Isa iyon sa pinaka mahirap na desisyon na ginawa ko. Ang hindi ituloy ang operasyon ni Katie sa kanyang bone marrow donor. Pinili kong ipagpatuloy na lang ang chemotherapy sa asawa ko dahil natakot akong malagay sa alanganin ang buhay ng mga magulang nya at nagmakaawa sakin ang asawa ko na wag ng ipagpatuloy pa yung operasyon. Pero alam kong dahil sa desisyon na iyon , maaaring lumuha ang kalagayan ni Katie..
Dumating na ang pasko pero hindi pa rin gumagaling si Katie..
Kasama ni Marshall sa hospital si Katie..
Nasa lobby sila at nakaupo sa wheelchair ang kanyang asawa..
"Merry Christmas Wife!" Masayang bati ni Marshall at binigyan ng regalo si Katie at hinalikan ito sa labi..
Napangiti naman si Katie at namula sa kasweetan ng kanyang asawa..
Sa hospital silang dalawa magpapasko..
"Wife.. Alam mo ang saya saya ko ngayon kasi naririnig ko sa Diyos na tinupad niya na mawala na yung pamamaga mo sa katawan. Kaya.. kahit dito tayo ngayon magpapasko sa hospital, masaya pa rin ako."
"Marshall, sayang noh? Hindi tayo lahat magkakasama ngayong pasko."
"Alam mo gustong gusto nilang pumunta rito kaya lang hindi pwede eh.. Kaya nandun sila sa kanya kanya nilang bahay at nagpapasko kasama ang mga pamilya nila.. Sila mommy at daddy bumalik ulit ng Paris.. Diba pamilya tayong dalawa? Kaya magpagaling ka na kasi gagawa pa tayo ng baby.." Pang aasar ni Marshall..
Natawa naman si Katie at pinalo sa braso si Marshall..
"PERVERT!" Sigaw nito.
"Uhm.. Marshall. Itutuloy mo pa rin ba yung gagawin nila sa mga magulang ko? Tutusukin rin ba sila ng mga doctor?"
"Hindi.. Hindi na yun matutuloy wife.."
"Mabuti naman kung ganon.."
"Psh. Ikaw na nga yung may sakit, pero inaalala mo pa rin ang ibang tao. Katie, naaalala mo pa ba yung isa mo pang wish saamin? Gagawin natin yun sa birthday nating dalawa."
Sabi ni Marshall at binigyan ng 5 kisses ang asawa..Nagyakapan sila at tinuon ang atensyon sa napakalaking christmas tree..
---
Nakalabas na sa hospital si Katie at unti unti na syang gumagaling..
Nasa kotse sila ngayon kasama ang lahat..
Kasama ang barkada at ang kanilang mga magulang.. Pupunta sila sa probinsya at magsasaya..
Nag swimming sila sa pool..
Ginawa nilang exclusive ang resort so sila lang yung pwedeng mag swim duon..
Nagseswimming ang barkada at si Katie naman ay naka bikini at nakaupo sa gilid ng pool..
Pumayat siya lalo.. Yung parang hindi na built ang katawan niya..
Pero kahit na ganun, hindi pa rin siya nahihiyang mag bikini..
Pinipicturan naman ni Marshall ang masasayang mukha ng barkada.. Yung parents nila nagluluto ng kanilang meryenda..
"Katie? Wife, sabi daw ng doctor pwede ka naman daw mag swimming.. Wag ka lang masyadong magpagod ha.." Sabi ni Marshall
"Tara na Katie! Swim tayo!" Alok nila Shawn sakanya..
Tumayo naman si Katie at dahan dahang bumaba sa pool..
Inalalayan naman siya ng barkada..
At pinicturan ulit sila ni Marshall..
Mukhang ang sasaya nila.. Mas lalo silang sumasaya ng sigurado silang gumagaling na talaga si Katie..
"Sabi ng doctor, isang taon na lang daw ang buhay niya. Pero lagpas isang taon na eh.. Mom, dad.. Lumaban siya.. Lumaban yung asawa ko.. At alam ko, lalaban pa sya.." Sabi ni Marshall sa mga magulang nila..
---
Sa bahay..
Tinitignan na ni Marshall yung mga picture nila noong nasa probinsya sila. Napapangiti siya habang tinitignan ito..
"Marshall! Marshall!" Sigaw ni Aling Linda..
"Aling Linda? Ano po iyon?"
"S-si Katie!" Natatarantang sabi ni Aling Linda.. Muntik na nga syang mahulog sa hagdan sa kakatakbo pababa eh..
Nanlaki naman yung mga mata ni Marshall at mabilis na umakyat pataas ng kwarto nila ni Katie..
"Katie?!"
"MARSHALL!"
Nakita ni Marshall na nakahawak si Katie sa kanyang ulo.. Halatang sumasakit ito dahil napapangiwi at umiiyak si Katie..
"Marshall! M-mar.. Ang sakit ng ulo ko!!" Sigaw ni Katie habang pinapalo ang ulo niya..
"Katie, H-heto na ako.. Heto na hinihilot ko na oh.. Hinihilot ko na yung noo mo.." Naiiyak na sabi ni Marshall..
"ARAAAAAY!" Singhal pa ni Katie..
Patuloy na hinilot pa ni Marshall ang noo ni Katie..
"Masakit pa rin ba? Masakit pa wife? Ha? Heto na hinihilot ko na.." Natatarantang sabi ni Marshall.
Actually, kinakabahan nanaman siya dahil akala niya magaling na talaga si Katie..
"Araaaay! M-marshall! MARSHAAAALL!" Sigaw ng sigaw si Katie habang pinapalo ang ulo niya..
Dali daling tumayo si Marshall at kinuha yung gamot ni Katie sa side table..
Pinainom nya ito sakanya at hinilot ulit ang noo ng asawa..
to be continued...