Hello Readers! Kumusta na kayo? Heto na yung short update kahit busy ako ginawa ko pa rin para sainyo.. ENJOOOOY!
Katie Gonzalez's POV
"KYAAAA~ I KENNOT BELIEVE THIS!! We're gonna graduate na!" masayang sigaw ni Xandra.Nasa mall kami ngayon ng barkada.. nagsasaya dahil malapit na kaming matapos ng college..
Kasama ko si Shawn&Xandra na mag ON na ngayon..
Syempre di mawawala ang boyfriend kong si Marshall.. na panay ang pagtetext. Pabayaan nalang haha
And guess what?
WHAT?
Nandito rin si Kyle..
Kasama yung tsokolate niya,
Si Amy.. hahaha Oo may girlfriend na sya..
And I'm happy for him..
*bzzzzt*
May nagtext!
I opened the message..
"Sweetheart, punta kayo dito sa bahay. Nandito yung Parents ni Marshall. May pag uusapan tayo." text ni daddy.
Tinago ko na yung phone ko sa bag at hinarap si Marshall.
"Hoy batas! Uwi na daw tayo sabi ni daddy. Nandun parents mo.. may pag uusapan daw tayo.." sabi ko sakanya habang hinihila sya patayo.
"Psh oo na wag kang excited.." sabi nya at nagpaalam na kami sa barkada..
(SA HOUSE)
"Mga anak, umupo kayo.." utos saamin ni daddy..
Umupo naman kaming dalawa sa sofa habang magkahawak ang mga kamay namin..
Kinakabahan naman ako sa sasabihin nila..
Nakangiti ako ng malapad sa harap ng parents ko at parents niya..
"Listen to us.. You two, should BREAK UP." sabi ni mommy.
Napawi yung ngiti ko sa aking mga labi at hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Marshall.
"N-no. NO. NO! NOOO! AYOKO!" sigaw ko sakanila.
"Pupunta na tayong Paris anak. Hindi na tayo babalik pa. Tatapusin mo lang ang last sem at aalis kaagad tayo." mahinahong sabi ni daddy.
Naiiyak na ako..
"AYOKO! kahit anong sabihin nyo hinding hindi kami maghihiwalay!" sabi ko at tuluyan ng tumulo yung luha ko..
"I'm so sorry Katie. but your parents are right." sabi ni Mrs.Hernandez.
Umiling iling ako ng ilang beses at tinakpan ang mukha ko gamit ang aking mga palad at umiyak ako ng umiyak.
"Let's go son." tawag ni Mr.Hernandez kay Marshall at hinawakan sya sa braso niya.
Pinigilan ko sila at yinakap naman ako ni Marshall..
"GUARDS!" Sigaw ni Mr.Hernandez. May dumating namang dalawang napakalaking tao at binuhat si Marshall..
Unti unti na syang kumakalas sa yakap at kamay nalang namin ang magkahawak sa isa't isa.
"BITAWAN NYO SYA!" Sigaw ko habang hinihila ang kamay ni marshall sa mga guards..
"K-KATIE!" Sigaw ni Marshall.
"Marshall! Wag kang bibitaw!" sigaw ko habang hinihila pa rin sya.
Pero hindi na kaya ng lakas ko na hilahin sya..
Ang lalakas kasi ng mga guards..
Mas lalo akong napaiyak ng unti unti na nyang nabibitawan ang kamay ko..
Natumba ako dahil na out balance ako sa kakahila sakanya..
"MARSHAAAALL!" sigaw ko. Hinabol ko sila pero nadapa lang ako dahil lumalabo na yung paningin ko dahil sa mga luha ko.
"KATIEEEE!" huling sigaw nya at sinara na nila ang pinto..
Napaluhod ako at humagulgol duon..
"M-MARSHAAAALL! WAG MO AKONG IIWAN!" sigaw ko habang nakahawak sa puso ko.. alam ko di nya na ako maririnig dahil umalis na sya..
Nilapitan ako nila mommy at pinapatahan ako..
Umiwas nalang ako at tumakbo papuntang kwarto..
Bumagsak ako sa kama at humagulgol..
"Marshall.. mahal na mahal kita."
to be continued...