Blood 8: THE SUBJECTS

956 83 34
                                    

Lumipas ang dalawang buwan mula nang malaman ko ang tungkol sa pagkatao ko. Isa itong anino na hindi ko matakasan sa bawat paggising ko sa umaga.

Isa akong Pure Defender. Isang uri ng bampira na walang lugar sa mundong ito. We are not great in numbers. Maaari kaming maubos kung hindi kami magtatago mula sa kanila.

We live in fear and doubts. We run away from them until we lose ourselves.

Should I tell him the truth?

Hindi ko alam. Ito ang palaging sagot sa tanong ko. Hindi ako sigurado kung kaya niya akong tanggapin kapag nalaman niya ang totoong sekreto ko. Hindi rin ako sigurado kung kaya niya akong ipaglaban sa oras na malaman niya na isa akong kalaban.

I'm afraid to tell him the truth.

Totoo iyon. Naiintindihan ko na kung bakit umalis si Tommy sa Nightshade Academy. Umalis siya dahil ayaw niyang masaktan ang mga mahal niya sa buhay. Pinili niyang saktan si Tristan para sa ikabubuti at ikatatahimik ng lahat.

Should I do the same thing?

"Attention! Gather yourself to the Research Hall now. You have five minutes to accomplish the order!"

It was the Blue Queen, sending the announcement to everyone.

Kinuha ko ang mga gamit ko mula sa table ko at mabilis na iniwan ang kwarto ko. I run as fast as I could. Kailangan kong makapunta agad sa Research Hall bago mahuli ang lahat.

One thing that I've learned from this school was the value of punishment. Everyone was watching you. Lahat ng galaw mo ay nakikita nila. Pati pagkakamali mo ay gusto nilang ag-usapan. They won't stop until you get your punishment at the end.

Pain begets pain. That's the rule.

Nakahinga ako ng maluwag nang makaupo ako sa upuan ko. Halos lahat ng bampira ay nakaupo na rin sa kanilang mga upuan habang naghihintay sa kanilang mga kasama.

We were all worried about the possible punishments of this order.

Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang pagsarado ng pinto ng Hall. I felt bad to see my classmates outside. Hindi na sila nakahabol. They didn't make it.

Gusto ko silang tulungan pero hindi ko ito magawa. It was unfair! Wala silang kapangyarihan at hindi sapat ang kanilang lakas para sundin ang mga batas ng Nightshade Academy. This is ridiculous!

"It's okay, Toffee," bulong ni Jill sa tabi ko.

"I'm fine. I just can't take it," bulong ko rin sa kanya.

"Rules are rules-"

"We can break rules if it's wrong," putol ko dito.

Hinawakan niya ang kamay ko bago nagsalita ulit.

"I understand. But you just can't move without even thinking about its consequences. Madaming madadamay, Toffee," she said sincerely.

She was right. Kailangan ko pag-isipan ang bawat galaw ko sa lugar na ito. I don't want everyone to suffer because of my poor actions.

DEFENDERS (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon