Part 2: Who's There?

13.5K 305 3
                                    

"SANA ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako. Hinahanap hanap pag-ibig mo. At kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako. Muling makita ka...at makasama ka...sa araw ng Pasko!" wagas ang pagsabay ni Diosa sa kanta ni Ariel Rivera. Hatinggabi ng December twenty-three iyon. Nasa Baguio na siya, sa rest house ni Macaria.

Medyo na-shock si Diosa sa bahay. Dalawang palapag ang rest house na nasa tuktok nga ng bundok! Puting-puti ang sementadong hagdan na parang gumagapang na ahas na paliko-liko. Napa-wow siya. Bongga! Sa mga Hollywood movie lang niya nakikita ang ganoong bahay na kadalasan ay nasa isla. Mayaman talaga ang matandang Bolocbuloc!

Naghiwa-hiwalay silang magpipinsan sa Pugad Agila na wini-wish ng dalawa na ma-devirginize na siya bago mag-New Year. Ang lakas lang mam-pressure ng dalawang iyon. Ilang buwan pa naman bago ang birthday niya. May sapat na oras pa siya para sagipin ang sarili sa karit ni Kamatayan.

Grabeng virginity!

Ugat pa talaga ng magiging makasaysayan niyang pagka-tsugi?

Sa totoo lang ay kinakapitan pa rin ni Diosa ang paniniwalang tsismis lang ang tungkol sa sumpa. Pero ngayong parehong humabol sa huling biyahe ang dalawang pinsan, kinakabahan na rin si Diosa. Akala ng dalaga ay kasama niya sa paniniwala ang dalawang iyon, bakit nag-asawa bigla?

Kung tsismis lang talaga, good news iyon.

Pero paano kung totoo pala? Ibig sabihin, bilang na nga ang mga araw niya!

Sumubsob sa mga palad si Diosa at kumanta uli—tunog iyak na ang kanta.

"Bakit ba naman kailangang lumisan pa..." kasunod ang buntong hininga. Ibang lyrics na ang sunod niyang kinanta. "Ang tanging hangad ko lang ay makasiping ka. Virgin pa ako...pero may taning na. 'Langya naman kasi nang-iwan ka pa..." ibinagsak na ni Diosa ang sarili sa kama. Naisip na naman tuloy niya si Dodot Panis. Si Dodot na bigla bigla na lang sumama sa isang bakasyunista sa Pugad Agila noong gabi mismong ina-assume niyang magtatapat na ito ng totoong damdamin sa kanya.

Paulit-ulit ang si Ariel Rivera sa pagdidiin na malamig ang Pasko ni Diosa. Mga thirty minutes pa, sa wakas ay inantok na rin ang dalaga. In-off na niya ang music sa phone. Pampaantok ni Diosa ang mellow songs pero katahimikan pa rin ang naghahatid sa kanya sa pagtulog. Hinila niya ang makapal na comforter at ibinalot ang sarili.

Sobrang lamig...

Dapat pala ay hindi siya nag-Baguio. Ramdam na ramdam ni Diosa na Pasko at mag-isa siya. Kumanta na lang siya ng Joy To The World para ipaalala sa sarili na hindi dapat malungkot kapag Pasko. May mas dapat i-celebrate.

Tunog ng footsteps ang gumising kay Diosa...


Rohn (The heartbroken Ex)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon