Blood 10: THE POWER OF AUTUMN

1.3K 95 48
                                    

For the past two months, Tristan has been my rock in Nightshade Academy. The only vampire I looked forward to talking to every single day, the one I could trust with my life and the one I thought would never leave me.

But I was wrong about the last one, he chose to ignore me.

"Welcome to the family! You are now an official member of Blue Agents! Congratulations, Toffee!" sigaw ni Professor Fina sa loob ng Training Hall.

Isang malakas na palakpakan ang umalingawngaw sa paligid ko. Hindi ako sigurado sa mga nakikita ko ngayon. I was standing before them and I could see in everyone's face the mixture of happiness and disappointment to have me.

Did I ask for this?

No, I didn't.

Hindi ko ito ginusto. Kailanman hindi ko iyon pinangarap sa buong buhay ko. I never wanted to catch the attention of everyone.

But I was left with no options.

I need to be a member of the Blue Agents to get the serum and bring it with me. That's the only way to save all the vampires on earth.

Yes, to save them and leave my first love...

Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa tabi ko. Tulad ko, nakatayo lang si Tristan habang nakatingin sa mga bampirang nasa paligid namin. He was just standing there with his cold and undefined look.

Tristan, kahit ngayon lang, tumingin ka naman sa akin, I prayed silently.

Pero natapos ang pagtitipon na iyon na hindi ako nito pinapansin. Wala ako sa sarili ko at hindi ko din alam kung ano ang mga nangyayari sa buong paligid ko.

I was totally disturbed and lost.

I didn't want to see anyone of them or even listen to what they are going to say about me. I just wanted to get away!

I ran as fast as I could to leave the place. Nakarating ako sa isang parte ng kagubatan kung saan tahimik at walang gulo ang paligid nito. Umupo ako sa isang bato na napapaligiran ng mga bulaklak at paru-paro. Napakaganda nitong tingnan!

Lumipat ang tingin ko sa mga dahon na nagsisilbing proteksyon ko sa liwanag ng araw.

I was taken aback when I remembered something about it!

Oh, shit! I didn't take the capsule to protect myself from the sunlight!

"Toffee," tawag mula sa likod ko.

Halos manigas ang buo kong katawan nang marinig ko ang boses na iyon.

I miss him badly. I miss him so much...

Naramdaman ko ang paglapat ng isang makapal na jacket mula sa likod ko. Namula at napayuko ako sa ginawa niya.

"T-Tristan..," bulong ko.

"Hindi lahat ng oras ay nandito ako para alagaan ka," seryosong sabi nito habang nakatayo sa harapan ko.

"Y-You don't have to do this. But I'm glad you're finally here," sagot ko naman sa kanya.

Lumapit ako sa kanya para yakapin siya pero bigla siyang umatras palayo sa akin. Nagulat ako at kinabahan sa ginawa niya.

"T-Tristan..," naguguluhan na tawag ko sa kanya.

DEFENDERS (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon