Blood 6: THE FIRE

1K 82 37
                                    

Lumabas kami ni Tristan mula sa Breakfast Hall pagkatapos namin dito kumain. I couldn't stop myself to feel anxious and disoriented at the same time. Lahat kasi sila ay nakatingin sa aming dalawa. Kulang na lang ay sundan nila kami mula sa loob ng hall hanggang sa paglabas namin dito.

Nakakainis at sobrang nakakahiya.

I can't blame them. It is very unusual to see a Distinct Blood talking with an Average Blood. This is against the law anyway. Mali ito. Hindi ito tama.

Pinilit ko ang sarili ko na hindi pansinin ang mga titig nila sa akin. Hindi ko rin pinakinggan ang mga bulungan na naririnig ko mula sa paligid ko. Nakatingin lang ako sa unahan ko habang naglalakad kami papunta sa Training Hall. Nasa unahan ako samantalang siya ay nasa likuran ko.

I told him to leave me already but he insisted to walk me through. Wala akong nagawa kundi hayaan siya sa gusto niyang mangyari.

Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi isipin ang tungkol kay Tommy Giordano.

I want to know about him. I want to know the reasons of his complete disappearance during their mission. Gusto kong malaman ang relasyon niya sa buhay nina Tristan at Matteo.

He must be very special for them.

Lumingon ako kay Tristan at nahuli ko siyang nakangiti sa akin. Agad kong binawi ang tingin ko sa kanya at tumingin ulit sa harapan ko.

Kailan ba ako masasanay sa mga titig na iyon? I'm really in love with him. Fuck.

Tumigil ako sa dulo ng hallway at lumingon sa kanya. Pero hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya. He cupped my face and kissed me gently.

It was a simple kiss.

Pero pakiramdam ko ay para akong tinakasan ng lakas. Nanghihina ang buo kong katawan.

"I love you," nakangiting sabi nito habang hinahawakan ang bewang ko.

"S-Stop kissing me," I said weakly.

Napakunot-noo siya sa sinabi ko. "Is that what you want?"

"No."

Hinawakan niya ulit ang mukha ko at ngumiti sa harapan ko. "I promise, I won't kiss you in public anymore."

Ngumiti din ako sa kanya, "S-Salamat."

"Can you please do me a favor?"

"W-What?" I asked curiously.

"Stop seducing me. Baka hindi na ako makapagtimpi sayo," nakangiting sabi nito sabay halik sa noo ko.

"I'll go ahead. Be careful," dagdag pa nito bago umalis.

Naiwan ako dun habang namumula dahil sa sinabi niya. Halos sumabog din ang puso ko sa sobrang pagpintig nito.

It was never my intention to fall in love with him. I never wanted this. I would think that the idea of forever is silly and unrealistic and illogical before. I never knew that it would change because of him.

Sa unang pagkakataon, nabago ang ikot ng mundo ko. Napalitan ito ng pag-asa at pagmamahal. Gusto kong mabuhay muli at makasama siya habang buhay.

Binuksan ko ang pinto ng Training Hall ngunit nagulat ako nang biglang may humila sa braso ko mula sa loob nito.

"Matteo!" gulat na sigaw ko.

"You're late," he said while pinning me against the wall.

"What the hell are you doing?!" sigaw ko habang inaalis ang kamay niya.

DEFENDERS (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon