Nakangiting sabi ni Katie..
"Wife.. Look at me.. Listen to me.." Tumingin naman si Katie sa asawa..
"Wag kang maniniwala sa ibang tao ha? Saakin ka lang maniwala saka kila mommy at daddy natin.. Hindi ka pa magiging angel huh.. gagaling ka pa.. gagaling ka pa.. alam ko yun.." Sabi ni Marshall habang hinahaplos ang pisngi ni Katie..
Hindi niya na mahaplos ang buhok ng asawa dahil wala na yung napakaganda niyang buhok.. Pero kahit kalbo na si Katie.. Mahal na mahal pa rin ni Marshall ang kanyang asawa..
Tumango nalang si Katie bilang sagot..
Kinuha ni Marshall yung papel..
"Pahiram ng lapis.." Utos ni Marshall. Binigay naman ni Katie yung lapis..
Binura ni Marshall yung angel na tinutukoy ni Katie at nagdrawing siya ng isang babaeng walang pakpak na nakahawak sa kamay ng kanyang asawa..
"Dito ka dapat.. Dito ka dapat sa tabi ko.. Hawak mo dapat yung kamay ko. Kasi matagal na matagal pa tayong magsasama." Sabi ni Marshall habang nag ddrawing. Napangiti naman si Katie sa sinabi ng asawa..
"Hindi ka pa pwedeng lumipad.. Kasi malulungkot si Hari Ng Yabang.." Sabi ulit ni Marshall at tumingin sa kanyang asawa.. Hinalikan niya ito sa noo at tumayo na..
Kunwari nag aayos siya ng gamit pero ang totoo.. Tumutulo na yung mga luhang kanina niya pa tinitiis.. Tinakpan niya nalang ang mukha niya para hindi siya marinig ng kanyang asawa na umiiyak..
Pumikit nalang ulit si Katie habang nakangiti..
to be continued..