Katie Gonzalez's POV
Walang hiyang Yabang yun! Nakakainis! Nakakaasar! Nakakabanas! Nakakabadtrip! Urggggh!
Ang sasama na tuloy ng tingin sakin netong mga fans niyang kung makatili kanina parang mga naiipit na sisiw! >.< Nakakarindi kaya!
Feeling gwapo! Eh mukha namang aso! Langya! Naiinis talaga akoooo!
Yung tahimik kong buhay! Ginugulo ng walang hiyang hari ng yabang na mukhang aso!
Nakakatawa yung mukha niya kanina! Hahaha may papikit pikit effect pa akala niya sasampalin ko siya. Gusto ko ngang sampalin eh. Kaso pinagtitinginan na ako ng mga sisiw, kaya hindi ko na tinuloy. Baka mas lumala mga haters ko. Hahahaha sosyalite teh! May pahaters haters pa ako.
Naiwan ko tuloy duon si Kyle. Sayang! Nilibre niya sana akong lunch eh. Sa bahay nalang nga ako kakain after school.
Pumunta ako sa locker ko. Nakita ko yung locker ni hari ng yabang na mukhang aso at sinipa ko iyon.
Aray! langya! Masakiiiit! >.<
Kinuha ko yung mga gamit ko para sa afternoon class. Jusko, ang dami neto. Naiwan ko pa yung bag ko sa room.
Dala ko na yung mga gamit ko at isinara ang locker ko gamit ang aking paa.
Naglalakad na ako--
*boogsh*
Nalaglag yung mga gamit ko. Putek! Buti hindi napunit at lumipad sa pluto yung mga notebooks ko.
"I'm so sorry miss! Let me help you with that." Sabi nung lalaking nakabangga ko. Actually, nahulog rin yung dalawang libro na dala niya dahil galing din siya sa locker niya at nagkabanggan kami.
Tinulungan ko na rin siyang pulutin iyon.
"Heto na mga gamit mo miss. Sorry talaga ha. Hindi ka ba nasaktan?" Tanong niya sakin, pinagpag ko naman ang palda ko at tumayo na dala yung mga notebooks ko.
"Hindi naman--" OMGGGGGG! Ang gwapooooooooooooooooooo! *^o^*
Shockingness! Kaloka!
*snap snap*
He snapped his fingers on my face.
"Miss? Hello? Are you alright? Bakit ka nakanganga?" Tanong niya. Natauhan naman ako. Shocks!~ Kinakausap ako ng gwapong nilalang na ito. Nagsusuka na ako ng rainbow.
Umiling'iling nalang ako bilang sagot. HINDI AKO MAKAPAGSALITAAAAAA!
"Okay. I think you're already fine. I'm so sorry talaga miss. Kasalanan ko hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko eh." Sabi niya ulit sincerely tapos ngumiti siya at hinimas ang batok niya.
Hooo~ Natatae na ako, ng rainbow!
"O-okay lang. ehe ehe." Sabi ko. Nakakautal kang lalaki ka! Gwapo mo kasi.
"Haha sige miss. Mauna na ako. May klase pa kasi ako eh." Sabi niya at ngumiti ulit ng pagkatamis tamis! Mas matamis pa sa tsokolate ni ChocoKyle.
Tumang tango naman ako. Naglakad na siya palayo.
Pinagmasdan ko nalang siya habang siya'y papalayo sa aking kinaroroonan. Haaaaay...
"Hey miss!" Sigaw niya ulit. Natauhan naman ako sa pagdedaydream tungkol sakanya.
"Ano po?"
"I'm Shawn Madrigal by the way. See you later!" Sabi niya at kumaway sakin. Naglakad na ulit siya palayo.
OMGGGGGGG! Shawn Shawn Shawn! Madrigaaaaaaaaaal! Pangalan niya yun! Napakagandang pangalan!
Pumalakpak naman ako habang nakangiti.
"Nainlove ako, sa loob ng tatlong segundo." Sabi ko sa kawalan at pangiti ngiti.
Naglalakad na ako papuntang classroom habang nagdedaydream pa rin kay Shawn my loves. hihihihihi my loves ahihihi
Tapos may nabangga akong pader.
"Aray ko!" Singhal ko at hinimas ang noo ko. Lintek napaupo pati ako sa sahig.
"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Tanong ng isang lalaki. Teka-- inangat ko yung ulo ko at.. Si Hari ng yabang na mukhang aso yung nakabangga ko! Akala ko pader! Tigas kasi eh.
"Hindi." Sabi ko nalang at tumayo na.
"Psh. Pathetic." Bulong niya pero narinig ko naman.
"Pathetic mo mukha mo! Hoy Hari ng Yabang na mukhang aso! Alam mo namang nagdedaydream ako dito at magkakasalubong na tayo, dapat sana ikaw nalang yung umiwas!" Sigaw ko.
"What did you just call me?" Tanong niya.
"Hari Ng Yabang na mukhang aso -_-" Inulit ko pa para mas lalo siyang mainis. Bingi ba siya? Kailangan ko pang ulitin eh.
"How dare y--"
"How dare you too! Tsk tsk. Stay there dog!" Sigaw ko ulit sakanya at pumasok na sa classroom.
Pagkabukas ko ng pinto, ang sasama nanaman ng tingin sakin ng mga sisiw.
"Hoy! Walang hiya--" Sigaw ni sisiw#1
"Hoy ka rin -_-" Sabi ko in a cold tone at dumiretso sa upuan ko.
Nakita ko si ChocoKyle na kumakain ulit ng chocolates. Hershey's. DIba mahal yan?
"Hey ChocoKyle, sorry kung naiwan kita kanina sa canteen. May nangyari kasing nakakabadtrip eh." Sabi ko kay ChocoKyle.
"ChocoKyle?" Tanong niya.
"Oo. Yan tawag ko sayo eh."
"ChocoKyle?!" Sigaw ni Kyle at napatayo sa inuupuan niya. Saamin tuloy nakatingin mga kaklase namin. Hala? Anong masama sa ChocoKyle? Galit ba siya?
"H-huh?" Yan nalang ang nasabi ko. Nakakatakot kasi parang galit na siya.
O_O
Nagulat ako kasi nilapit ni Kyle ang mukha niya sa mukha ko. Konting galaw nalang at alam niyo na..
Napako ako sa kinauupuan ko.
"Ch-chocoKyle, b-bakit--" Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan kung galit ba siya? Hindi ko mabasa sa mga mata niya.
Tapos dinikit niya yung labi niya sa labi ko. Watdaaaaaa?! O_O
Tinulak ko naman siya pero mahina lang. Tinuturing ko na rin kasi siyang kaibigan eh. Pero hindi naman ako galit.
"ChocoKyle! A-anong--" Singhal ko.
"From now on, you're my girlfriend."
Woooooaaaah!
Nice one Kyle Vargas!
Yiiiiieeeee!
Kadiri. Yucks. Gross. Weirdo.
Narinig kong mga hiyawan ng mga kaklase ko.
What did he just say?!
"A-anong sabi mo?" Tanong ko ulit. Baka kasi nananaginip lang ako or baka nabagok yung ulo ko kanina sa pagkakabangga kay yabang.
"I said, from now on, you're gonna be my girlfriend ^_^" Masaya niyang sabi. Hindi ako nakapagsalita.
*boogsh*
Napalingon kami sa pintuan dahil sumara ito ng napakalakas? Huh? Sino naman yung sumara ng ganoon sa pinto?
to be continued..